Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Tuesday, August 9, 2011

Try and try

Hello. I just sent Caspian. :))) Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa kanya. Malamang na approve, revise o returned. Pero sana lang talaga, approve o kahit revise man lang, I will be so happy na

Baket? Kasi si Caspian ay muntik ko na iyakan. Baket muli? Kasi na-returned siya nang una. Inayos ko lang siya kasi naisip ko na kaya kong ayusin itong dadalawang reasons kung bakit siya na-returned.

At ang reasons:

1. Parang paulit-ulit ang sinasabi sa kuwento.
2. Hindi po nag-focus sa bida ang kuwento.

Okay. Aaminin ko, nasaktan ako kay Caspian. Kasi sa kanya ko na-experience kung paano magsulat sa notebook. Minahal ko siya kahit hindi siya nagpamahal sa iba. Kaya naman siguro bumulong siya sa akin, ayusin mo ako. Baka-sakaling makalusot! (Choz)

But really, kahit medyo tragic ang kuwento na ito, mahal ko ito. :))) First time kong nagpasa sa PHR ng nobela na may love scene. And ahem! Bakit ko nilagyan? Kasi gusto ko! Joke. Kailangan kasi sa kuwento. :)))

Sumakit ang ulo ko kay Caspian. Tatlong araw ko siyang inayos. Nilagyan ko pa rin kasi siya ng ibang scenes. Sana lang talaga, pumasa na siya. Inayos ko na, eh. Sayang naman ang pag-aayos ko kung hindi siya magpamahal sa iba.

Kaya Caspian, pakabait ka! :)))

O, iyan, nag-drama ako. Pero sa totoo lang, pagod na rin ako. Ngayon, inuna ko munang mag-post sa blog ko kasi mahal ko ito. Choz! Hahahaha. Mag-edit muli ako ng nobela kasi nagre-request sa akin ang IS na mag-post ulit ako. At dahil mahal ko ang IS, charan! Kailangang mahalin din nila itong inaayos ko. And FYI, ang napili ko pang MS ay isang MS na hindi ko pa napapasa sa kahit anong publishing house. Sosyal `no? Ganyan ko kamahal ang IS. Dahil kung wala ang IS, walang susuporta at hindi ko rin mapapansin ang mga mali ko. :))) (ayun naman, oh!)

Pero teka, nga pala. Kahapon, I saw, Mr. Inspiration, aka crush no. 1. She's with a ------- girl! Peste! Selos agad puso ko! (charot!) hahaha. And I know the girl. Kaklase ko siya sa isang subject. Nakakainis lang. Mukha kasi siyang talande. >___<
At kahapon, nakita ko din si crush no.2 and 3. Iyon nga lang, si 3, kasama na naman ang gf/ka-MU niya. Pero okay lang. :))))


Ay, tama na nga. pagod na nga ako, kung anu-ano pa pinagsasabi ko. Basta ito na ito.


Kakayanin ko ito,
Azec Chase. ♥




No comments:

Post a Comment