Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Wednesday, January 4, 2012

An hour before my day

Isang oras bago ako mag-birthday ay ginagawa ko ang blog post na ito. I don't know how would I feel. Tomorrow will be my 18th birthday. And yet, I don't like it.

Ayaw ko pang mag-18. Puwede bang maging forever 17 na lang ako? He-he. Kinakabahan ako. I don't know why. Pakiramdam ko, kapag 18 na ako, puwede na sa akin ang lahat. Na-adult na ako. Na hindi na ako bata. Wala na akong rason para umakto na parang bata.

Then tomorrow, will be my first day in school for 2012. Kasi naman, hindi ako pumasok nung 3. We went to Enchanted Kingdom for NXP family day kaya bukas pa ang unang araw ko ng pasukan. Tapos, may isa pa nga akong exam and ibibigay pa for sure iyong exam sa quantech. Mas lalo akong kinakabahan. Puwede bang wag na lang mag-aral? He-he. Then tomorrow, paano kung walang bumati sa akin ng Happy Birthday? Haay, ewan ko. Pero praning talaga ako. Malakas kasi ang imagination ko.

Hindi ko alam kung ano ang mapi-feel ko. Si Riyan, chinat ko siya ng "Hi" pero bigla na lang siyang nag-offline. Honestly, nasaktan ako. Ilang araw na kaming hindi nagkaka-chat tapos ganito pa ang makukuha ko? Birthday ko na bukas pero feeling ko, walang may gusto. :((

Naiiyak ako ngayon. Tomorrow, lady na ako. Hindi na ako girl. Ang dami ng puwede sa akin....At ayaw ko pang gawin ang mga iyon.

Can I be a child forever?

Azec Chase ♥

No comments:

Post a Comment