Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Monday, December 26, 2011

Christmas 2011 :*

Kahapon ay pasko..este, nung isang araw pala. Dec. 27 na nga pala ngayon. Hi-hi. Inumaga na naman ako. Iyong crush ko kasi nasa tabi-tabi lang. Lewls. Nanood kasi ako ng won't last a day without you at nabuhay ang dugo ko. Ahahaha.

Anyway, I super enjoyed this last christmas. I got 700 pesos all in all. And partida, wala pa akong Ninang niyan na nagbigay ng pera. haha. Ang lakas ko dumiskarte, eh! Well. xD

O siya, umpisahan na ang araw ko--teka, kuwento muna ako December 24. Medyo kakatawa din ang araw ko nito, eh.

Umpisahan natin sa Simbang Gabi.

Well, un nga, nagsimbang gabi ako. Then dahil late pa pala ang 5:30 sa simbahan although 6 pa naman iyong misa, naka-stand na ako. Ang dami ba namang nagsisimbang gabi sa baryo `no? (Nandun kasi ako sa mga Lola ko palagi kapag pasko.) Iyon tuloy, kahit 30 minutes na advance, nakatayo pa din. Then mga half na nung mass nang may lalaking tumabi sa akin. Although I know him, we're kinda friends naman? I don't know. basta kakilala ko lang siya. Nakakausap minsan noon. That thing. Hindi ko naman siya pinapansin except nung siya iyong unang nag-approach sa akin. I was kinda like suplada, eh. He-he. (I know what you are thinking) Basta un na un. Then you know what kung paano niya ako in-approach? Inapakan niya iyong paa ko! Kaloka lang. Then un, tumingin ako sa kanya and said, "Ano?" He just smiled at me then hindi na muli. Then after that, patingin-tingin na lang siya. At alam mo iyong may nase-sense? Kung ano iyon, sa akin na lang un! Hahahaha. Basta ganun. Then iyong communion time na, he also gave me a pinch in my arms. Kaloka talaga kung paano siya magpapansin. Doon, then after the communion and praying, nilapitan na naman niya ako at tinanong, saying, "Tara date tayo bukas," I was like o.O. Hindi ako nakapag-react kasi hindi ko alam kung ano ang ire-react. Then nagtanong na naman siya, "May boyfriend ka na ba?" i told him, "Yes". Then he said, "who?" I said, "Si Guji." nagtaka siya. "Sinong Guji?" Gusto ko sanang sabihin, Si Guji Lorenzana, iyong nasa TV. Pero dahil mukhang mahabang paliwanagan pa kasi hindi naman sikat si Guji, I said to him, "Iyong aso namin." (Name talaga ng dog ko, Guji.) hehe. Then he said, "Ay siya, magiging aso na lang pala ako para ako maging boyfriend mo," Ansaveeeeeeeeeh lang. Hindi ko na muli siya pinansin although kapag nagkakatagpo kami after that I know(ayaw kong magpaka-feeling per I feel. Hahaha) gusto niya akong i-approach. Anyway, tapos na un. Hahaha. Hindi ko naman siya gusto. At sa kung gustong itanong sa akin kung guwapo ba siya, well, PM me on FB, I will answer. xD

Then naggawa kami ng mga foods for Noche Buena. Got the chance to go online and watch PBB in Kathy's house. Ang malupit ay gumala kami ng mga pinsan ko, although 4 lang kami, we have fun. Mae, Daryll and my younger one--CJ w/c is just 9 years old lang yata, sumama sa amin. May kasama pa siyang pellet gun. Na nakakatawa lang kasi tinutok niya doon sa guy na tinutukoy ko dun sa isang paragraph. Mukha kasing lalapitan niya kami that time. Natawa lang ako sa ginawa nung pinsan ko saka ung reaction nung guy na un. Hahahaha. Then nag-picture-an kami sa daan. Ang liwanag kasi. kandidato na yata ang bilucao sa pinakamagandang daan sa pasko sa buong pilipinas! ang ganda kasi, eh. hehe. Nag-uupo at humiga pa ako sa daan. Lakas trip lang. Para daw akong lasing sabi nila. Pa-judge nga! Hahaha.

Then Christmas day:










Wala pang 6am, ang iingay na ng mga pinsan at Tito ko kaya naggising ako kahit 3am na ako natulog dahil hindi ako makatulog. Kung iyon ba ay dahil sa hilik ng tito ko or sa pagtulog ko nung hapon eh hindi ko alam. Pero may maganda rin naman iyong dulot dahil nakaisip ako nang magandang plot. Chapter 2 na ako ngayon. Sana lang matapos ko siya. pero mukhang hindi by the year-ends. He-he. In demand ako ngayon, eh. Lewls. Hectic ang sched.

Then simba-simba kami. Pero tapos na homily nang dumating kami so guess what na lang kung ano naabutan namin. he-he. Then un, kumain. namasko? hahaha. Ang saya lang doon sa kapitbahay namin, nagpalaro. At dahil sa kanila, nakakuha ako ng 500 pesos. 50--iyong unang bigay. 100--consolation prize sa isang game. 250 --dahil nanalo ako sa singing contest nila! Ansaveeh! Sumali talaga ako. Hahahaha. 100--dahil sa final bigay. Yaman `no? Sila na. Hahaha. Hapit na hapit ako sa videoke kaya pinatulan ko na ang singing contest. Sayang lang, wlaang listen. Iyon pa naman ang practice ko. xD

1pm, antok na antok na ako. pero di ako nakatulog dahil ewan ko! Hahaha. Nagpunta na lang ako sa other relatives and alas! Nakahanap ako ng may videoke! Kumanta ako nang kumanta hanggang sa sumakit lalamunan ko. Ganoon ako kaadik, eh! Sensya. xD . Then after nagpunta kami sa may labak(its kinda farm) wala lang. Nagpakain kasi ng baboy ung Lola ko, sumama ako. After that, dinner sa bahay. Nanlibre din ako ng RC(palakpak naman!) kasi gusto ko? he-he. Joke. Wala lang. Umuwi ng bahay. Nakatapos ng chapter 1 kahit pagod na dahil sa cadbury. Slept at 11pm and woke up at 11:30am kaninang umaga. Ansaveeh. Sarap ng tulog dahil ang sarap ng hangin.

Dec. 26, fiesta sa amin. Nagpunta si Jenny. Si Jenny lang bisita ko dito. Haha. Si Kuya madami. At kasama doon ang crush ko. Kaya ako ay kinikilig. Kahit hindi ako makatingin sa mala-harry potter kong kras. :P

Ngayon, Dec. 27, baka mamiesta bukas sa Tanauan. Sana makagala. Hahahaha. Nakaka-miss ang HS, eh. :P

Anyway, tulog na siguro ako? 3:23am na, eh. Tanghali na naman ako bukas. Mukhang hindi ko na maabutan si crush kapag umuwi. :(( Hindi pa naman ako nakasilay ng ayos today.

Good night! Sana naging masaya din ang pasko niyo katulad ko. :)) ~

Azec  Chase ♥

No comments:

Post a Comment