Last week, I finished Athena's story. Kapatid siya ni Venus--iyong partner ni Derrick sa isang approved novel ko. Nag-try lang ako..na gawan siya ng story. Madami akong naging plot sa kanya pero palagi na lang hindi natutuloy. Good thing, nakatapos ako for this one. But I can sense "R" with this... Why? Ewan ko. Feel ko lang. Feeling ko kasi, hindi maganda. Hindi kasi siya nakakatawa? He-he. I like comedy kasi, eh... Kahit may mga novels akong drama. Mas nakaka-enjoy kasi gumawa ng comedy novels.
Anyway, 6 days ko siyang nagawa. Katulad ng mga manuscripts ko. Pero lets just pray na sana, mag-"A". Hehehe. Kahit revision, okay lang. Huwag lang, "R". Masasaktan ako. Choz!
So Sunday I'm okay na. Nai-pass ko na siya Saturday night. Sunday morning, nagsimba kami ni Mommy pero umuwi din ako kaagad kahit niyaya niya ako sa Jollibee. Uhm,, may kaunting problem kasi sa stomach ko. Kaya, u know na? Hahaha. Tapos tulog hanggang 12:30, Nanuod ng City Hunter. Episode 1 and 2. (At oo, ang guwapo ni Lee Min Ho. Hahaha) After that, nagyaya si Mommy sa Calamba to watch A Mother's Story na ako pa ang umiyak kaysa kay Mommy. Kumain kami nina Kuya sa Mang Inasal na hindi ako makakain ng ayos. IDK. Walang appetite? Haay. Basta.
Then nanood din yata ng City Hunter hanggang Monday. Tanghali na gumising. Mag-isa lang sa bahay. Wala pasok ng Monday pero busy pa din dahil sa City Hunter.
Tuesday, Taxation. Maaga akong pumasok dahil hindi ako gumawa ng assignment. He-he. Tapos excited umuwi dahil gusto tapusin ang City Hunter pero naudlot kasi nagpunta kami sa Alabang. Pinaggawa pa ni Kuya ng HTML niya. Ang bait kong kapatid `no?
Wednesday, 10:30 na naggising. Nag-aral sa Quantech. Oo nag-aral ako. Aba, kailangan eh. Bagsak kaya ako nung Prelims. Kaya nagsisipag sa Quantech. 3 oras yata ako nag-aral. Tapos nood ulit City Hunter. Mga 4:30, umuwi sa mga Lola ko. Past 8 na dumating at tinapos ang City Hunter. Yey! Natapos ko din. Bitin lang ending. I'm not satisfied talaga! Grrr.
Then today, Thursday. hell day. 9am na class kasi make-up class sa Quantech + quiz at recitation sa HRM + Quantech na naman. (3 hours!) + Physical Science na wlaa na akong sinabi kundi... GUTOM na ako.... Kasi naman, wala talagang break + Filipino na wala naman kaming ginawa ng ka-group ko kundi mag-kuwentuhan sa Arabo. Hahaha!
Grabe, ang non-sense na naman `no? I know. Alam ko naman kasi na ako lang nagbabasa nito kaya sinasabi ko lang ang gusto ko. hahaha.
Azec Chase ♥
No comments:
Post a Comment