Its Darl's debut that day. Kabilang ako sa mga 18 chocolates ni Darl. Nalagasan tuloy ako ng 106 pesos. Haha! Pero okay lang, birthday eh. Saka free food. Akala ko mga 6 lang kami a-attend ganun-ganun. But umabot sa 16. He-he. kasi mga HS friends ko ngayon, mahirap na hagilapin. Hindi kagaya nung HS na isang text mo lang, swimming na kayo. Ngayon kasi, we parted college schools. Ni hindi ko nga alam ang mga cellphone number nung iba. Then marami din, sa Manila na napasok. So bihirang-bihira na talaga kami magkita.
I was happy hindi lang dahil sa nagkita kami ng mga friends ko. Dahil iyon ay sa ka-partner ni Rainie. (for more details, please see my post, Selfish Love) Hindi ko mabanggit ang name niya dahil mahahalata talaga ako. The whole night kasi ay halos _____ lagi kami. I can't say the words. Paano kung may makahalata at makabasa nito na HS friend ko? Lagot ako for sure. Kung bakit kasi hindi ko maamin sa tao na crush ko siya...NOON? :P
Nagkuwento siya sa akin...I was shocked in some parts. I can't believe it. Naawa ako sa kanya. In my mind, habang kinukuwento niya sa akin iyon, nasa isip ko, "Kung ako na lang kasi ang nakita mo, edi walang problema!" Pero hindi, eh. Hindi talaga.
Gusto kong magkuwento nang magkuwento tungkol sa kanya pero inaantok--este, hindi talaga puwede. I cant say my feelings because I am damn shy. Shit talaga.
But anyway, ilayo na lang natin sa kanya. Sa mga ibang classmates ko na lang. Marami sa kanila ang nagbago, physically? Pero may mga ugali din na hindi nababago. Na nakakainis minsan pero masaya pa rin the whole night. Well, nagtulukan nga pala kami este sila pala dahil hindi ako nakitulak pero nabuhat ako sa swimming pool. Nakaligi tuloy sa ma-chlorine na swimming pool ng 3:30AM. Isipin niyo na lang kung gaano ako naka-recover sa ginaw ng oras na iyon.
Malakas kasi talaga mga topak nung mga classmates ko na iyon. Naka-ilang swimming kaya kami nung HS. Lagi din kaming tambay sa resort na iyon dahil ang may-ari nun ay classmate din namin. After exam, lagi kaming tambay doon. Picture-an, kulitan at minsan, lubluban sa swimming pool kahit naka-uniform. I will never not remember that time talaga na nakauniform, naglubluban sa pool. Ang daming memories...hindi ko na maisa-isa. Pero talagang TROOPERS became the most reason why I enjoyed Highschool so much. Kung na-experience mo na mapunta sa section namin nung 3rd year, I'll tell you, gugustuhin mong bumalik ng Highschool.
So uulitin ko, I am very happy that we reunite. Kahit hindi lahat. At least, nagkita muli kami...And I'm looking forward for the next meetings...Sana meron pa. at mas madami na sa susunod :)
Azec Chase ♥
No comments:
Post a Comment