Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Saturday, August 6, 2011

Dream and Reality.

I have two topics for this post, Dream and Reality. At mag-uumpisa muna ako sa DREAM.


Honestly, hindi ko alam kung ano ang masasabi ko dito. I'm scared. And FYI nga pala, this dream means panaginip. Not the dream na iyong pangarap. K? :))

Anyway, my dream start with this. Nagising na lang daw ako na magkakatabi kami nina Kuya and Mommy magkakatabi sa kama ni Mommy. Which is really impossible kasi di naman natabi sa amin si Kuya. Then ayon, sabi ko, bakit ka nandito? Tanong ko kay kuya. He said, kasi ayon, may multo! Sabay turo sa pinto. I see a white lady na medyo malabo kasi patay ilaw. (Basta ganun) Noong una, non-sense lang ako. I'm not scared of ghost. K? Nakakatulog nga ako sa bahay namin ako lang mag-isa. Para kasi sa akin, ang multo, hindi naman nangangain. Aswang, takot pa ako. But then, when the lights turn on, I suddenly scream. Pati kuya ko duwag na duwag. Natakot na ako nitong time na ito. Tapos may papel na lumipad bigla. Parang iyon ung nais sabihin ni multo. Pero hindi ko na maalala kung ano. Basta ang natatandaan ko, may name niya, something Kathy like that. Then pinagdasal ko siya, and kaboom, hindi pa rin siya naalis. I'm like, "Oh my God" paano ba ito? Then binuksan ko ung cabinet namin at kumuha ng rosary. (Ay bago pla un ay kumakanta din ako ng worship songs saka nag-sign ng cross fingers.) Nang makuha ung rosary, nakalapit na ung ghost sinusungaban niya si Mommy. Agad na nilagay ko ung rosary sa ghost at aun, tapos na panaginip ko.

Teka, may kuwenta ba? Hahaha. Takot na takot kasi ako, eh. H-in-ug ko nga agad si Mommy paggising ko.

Okay, tapos na sa DREAM. Here comes, REALITY.


My brother and his GF is cool off for now. At ang kasalanan? Ang kuya ko. Sa pangingialam ko ng FB niya, nakita kong parang "He wanted Space". Nag-aalala Basha ang dalawa. Ewan ko, parang ayaw yata ni kuya ng selosa which is Ate christine is ganoon. Basta.

Nalulungkot ako kasi, they've been together for six years. 3rd year HS hanggang ngayong si Ate Christine tapos na ng college. Nakaka-wow ang relasyon nila. Kakainggit nga si Kuya kasi nagtagal sila ng ganoon samantalang ako.... nevermind! Hahahaha.

Para sa akin, there is nothing wrong with selos naman. It just means that kapag nagseselos ka, siyempre mahal mo talaga ung lalaki. Saka minsan nakakaselos naman talaga kung marami kang girl na kasama.

Naalala ko tuloy si Kuya Chris, inaanak ni Mommy. Meron din siyang GF, katulad ni kuya, matagal na silang dalawa nung GF niya. Siguro mga 5 yrs ganoon? Basta matagal na. Then itong si kuya chris, parang nagkaroon ng problem sa family. Ung kapatid niya, nabuntis ng walang ama, ung isa niya pang kapatid, medyo nagloloko daw (ayon sa aking sources) kaya siya nakipag-cool off sa gf niya. Then after that, nalaman ko na lang sa aking (Sources) na buntis pala ung girl... and unfortunately, sa ibang lalaki. Why? Because pakiramdam siguro ni girl ay iniwan siya ni boy. Saklap talaga. Noong kinukuwento un sa akin ni source, nandun si kuya chris. Medyo malungkot nga siya, eh. Nakakaawa lang. >___<

So siguro talagang ganyan ang buhay. Reality sucks. Katulad na lang ng nakita ko ngayon. I saw something in FB. Ayaw kong magsalita pero I think I found her na. Siya nga kaya talaga un? So maayos naman pala ang buhay niya kung siya iyon. (i will not mention anything at baka may makabasa na iba) Basta. Happy birthday na lang sa kanya and I hope she's doing well :))

Don't know how to react with this,
Azec Chase.♥

No comments:

Post a Comment