Okay, lets start on my real birthday. January 5. What really happened?
Well, okay lang naman. Parang just an ordinary day. Tinadtad ng "Happy Birthday" ang timeline ko. Binati ako ng mga classmates ko. Hindi binigay ang exam namin sa Quantech. Madali ang exam sa Filipino at kumain ako sa Jollibee kasama sina Ericka at Melanie. May nag-iintay na cake pagdating ko sa bahay. Nagpapicture. Si Mommy namin ay nagluto ng pancit. Nagfacebook at natulog na.
Then January 8 ako nag-celebrate. Bago iyon, nagpunta muna ako ng SM--nung January 7, I mean. Nanood kaming Asiong! He-he. Ayaw ko pa kasing umuwi. Then pinabili then ako ni Mommy ng damit na gagamitin ko nga daw para sa celebration ko. Mabuti na lang at hindi nagalit si Mommy sa binili ko.
Then ito na talaga iyong 8! 6:30, nagising na agad ako. pero mga 7:30 na ako bumangon. I am always like that, K? :P Tapos siyempre, medyo tumulong. "Medyo" lang kasi hindi ako mahilig tumulong sa ganyan. Hehe. Kumanta sa videoke and thank God may rolling in the deep! Tinext ko nga agad si Claud noong mayroon na, eh. Then nagdatingan na bisita mga before 12. Sila Claud, Laarnie, Bryan at Erj ay mga 12:30 ata. Nag-videoke sila at nakarinig ang mga bisita ng version ni Claud ng Rolling in the Deep. Imagine-in niyo na lang kung paano ngumiwi at nagtakip ng tainga ang pinsan ko. Hehe.
Mga before 2, dumating ang mga BSA ko pa rin na friends. Nagulat ako kasi ang dami nila. Pati pala sila Berna ay sasama. Pero okay lang, the more the merrier. May gift sila sa aking Mernels Cake. (That's a tradition na) sa family namin. And another gift na "Lumayo ka nga sa akin" by Bob Ong. Na bago ko pa nakuha ay pinatawa pa ako dahil may ibinigay sa aking kahon na wala palang laman! Joke lang pala iyon at nakatago ung book. Mabuti na lang talaga at hindi ko nabili iyong book na iyon. Sabi na nga ba at may magreregalo sa akin. And as of now, finished ko na siya.
Pero may isa pang nangyari sa akin na na-surprise talaga ako. Dumating ang mga HS friends ko--Sheena, Karla and Perey. Actually, parang BFF's ko na ang mga iyon. Sobrang gulat ko talaga as in and mangiyak-ngiyak na ako sa tuwa. Kasi hindi ko talaga expected. At ganito pa ang pambungad nila sa akin. I was in the CR dahil naghihilamos ako dahil sa icings na pinahid ng mga friends ko galing sa cake at pagkalabas ko ay bumungad sa akin mga itsura nila. Imagine how happy I am. Kasi ang pinagsasabi sa akin ni Karla the day before that, "Sorry" "Hindi ako makakapunta" bla..bla.. Tapos si Sheena naman puro ":P" . Naisip ko, baka nga hindi na sila pumunta. Saulo ko na ang mga ito, eh. Pahirapan bago mapapunta sa isang okasyon. Then un, nagulat talaga ako. Hindi daw nila alam bahay namin. Buti na lang, nalaman nung tricycle driver ung may party. Un, dinala sila. Masaya talaga ako kasi nakarating sila. Super na-miss ko kaya ang mga iyon. And hopefully, magkikita din kami sa Saturday sa debut naman nung isa ko pang classmate nung HS.
Mahirap mag-entertain ng dalawang magkaibang grupo ng bisita pero naging okay din. Pasalit-salit ako. He-he. Naagawan nga lang ng videoke ang mga college friends ko, I think. Si Kuya kasi, eh. Pero over all, I have fun naman kahit nalintikan ako ng Tax at Quantech kahapon at ngayon.
Honestly, hindi maganda ang mga araw ko. Pero kailangan kong tanggapin na pareho akong bagsak sa dalawang subject na iyon. Kailangan ko ng major bawi lalo na sa quantech to gain tres. Shit, aim ko na lang ay tres samantalang ang target grade na nilagay ko doon ay 1.75? Na-letsehan talaga ako sa exam na iyon. :|
O siya, bye na.
Azec Chase ♥
No comments:
Post a Comment