Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Saturday, February 16, 2013

One of my exes.

One of my exes is one of the worldwide trending topics on twitter last Valentines Day. Actually, gusto ko nga sanang mag-tweet na may kasamang hash tag niyan noong Valentines Day, iyon nga lang, baka makita nung friend nung ex ko at asarin na naman ako sa kanya---which is palagi niyang ginagawa kapag nagdadrama ako sa love. LOL.

But anyway, may iti-tweet naman talaga dapat ako about that hash tag. One of my exes chatted me on Valentines Day! Medyo nagulat ako kasi ang tagal na simula ng last conversation namin. I think, 1st year college? I'm now in my 3rd year. Mahigit isang taon na rin simula ng magkausap kami. Friends kami sa FB pero di kami nag-uusap. Bihira lang din naman siyang magbukas ng FB.

Then iyon nga, nagka-chat kami last Thursday and he even asked me whats my cellphone number. We lost contacts na rin kasi. At wala na ako actually balak i-contact siya dahil I'm totally over him! Hahah! He's my last boyfriend...and that was in HS! Nagbago na ako ngayong college. Fling na lang. LOL. Ayaw ko ng i-text siya since ayaw ko na rin na mapalapit sa kanya. Nagre-reply ako pero kapag walang kuwenta iyong text niya, di na ako nagrereply. Last Friday, di na rin siya nagtetext and I conclude na siguro hindi na ulit siya magtetext.

Pero noong saturday, nangamusta na naman siya. Nireplyan ko naman since mayroon akong load that time kasi nasa Manila ako. I need to have communications with my family and friends if ever magtext sila sa akin. Ayaw ko rin naman maging rude sa kanya nire-replyan ko na rin. Medyo naiinis lang ako sa sarili kasi habang katext ko siya, feeling ko na-e-excite ako sa reply niya. Tingin ako ng tingin sa cellphone ko. I don't want to have that feelings again with a guy. Pakiramdam ko kasi, para akong umaasa when the truth is ayaw ko na. Ayaw ko na talaga!

For now, ayaw ko ng mapalapit iyong damdamin ko sa isang guy. Ewan ko ba, nahihirapan kasi ako if ever na may magbago sa pagitan naming dalawa. Like what happened to me and Riyan. Super close namin dati tapos ngayon... once a week 5 minutes chat? Minsan nga, hindi pa. Napu-frustrate lang ako. Naiiyak lang ako kapag napapagtripan kong basahin iyong mga conversations namin sa skype or sa gmail. Nababadtrip lang ako kapag pinagko-compara ko kung paano niya ako batiin last year and this year... kung paano niya ako i-chat. kung paano iyong treatment niya sa akin before and today.

So siguro ay buburahin ko na lang muli itong number ng ex ko dahil sa mga dahilan kong ito. He-he!


#Nonsensepost

xx
Cady

2 comments:

  1. May feelings ka pa sa kanya girl. :)

    Natatakot ka lang aminin sa sarili mo ang bagay na iyan.

    Anyway, who is he? :)

    ReplyDelete
  2. He's my last boyfriend. Hahaha. I don't have any feelings for him, I'm sure of that. Iyon nga lamang, ayaw kong mapalapit muli dahil baka mahulog na naman ako. XD

    ReplyDelete