Naalala ko noong first year college ako, kapag kakain kami ng friend ko, minsan ay nagto-toss coin kami kung saan kami puwedeng kumain. One example of making decisions na sumusunod sa signs. Pero madalas, `di naman namin sinusunod! Hahahaha... But well, I am trying it in writing...Hindi nga lang sa pamamagitan ng toss coin.
My first installment for my trilogy was the first book I write na humingi ako nang sign. Paano ba ako humingi? Well, sabi ko lang naman ay...kapag natapos ko ang librong ito...ibig sabihin, naka-move on na ako sa ex ko. Ang ginawa ko kasi roon ay ginawa kong kontrabida ang ex ko... which is hindi talaga nangyari! Gusto ko talagang maging bad villain siya. But it turned out na bumait siya. `Yun yung ayaw ko kapag nagpaplano, eh. `Di ko rin nasusunod. `Di ko naman ginawang lovable siya basta `di lang siya naging ganoon kasama kagaya ng una kong plinano. Pero tinatanong siya sa akin ng editor ko kung gagawan ko raw siya ng kuwento dahil nang in-edit daw niya, na-feel daw niya na lovable ang guy na `yun... Naloka talaga ako nang sabihin niya yun! Hahahaha.
Anyway, may ginagawa akong bagong manuscript ngayon. And this book, hihingi pa rin ako ng sign. The sign is, if na-approve, it means malaki ang pag-asa na puwedeng maging kami. Kapag na-revise at `di sinabi ang tungkol sa conflict na `yun, meron din. Kapag pina-revise at yun ang comment ay about sa conflict or na-returned `yun, wala talaga kaming pag-asa ni eherm... Hahahaha. He's really my inspiration to this book... lahat ng nararamdaman ko tungkol sa kanya at ang conflict ng relationSHIT namin. Ahahaha!
Napaka-walang kuwenta ng post na ito. May mai-post lang. Hahahaha!
No comments:
Post a Comment