Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Thursday, December 29, 2011

2011

Ilang araw na lang, new year na. 2012 na. Parang kailan lang, napanood ko iyong movie ng 2012 na magugunaw na daw ang mundo. Tapos ilang araw na lang, 2012 na? End of the world na kaya? Oh no. Wala pa akong boyfriend! Hahaha. Joke.

Anyway, 2011 has been a good year for me? Weh? Ha-ha. Sa health ni Mommy, hindi gaano. Pero sa personal ko(walang family, friends etc. iyong akin lang talaga) okay naman siya. I got my first novel published at iyong dalawa ay upcoming pa next year. I fulfilled my dream. Maayos din ang mga grades ko sa school. And love life? Ahmmm. No comment na lang. Char!

Well, gusto ko palang mag-blog ng mga summary ng mga what happened in my 2011. Every month churva ito. So....:

JANUARY


My birthday month. New year. Birthday ni Kuya, birthday ko. Okay naman. I think? Noong birthday ko, simple lang. Malling and kaunting pagkain sa bahay. Binati ako ni Guji sa twitter! Hahahaha. Well--- hindi ko na matandaan iyong iba so...

FEBRUARY


Love month? Hahaha. Honestly, medyo naging hate ko itong month na ito. Dito lang naman nangyari ang pinakahatest day ko sa lahat and that is February 3, 2011. First thing in the morning, I got a bad feedback, nasunog iyong uniform ko, naospital ang Mommy ko kinagabihan. Haay, sinusumpa ko talaga ito. HAHAHA!  Dito ko naransang umuwi sa mga Lola ko kapag galing sa school because of my mom. And I will say, ang hirap! Paano ba naman ay ang layo kaya noon. Lagi akong nale-late sa school. Ito din pala ang foundation day sa school namin kaya medyo maraming activities. Got to have the chance to watch a concert of Parokya ni Edgar dahil sila ang guest namin.

MARCH


Siyempre, ang pinakakaabangan kasi matatapos na ang school year. Pero hindi pa rin kasi hanggang april yata kami. Eh? Hahaha. Finals. Finals. Finals. I think, okay naman ang month na ito. Naganap din ang aming ballroom sa PE. Nanalo kami ng 3rd place. Got to see Ryan Agoncillo because of Swish commercial na na-held sa school. Month din kung kailan ako naging part ng internet serye. :)

APRIL


Sa totoo lang, wala akong gaanong maalala sa month ng April. Siguro, nagsusulat lang ako nito. The month I made Breaking all the rules for love and A dwarf for a beast--ang mga novels ko sa IS. Bakasyon kaya madalas tambay sa bahay. Ay! Ito rin pala ang month ng mahal na araw. Nagpunta kami ng mga pinsan ko sa Marian Orchard. Lakad kami from 4:30 to 6:30 papunta doon. Masaya lang kahit 1 or 2 hrs lang yata ang tulog ko. Well, nahirapan akong makatulog. IDK why. Pero dati, may time nga na wala akong tulog na pumunta dun. Hi-hi.

MAY


This is the month I wrote Happily Ever After in His Arms. Oh, one week ko siya ginawa and sa one week na iyon, puro istorbo nangyari sa akin. A-he-he. Dalawang beses ako nakagala with HS friends. Then nag-book shopping week ako. Kasal ni Kuya Dennis. Reunion w/ del Mundo's family na na-enjoy ko naman. Qualifying exams (See my blog post dati) ahihi. Ito din pala ang month na naggawa ako ng blog, o di ba? Alam ko! Hahaha. Month na nag-work shop ako. Grabe lang kasi 2 hrs lang tulog ko nun. So imagine how bangag I was that time. But anyway, I really enjoyed my day there. Kahit naglakad yata kami ng 1 hr papunta sa sakayan. hahaha

JUNE


Ito ang pinaka-love kong month dahil dito ko na-experience ang magkaroon nga approved novel! Ahehehe. Kahit may klase na, okay lang. 1st sem of my 2nd year have been easy for me. Fiesta sa mga Lola ko. Nakilala ko ang mga BF's ng Tita at pinsan ko. Nagpunta ako sa Manila to get my very first salary. Nakakita ako ng mga 'chocolates' sa school. Naging irregular ako sa klase. Natutunan kong magbiyahe papuntang MOA. Nakapag-LRT at nagbiyahe ako papunta sa Manila na mag-isa.

JULY


Ito iyong month na feeling ko, ang landi-landi ko. Ang dami ko kasing kras. Sina Mr. Inspiration, crush no. 1, and 3. Hanla! Hahahaha. Parang ewan lang. Dito din naganap iyong mga "treat" with friends and cousins sa mall dahil nga sumuweldo ako sa pinakauna kong approved manuscript. Siyempre, schooling pa din. Naka-adjust na rin ba ako sa pagiging irreg nitong month na ito? I think.

AUGUST


Month na nagkakalabuan na yata sina Ate Christine and Kuya. Nalulungkot din ako kasi ayaw ko talagang mawala sila. They are the perfect love team, eh. Pero wala, eh. Nagkahiwalay din. :( Month na sinubukan kong ayusin si Caspian. And I did. Napa-revision si Derrick. Na naging super ecstatic pa ako! Hahaha. Midterms exam, school and bla's. Na-sent ko din ang revision ni Derrick. Debut ni Claud. We went EK for an advance birthday celebration of Bianca. ag-overnight ako sa kanila with BSA family plus Kuya Kenneth. Ang sarap lang nung popcorn. Ahehehe. Saka iyong mga foods sa kanila. Nakaranas na naman ako for the 2nd time around na umuwi ng hindi naliligo--plus nag-SM pa! Hahahaha. Got to see Papa Chen (Richard Yap) at Dodgem.

SEPTEMBER


This is the month na naka-chat ko si Riyan! Ahehehe. (tandang-tanda, eh?) Nakatanggap ng for revision and returned manuscript. SM Calamba book signing na first time kong maka-attend. And I super enjoy. Nakausap ko pa si Kuya about something... Then nagpunta din kami kayla Bianca nung mismong birthday niya. We surprised her. Nagpicture-an ng bongga sa kanila. Ahehehe. Birthday nung isa kong Tita na ang tanda ko, masarap din ang foods. Semi-finals.

OCTOBER


Malapit na ang sembreak! Hinapit sa music video sa Literature. Over night w/ Rose Anne's house. Nakapunta na naman kami ni Belle sa SM ng hindi naliligo. In short, bangag. Nag-KFC pa! Hahaha. Finals exam week. Sembreeeeeeeeeeak! Over night sa bahay nila Jenny na si Franz ay nag-ala-Boy Abunda at 2:30-3:30am. Isipin niyo na lang kung paano. Tapos nare-realize ko about something "falling" for him. Ewan ko, ha? Pero mukha ngang nalulon ako sa KANYA ng month na ito. Nakabili ako ng the son of Neptune book and nakita ko na rin ang cover ng very first novel ko sa PHR.

NOVEMBER


Sembreak pa din. All saints day in Daddy's cemetery with Mom and Kuya lang. Wala pa sila Tita doon. Pero nagpunta din kami kayla Tita noong hapon. Got to bond w/ some of my cousins. Month kung kailan na-approved ang dalawa kong manuscript. Nakuha ko ang mga grades ko nung 1st sem and I'm so proud na isa lang ang line of 2 ko. Release ng very first novel ko. Start ng 2nd sem na nakakainis kasi may saturday class. Kaya naman hindi ako nagkaroon ng chance na kumuha ng salary sa PHR. Huhuhu.


DECEMBER


The month na ginagawa ko ang blog post na ito. He-he. Feeling ko ang laking pasan sa likod ko ng Taxation, Quantech at Financial Accounting. Isipin mo na lang kung paano nila ako pahirapan. CBA week na sumali ako sa Frustrated Idol! Yey! Kahit ang na-win lang namin ay People's Choice. Nagpunta kaming Lucena the 2nd day at pumunta din ako sa SM Megamall booksigning dahil CBA week nga lang. I can absent in my saturday class. Nakita ko ang soulmate ko...soulmate? Haha. Char! Nagkaroon ako ng gift cheque. Pinahirapan ng prelims exam. Hindi naka-attend ng PHR christmas party. Naging bitter. Namili ng mga damit sa pasko. Nagpasko at nakakuha ng 700 na partido dahil walang Ninang na nagbigay! Haha. Sumali muli sa singing contest. Nag-fiesta sa bahay at nakita si crush. Ilang beses na naging nocturnal. Today, gumawa ng quantech. Bumili ng pocketbook. Nagbasa ng pocketbook and the rest, new year na. 2012 na.


OMG. Ang dami kong sinabi sa December--dahil iyon ang pinaka-remember ko. Huwag kayong magtampo ibang months, ha? he-he. I'm sure, masaya din naman ang memories niyo. xD

Azec Chase ♥





Monday, December 26, 2011

Christmas 2011 :*

Kahapon ay pasko..este, nung isang araw pala. Dec. 27 na nga pala ngayon. Hi-hi. Inumaga na naman ako. Iyong crush ko kasi nasa tabi-tabi lang. Lewls. Nanood kasi ako ng won't last a day without you at nabuhay ang dugo ko. Ahahaha.

Anyway, I super enjoyed this last christmas. I got 700 pesos all in all. And partida, wala pa akong Ninang niyan na nagbigay ng pera. haha. Ang lakas ko dumiskarte, eh! Well. xD

O siya, umpisahan na ang araw ko--teka, kuwento muna ako December 24. Medyo kakatawa din ang araw ko nito, eh.

Umpisahan natin sa Simbang Gabi.

Well, un nga, nagsimbang gabi ako. Then dahil late pa pala ang 5:30 sa simbahan although 6 pa naman iyong misa, naka-stand na ako. Ang dami ba namang nagsisimbang gabi sa baryo `no? (Nandun kasi ako sa mga Lola ko palagi kapag pasko.) Iyon tuloy, kahit 30 minutes na advance, nakatayo pa din. Then mga half na nung mass nang may lalaking tumabi sa akin. Although I know him, we're kinda friends naman? I don't know. basta kakilala ko lang siya. Nakakausap minsan noon. That thing. Hindi ko naman siya pinapansin except nung siya iyong unang nag-approach sa akin. I was kinda like suplada, eh. He-he. (I know what you are thinking) Basta un na un. Then you know what kung paano niya ako in-approach? Inapakan niya iyong paa ko! Kaloka lang. Then un, tumingin ako sa kanya and said, "Ano?" He just smiled at me then hindi na muli. Then after that, patingin-tingin na lang siya. At alam mo iyong may nase-sense? Kung ano iyon, sa akin na lang un! Hahahaha. Basta ganun. Then iyong communion time na, he also gave me a pinch in my arms. Kaloka talaga kung paano siya magpapansin. Doon, then after the communion and praying, nilapitan na naman niya ako at tinanong, saying, "Tara date tayo bukas," I was like o.O. Hindi ako nakapag-react kasi hindi ko alam kung ano ang ire-react. Then nagtanong na naman siya, "May boyfriend ka na ba?" i told him, "Yes". Then he said, "who?" I said, "Si Guji." nagtaka siya. "Sinong Guji?" Gusto ko sanang sabihin, Si Guji Lorenzana, iyong nasa TV. Pero dahil mukhang mahabang paliwanagan pa kasi hindi naman sikat si Guji, I said to him, "Iyong aso namin." (Name talaga ng dog ko, Guji.) hehe. Then he said, "Ay siya, magiging aso na lang pala ako para ako maging boyfriend mo," Ansaveeeeeeeeeh lang. Hindi ko na muli siya pinansin although kapag nagkakatagpo kami after that I know(ayaw kong magpaka-feeling per I feel. Hahaha) gusto niya akong i-approach. Anyway, tapos na un. Hahaha. Hindi ko naman siya gusto. At sa kung gustong itanong sa akin kung guwapo ba siya, well, PM me on FB, I will answer. xD

Then naggawa kami ng mga foods for Noche Buena. Got the chance to go online and watch PBB in Kathy's house. Ang malupit ay gumala kami ng mga pinsan ko, although 4 lang kami, we have fun. Mae, Daryll and my younger one--CJ w/c is just 9 years old lang yata, sumama sa amin. May kasama pa siyang pellet gun. Na nakakatawa lang kasi tinutok niya doon sa guy na tinutukoy ko dun sa isang paragraph. Mukha kasing lalapitan niya kami that time. Natawa lang ako sa ginawa nung pinsan ko saka ung reaction nung guy na un. Hahahaha. Then nag-picture-an kami sa daan. Ang liwanag kasi. kandidato na yata ang bilucao sa pinakamagandang daan sa pasko sa buong pilipinas! ang ganda kasi, eh. hehe. Nag-uupo at humiga pa ako sa daan. Lakas trip lang. Para daw akong lasing sabi nila. Pa-judge nga! Hahaha.

Then Christmas day:










Wala pang 6am, ang iingay na ng mga pinsan at Tito ko kaya naggising ako kahit 3am na ako natulog dahil hindi ako makatulog. Kung iyon ba ay dahil sa hilik ng tito ko or sa pagtulog ko nung hapon eh hindi ko alam. Pero may maganda rin naman iyong dulot dahil nakaisip ako nang magandang plot. Chapter 2 na ako ngayon. Sana lang matapos ko siya. pero mukhang hindi by the year-ends. He-he. In demand ako ngayon, eh. Lewls. Hectic ang sched.

Then simba-simba kami. Pero tapos na homily nang dumating kami so guess what na lang kung ano naabutan namin. he-he. Then un, kumain. namasko? hahaha. Ang saya lang doon sa kapitbahay namin, nagpalaro. At dahil sa kanila, nakakuha ako ng 500 pesos. 50--iyong unang bigay. 100--consolation prize sa isang game. 250 --dahil nanalo ako sa singing contest nila! Ansaveeh! Sumali talaga ako. Hahahaha. 100--dahil sa final bigay. Yaman `no? Sila na. Hahaha. Hapit na hapit ako sa videoke kaya pinatulan ko na ang singing contest. Sayang lang, wlaang listen. Iyon pa naman ang practice ko. xD

1pm, antok na antok na ako. pero di ako nakatulog dahil ewan ko! Hahaha. Nagpunta na lang ako sa other relatives and alas! Nakahanap ako ng may videoke! Kumanta ako nang kumanta hanggang sa sumakit lalamunan ko. Ganoon ako kaadik, eh! Sensya. xD . Then after nagpunta kami sa may labak(its kinda farm) wala lang. Nagpakain kasi ng baboy ung Lola ko, sumama ako. After that, dinner sa bahay. Nanlibre din ako ng RC(palakpak naman!) kasi gusto ko? he-he. Joke. Wala lang. Umuwi ng bahay. Nakatapos ng chapter 1 kahit pagod na dahil sa cadbury. Slept at 11pm and woke up at 11:30am kaninang umaga. Ansaveeh. Sarap ng tulog dahil ang sarap ng hangin.

Dec. 26, fiesta sa amin. Nagpunta si Jenny. Si Jenny lang bisita ko dito. Haha. Si Kuya madami. At kasama doon ang crush ko. Kaya ako ay kinikilig. Kahit hindi ako makatingin sa mala-harry potter kong kras. :P

Ngayon, Dec. 27, baka mamiesta bukas sa Tanauan. Sana makagala. Hahahaha. Nakaka-miss ang HS, eh. :P

Anyway, tulog na siguro ako? 3:23am na, eh. Tanghali na naman ako bukas. Mukhang hindi ko na maabutan si crush kapag umuwi. :(( Hindi pa naman ako nakasilay ng ayos today.

Good night! Sana naging masaya din ang pasko niyo katulad ko. :)) ~

Azec  Chase ♥

Saturday, December 17, 2011

Bitter

I feel so bitter today and yesterday. Why? Its not about my love life. Hindi naman palaging kapag bitter ka, usaping pang-puso na. Its because...Hindi ako naka-attend ng Christmas Party ng PHR.

Bago pa ako naging isang ganap na writer, naging pangarap ko na um-attend ng Christmas Party nila. Hindi ko nga alam kung bakit,eh. Siguro ay dahil sa nakikita kong pictures nila Ms. Heart kapag nag-christmas party sila. Parang ang saya. Lalo na nung sa ABS-CBN na nakasama sila.

I was looking forward for the Christmas Party. Sabi ko sa sarili ko, kailangan kong magsulat at magka-approve after ng Workshop para makasama ako. Ewan ko, ha? Pero ang sabi naman, basta makapagpasa after ng workshop, makakuha na ng certificate. Matagal bago ako nagka-approve dahil puro revised ung akin. Iyon namang Happily Ever After in His Arms, ginawa ko at naipasa ko iyon before ako mag-workshop so I thought na hindi iyon counted. But then, sinikap ko kahit talagang nagkanda-letse-letse kami nung last 2 manuscripts ko.

Pero sa tagal kong inisip iyong Christmas Party, kung ano ang gagawin doon or whatsoever--wala pa din. Hindi ako nakasama. At bakit? Dahil may class ako every Saturday. And that is FINANCIAL ACCOUNTING. Major ko siya. Kaya nga nung dalawang pagkuha ko sana ng kayamanan ay naudlot dahil may pasok ako.Pinapadala ko na lang sila. Last Saturday naman, sa Megamall, nakarating ako kasi wala kaming klase dahil CBA week. How I wish natapat na lang siya nung Christmas Party, eh? Haay. Sayang talaga. Hindi ko tuloy nakuha certificate ko. Tapos ang pinagpuputok pa ng butse ko, wala naman pala kaming EXAM! Kung alam ko lang, naka-absent na talaga ako. Badtrip lang. Pinag-iisipan ko na nga un nung una, eh. Na kukuha na lang siguro ako ng completion. Pero hindi, eh. Wala na. Tapos na. :((

Bitter lang. Haay, sensya na.

Azec Chase ♥

Thursday, December 15, 2011

CBA week--days 2011.

Hi! Good morning! Alam ko na may magtataka kung may makakabasa man nito. Nauna pa ang blog ko sa SM Megamall Booksigning kaysa dito..kahit nauna naman ito..na medyo sabay pala! He-he

Anyway, gusto ko lang i-share ang tungkol sa nangyari this CBA week 2011. I had fun din naman. Kahit halos hindi ako naglagi sa school this time. In demand kasi ako, eh? Ha-ha. Jokeness. I'm proud to say na kahit kakaunti lang kami, galing pa rin ako sa department na ito... College of Business and Accountancy rocks, u know? xD

Simulan natin sa 1st day : Dec. 8, 2011 --- ito iyong pinakanaglagi ako. Simula 8am nang umaga, I'm here na. Ang text sa amin ay 7am dapat andun na kasi may practice kami. For readers info, sumali pa ako sa singing contest. Yes! You read it right, singing contest. Iyon nga lamang, pang mga frustrated! Hahaha. Pero ang akala ko, late na ako. Last text kasi, 7:30 daw dapat. Then hindi ko inaasahang ako pa pala ang pinakauna. Ansaaaaaaaaaveeeh? Ako na laging late sa mga chuvang ganyan, nauna pa. Ha-ha. Tapos hassle kami ni Claud nang dumating siya. Paano ba naman, may ticket pala! Paramihan! Ginamit ni Claud ang kanyang alindog, at ako ang bilis sa pagsusulat. Kapagod lang. Alam niyo un? Hahaha. Mga 200 tickets yata ang nasulatan ko.

Halos di rin kami makapag-lunch dahil sa sobrang busy. May booth pa, may ticket pa. Kagulo na! But in the end, nag-try pa din ako kumain. Iyon nga lang, burger lang. Then mga 1am, iyon na pinaka-rehearsal namin. 302A nagpunta kami but before than, I have this very shocking experience. Sinabihan ba naman ako ng pinaka-weirdest guy na yata sa school ng "Palo, Good luck!" . He is my HS batchmate kaya kilala niya ako. Hindi talaga ako makapag-react kasi hindi kami close. Tapos iyong boy pa na un eh palagi kong inaasar dun sa isa ko pang barkada then ganun? Grabe talaga. Si Lolo Franny naman, text agad kay Melanie...grabe, pinagkalat agad! Ha-ha. But anyway, iwan na natin iyon dahil nakakagulat talaga.

Nang makapag-rehearsal ay lumipat pa kami sa SM para mag-practice. 10 Listen sa Quantum. Sakit sa throat! Ka-LSS na din. Then un, nagpunta akong Precious Pages kasi bibilhin ko iyong book ni Ate Nikka. While I was buying, may matanda dun na bumibili din ng PB's para daw sa bookstore niya. Kilala ako dun nung mga employees kaya sinabi nila na ako si Cady Lorenzana. Then kinausap niya ako, most in english pa ang language niya. Kaloka. Nagpa-picture at nagpa-autograph din. Itong mga classmate ko naman, tuwang-tuwa! Dahil may dalang SLR, ang dami ko rin picture. Sila pa nagpahiram sa akin ng Gtech na ballpen. (Alam na kasi na ang pen ko ay puro mumurahin lang) Ha-ha.

And iyon, at 5:30, bihis na kami for Frustrated Idol. All black dress kami. Nakakatuwa lang. Siyempre, kinakabahan kami at first. Lalo na at tuyong-tuyo na ang lalamunan ko dahil wala pa akong iniinom after lunch. Grabe lang. But good thing, nanalo naman kami, peoples choice award. Ayos na din. Alam din namin nag-give din kami ng best namin kahit natalo kami sa mismong contest. Sina Bryan kasi, tinalo kami sa confidence! He-he.

(Patunay na nanalo din kami) hehe.

The end of the day, natulog sa amin sina Jonabel at Claud. Grabe lang pagod namin nung first day. Ha-ha

2nd day-- Dec. 9. Can I please leave it blank? Ha-ha. Alas singko na kasi ako pumasok. Pumunta kasi kami nina Mommy sa Lucena. Lucena! oo, anlayo! Haha. May kinuha kasi kami. Un, nag-SM lucena na din kami. Grabe lang, kapagod sa biyahe. Then ung baby Cady ko, may muntik ng magnakaw! Sinungkit sa bintana namin. Then un, nabagsak. This time, nasa Alabang siya. Sa Sony, for repair. Sana lang maggawa talaga.Teka, lumalayo na ako. Basta nagpunta lang ako nung 5. naka-attend ng kakapirangot na seminar and sandaling Earth Jam. party-party! Napakanta din kami ni Claud ng Listen.

3rd day-- wala na akong kuwento.Dahil hindi ako pumasok. Hahahaha. See SM Megamall for more details xD


OVERALL: I had fun--sa first day. Ha-ha

Azec Chase ♥

Sunday, December 11, 2011

Sm megamall booksigning

Kahapon, may booksigning sa SM Megamall. I was able to attend because CBA week sa amin. We don't have classes in FA kaya naman binigyan ako ng energy na um-absent. hehehe. And hindi ko ni-regret na um-absent ako.

8:00 am nang mapagpasyahan kong bumangon. Actually, pagod pa ako nun. As in. Kasi ilang araw na akong walang matinong tulog because of CBA week--na mamaya ay magba-blog din ako about. Bumangon ako ng ganun kaaga because of Paulene. I remember na sinabi niyang maaga siyang pupunta. At nang mismong nagtext siya na paalis na siya, saka ako bumangon sa kama ko at naki-text sa kuya ko.

10:00 am, umalis na ako ng bahay. Ung nasakyan ko pang bus, sabi nung conductor ay di daw dadaan ng SM Megamall. Mabuti na lang, narinig nung driver. At sinabing dadaan daw. Then ihing-ihi nga ako habang nasa biyahe. Ang dami kong nailabas pagbaba ko ng bus. Hahahaha. Then nakita ko si Paulene at kumain kami sa Mcdo. Float and chicken Fillet--as usual. xD

Mga 1:00pm, punta ng venue. Ang bongga lang ng venue. Conference room ng megamall. Look at the pic:
Sabi nila, kinabog daw ang Grand Fans day. Hahaha. At mayroon din siyang program---un nga lamang, 4 na nag-start.

Then bumili kaming PB. May raffle kasi. If worth 200 ang nabili mo, kasali ka sa raffle. But unfortunately, di ko naiuwi ung washing machine. *sobs* hahahaha. Pero ung mga nabili ko namang new PB, ung kay ms. SF ko lang napapirmahan. Nakakapagod din kasi pumila, K? hahaha

Actually, nakisingit na din ako si pila nila. Tutal, 1 PB lang naman un. Hahaha. Saka kay Ms. Mc, nagpapirma na din kami. :)) And at last, na-meet ko na si Jose Paolo na first time kong ginawan ng hawakan ang braso ng isang lalaki!!! Hahahaha.

Sabi nila, may chemistry daw kami? Hahaha. teka, gusto niyo bang makita? Ako ay kinikilig pa rin hanggang ngayon. Hahahaha. Ito o---

Well... Ang guwapo niya talaga. Para sa akin. Sabi nila,di daw gaano. Mas guwapo pa rin daw si host Jasper (na marami akong picture) kasama nun. Hahahha

And nanalo din ako sa mga Q and A dun na may prize na GC worth 200. :)) Dun sa excerpt ng kuwento nina Julianna and Benjamin na always and forever. Gulat ko nga kasi mukhang walang may alam eh sikat na sikat kaya ung book na un? He-he.

Nakapagpa-autograph din ako w/ some friends. Ate Marione, Karen and Nikka. May mga nagpa-autograph din naman sa akin--di ko na i-mention. Haha. Basta salamat na din. Na-experience kong mag-autograph gamit ang isang green ballpen.Hahaha

Nakapag-picture din kay Ms. Mc, at dream grace--na sabi ni Mommy ko, wow, mukhang close kayo, ha? Hahaha. Dati kasi, nde ganun ung pic namin. Haha. Ngayon, super close. Hahahaha.

Kay sir Jun din saka dun sa isang friend ni JP na guwapo, nakapagpa-pic ako. Pero JP pa din! Hahahahaha.

At 7:00pm, kumain na ako w/ SMP sa Mang Inasal. Pero mga mag-8 na yata na-serve ung food namin..na nahuli pa ung sabaw! Grabeeeeeeee lang. Pero enjoy naman. Nakilala ko sila. At nag-enjoy ako nang sobra. Paglabas namin ng SM Megamall na mga 8:30 na yata ay sinalubong pa kami ng fireworks. Ang ganda lang. Wala kasi ganun sa Batangas. Hahahaha.

Then mga 9, nag-aantay na kami ng bus ni Paulene pauwi. At mukhang muntik na din akong madukutan sa overpass. Buti na lang, napansin ko. Malaki-laki din kaya pera ko sa wallet ko. At hindi ako makakauwi kung sukaling madukutan nga ako. Pero thank God talaga at hindi. Mga 11:30 na ako nakauwi sa bahay. Pero keribels lang. Super enjoy naman. Sana maulit. Because I so love it. :))

Sayang lang, di ako makakapunta sa christmas party namin next saturday. Exam na kasi sa FA. :|

Azec Chase ♥

Sunday, December 4, 2011

I love .....

Hi. Girl you just caught my eye--oops! That's a song. And that will not talk about my post today.

Good eve. :))) Its Sunday. It must be a rest day for me but still, I feel like it still a day of so much troubles, uncertainties, problems and whatsover. I feel so much PRESSURE. Just like what I feel on my 1st year days...

Pressure in Studying bla, bla. I hate it. I hate my subjects this sem. And that will not talk about my post, too, today. Har-har.

Anyway, I love ...... HIM? Well, its been months since I met this guy. Not entirely met, but talked to this guy. He is nice. I like his personality. He is very different from me thats why I'm so interested to HIM. He's not handsome, but I like him. Some--how.

I like him because he cares for me. He listens to what I said. Give me advices. I feel like I am so much important to him. Even if he is busy, he still have time for me. He always said that being with me makes him happy. And the feeling is mutual. I just didn't tell him that...because, ahmm. Shy? Ha-ha. I don't know. I don't want to talk about our feelings to each other.

But we are really different. He is from _____, I am here. He likes Math while I hate so much of it. He likes vegetable and I am not that vegetarian. He doesn't eat pork while me, I frequently ate it. He loves frogs while I super hate it. He always study while me, I am not. He loves animals--especially the wild ones--while me, I love them,too. But most of them were just the pet animals--the dogs and cats. He likes the elephants, the tigers and so on.

But there is really something about him that--ah, I don't know. I know I feel like I'm so insane for having this feeling. I feel like we are having a relationship.. and that is more than friends. I don't know--I really don't know. I know, I'm just the one who is feeling it---well, I don't know, too. Haha. (too much I don't know!) I am afraid to ask because that might be the thing that will make this bond of us worst. And I don't like it. I don't like it if he will said that I am tired of this. That we cant chat anymore, and so on.

Why did I feel this way? Mahal ko na ba talaga siya? Oh nooooooooooo!

Cady Lorenzana