Anyway, 2011 has been a good year for me? Weh? Ha-ha. Sa health ni Mommy, hindi gaano. Pero sa personal ko(walang family, friends etc. iyong akin lang talaga) okay naman siya. I got my first novel published at iyong dalawa ay upcoming pa next year. I fulfilled my dream. Maayos din ang mga grades ko sa school. And love life? Ahmmm. No comment na lang. Char!
Well, gusto ko palang mag-blog ng mga summary ng mga what happened in my 2011. Every month churva ito. So....:
JANUARY
My birthday month. New year. Birthday ni Kuya, birthday ko. Okay naman. I think? Noong birthday ko, simple lang. Malling and kaunting pagkain sa bahay. Binati ako ni Guji sa twitter! Hahahaha. Well--- hindi ko na matandaan iyong iba so...
FEBRUARY
Love month? Hahaha. Honestly, medyo naging hate ko itong month na ito. Dito lang naman nangyari ang pinakahatest day ko sa lahat and that is February 3, 2011. First thing in the morning, I got a bad feedback, nasunog iyong uniform ko, naospital ang Mommy ko kinagabihan. Haay, sinusumpa ko talaga ito. HAHAHA! Dito ko naransang umuwi sa mga Lola ko kapag galing sa school because of my mom. And I will say, ang hirap! Paano ba naman ay ang layo kaya noon. Lagi akong nale-late sa school. Ito din pala ang foundation day sa school namin kaya medyo maraming activities. Got to have the chance to watch a concert of Parokya ni Edgar dahil sila ang guest namin.
MARCH
Siyempre, ang pinakakaabangan kasi matatapos na ang school year. Pero hindi pa rin kasi hanggang april yata kami. Eh? Hahaha. Finals. Finals. Finals. I think, okay naman ang month na ito. Naganap din ang aming ballroom sa PE. Nanalo kami ng 3rd place. Got to see Ryan Agoncillo because of Swish commercial na na-held sa school. Month din kung kailan ako naging part ng internet serye. :)
APRIL
Sa totoo lang, wala akong gaanong maalala sa month ng April. Siguro, nagsusulat lang ako nito. The month I made Breaking all the rules for love and A dwarf for a beast--ang mga novels ko sa IS. Bakasyon kaya madalas tambay sa bahay. Ay! Ito rin pala ang month ng mahal na araw. Nagpunta kami ng mga pinsan ko sa Marian Orchard. Lakad kami from 4:30 to 6:30 papunta doon. Masaya lang kahit 1 or 2 hrs lang yata ang tulog ko. Well, nahirapan akong makatulog. IDK why. Pero dati, may time nga na wala akong tulog na pumunta dun. Hi-hi.
MAY
This is the month I wrote Happily Ever After in His Arms. Oh, one week ko siya ginawa and sa one week na iyon, puro istorbo nangyari sa akin. A-he-he. Dalawang beses ako nakagala with HS friends. Then nag-book shopping week ako. Kasal ni Kuya Dennis. Reunion w/ del Mundo's family na na-enjoy ko naman. Qualifying exams (See my blog post dati) ahihi. Ito din pala ang month na naggawa ako ng blog, o di ba? Alam ko! Hahaha. Month na nag-work shop ako. Grabe lang kasi 2 hrs lang tulog ko nun. So imagine how bangag I was that time. But anyway, I really enjoyed my day there. Kahit naglakad yata kami ng 1 hr papunta sa sakayan. hahaha
JUNE
Ito ang pinaka-love kong month dahil dito ko na-experience ang magkaroon nga approved novel! Ahehehe. Kahit may klase na, okay lang. 1st sem of my 2nd year have been easy for me. Fiesta sa mga Lola ko. Nakilala ko ang mga BF's ng Tita at pinsan ko. Nagpunta ako sa Manila to get my very first salary. Nakakita ako ng mga 'chocolates' sa school. Naging irregular ako sa klase. Natutunan kong magbiyahe papuntang MOA. Nakapag-LRT at nagbiyahe ako papunta sa Manila na mag-isa.
JULY
Ito iyong month na feeling ko, ang landi-landi ko. Ang dami ko kasing kras. Sina Mr. Inspiration, crush no. 1, and 3. Hanla! Hahahaha. Parang ewan lang. Dito din naganap iyong mga "treat" with friends and cousins sa mall dahil nga sumuweldo ako sa pinakauna kong approved manuscript. Siyempre, schooling pa din. Naka-adjust na rin ba ako sa pagiging irreg nitong month na ito? I think.
AUGUST
Month na nagkakalabuan na yata sina Ate Christine and Kuya. Nalulungkot din ako kasi ayaw ko talagang mawala sila. They are the perfect love team, eh. Pero wala, eh. Nagkahiwalay din. :( Month na sinubukan kong ayusin si Caspian. And I did. Napa-revision si Derrick. Na naging super ecstatic pa ako! Hahaha. Midterms exam, school and bla's. Na-sent ko din ang revision ni Derrick. Debut ni Claud. We went EK for an advance birthday celebration of Bianca. ag-overnight ako sa kanila with BSA family plus Kuya Kenneth. Ang sarap lang nung popcorn. Ahehehe. Saka iyong mga foods sa kanila. Nakaranas na naman ako for the 2nd time around na umuwi ng hindi naliligo--plus nag-SM pa! Hahahaha. Got to see Papa Chen (Richard Yap) at Dodgem.
SEPTEMBER
This is the month na naka-chat ko si Riyan! Ahehehe. (tandang-tanda, eh?) Nakatanggap ng for revision and returned manuscript. SM Calamba book signing na first time kong maka-attend. And I super enjoy. Nakausap ko pa si Kuya about something... Then nagpunta din kami kayla Bianca nung mismong birthday niya. We surprised her. Nagpicture-an ng bongga sa kanila. Ahehehe. Birthday nung isa kong Tita na ang tanda ko, masarap din ang foods. Semi-finals.
OCTOBER
Malapit na ang sembreak! Hinapit sa music video sa Literature. Over night w/ Rose Anne's house. Nakapunta na naman kami ni Belle sa SM ng hindi naliligo. In short, bangag. Nag-KFC pa! Hahaha. Finals exam week. Sembreeeeeeeeeeak! Over night sa bahay nila Jenny na si Franz ay nag-ala-Boy Abunda at 2:30-3:30am. Isipin niyo na lang kung paano. Tapos nare-realize ko about something "falling" for him. Ewan ko, ha? Pero mukha ngang nalulon ako sa KANYA ng month na ito. Nakabili ako ng the son of Neptune book and nakita ko na rin ang cover ng very first novel ko sa PHR.
NOVEMBER
Sembreak pa din. All saints day in Daddy's cemetery with Mom and Kuya lang. Wala pa sila Tita doon. Pero nagpunta din kami kayla Tita noong hapon. Got to bond w/ some of my cousins. Month kung kailan na-approved ang dalawa kong manuscript. Nakuha ko ang mga grades ko nung 1st sem and I'm so proud na isa lang ang line of 2 ko. Release ng very first novel ko. Start ng 2nd sem na nakakainis kasi may saturday class. Kaya naman hindi ako nagkaroon ng chance na kumuha ng salary sa PHR. Huhuhu.
DECEMBER
The month na ginagawa ko ang blog post na ito. He-he. Feeling ko ang laking pasan sa likod ko ng Taxation, Quantech at Financial Accounting. Isipin mo na lang kung paano nila ako pahirapan. CBA week na sumali ako sa Frustrated Idol! Yey! Kahit ang na-win lang namin ay People's Choice. Nagpunta kaming Lucena the 2nd day at pumunta din ako sa SM Megamall booksigning dahil CBA week nga lang. I can absent in my saturday class. Nakita ko ang soulmate ko...soulmate? Haha. Char! Nagkaroon ako ng gift cheque. Pinahirapan ng prelims exam. Hindi naka-attend ng PHR christmas party. Naging bitter. Namili ng mga damit sa pasko. Nagpasko at nakakuha ng 700 na partido dahil walang Ninang na nagbigay! Haha. Sumali muli sa singing contest. Nag-fiesta sa bahay at nakita si crush. Ilang beses na naging nocturnal. Today, gumawa ng quantech. Bumili ng pocketbook. Nagbasa ng pocketbook and the rest, new year na. 2012 na.
OMG. Ang dami kong sinabi sa December--dahil iyon ang pinaka-remember ko. Huwag kayong magtampo ibang months, ha? he-he. I'm sure, masaya din naman ang memories niyo. xD
Azec Chase ♥
No comments:
Post a Comment