For two weeks, I'm actually having a problem. Dapat matagal ko na itong iba-blogpost dahil ang tagal na rin nito sa dibdib ko. But I want to avoid putting my negative feelings in my blog. Lalo na `yung naisip ko last time na iba-blog post ko. If I did that, kung may makakabasa man, alam kong maawa sila sa lagay ko. I don't want that to happen. I don't want pity on others. Pero dahil medyo um-okay ang mga sitwasyon, `di na kasama dito ang isa pang nararamdaman ko. All about this blogpost would be just for...HIM.
May mga na-blogpost na ako about kay HIM. Marami-rami na rin. He was someone special. Siya `yung feeling lovelife ko. Charot! Seriously, siya ang tinuturing ko na tunay na lovelife. Marami kasi talaga akong imaginary lovelife. Si HIM... Seryoso siya. Hindi ko masasabing boyfriend ko siya pero he was someone special. I knew he feels the same way, too, for me. I feel. Kaya lang...komplikado ang mga bagay para sa amin.
He had been with me for almost 2 years. We never met personally but still, he had this special place in my heart. Nakakatawa `no? But he was always there for me... THEN. Kaya siguro nahulog ang loob ko sa kanya. The way he treats me, I really feel so special. Pero dati `yun. Hindi ko ma-explain na ngayon.
There's a lot of problems between us this days. Or should I say on his part. I am always free. I always give time with him. Iyon ay dahil nga sa nararamdaman ko sa kanya. Pero palagi na lang akong naghihintay. Palagi na lang ako ang kailangang umawa. Palaging ako na lang ang maging pasenyosa.
Nakakapagod rin. Nakakasakit rin.
May mga taong nagsasabi sa akin na i-let go ko na daw ang lahat. Nasasaktan na daw kasi ako, eh.
Madaling sabihin. Mahirap gawin.
I have this classmate na palagi kong sinasabihan na... "ang tanga-tanga mo!" as in... malapit ko nang sabihin `yun sa kanya nang harapan. Kasi naman... She had been in a relationship with a guy for 3 years. Nagli-live-in na nga sila noong guy. Pero sabi nila, niloloko daw ni guy si girl. Si girl naman, ilang beses nang nakipag-break sa kanya si guy, ayon at binabalikan pa rin. Niloloko na nga siya, patuloy pa rin si girl. Ayaw niyang i-let go si guy. Inis na inis na ako sa kanya talaga. Lahat kaming magkaklase naiinis na sa relasyon nila ni guy. Nakita ko na si guy personally dahil isinama siya ni girl sa dinner sa school last december. Okay lang naman itsura ni guy. Medyo jeje type nga lang. Hindi ko matanggap na hindi niya kayang i-let go si guy. I think she deserves someone else. `Yung hindi siya sasaktan. Marami pang lalaki diyan.
Pero ganyan naman tayo palagi.
Na-realize ko na mali pala ang ginagawa ko. Na sana inintindi ko `yung classmate ko. Na-realize ko dahil sa experience na ito na kapag nagmahal ka, kahit niloloko slash sinasaktan ka na nang mahal mo, kapag minahal mo talaga, mahirap mag-let go. I'm not saying na niloloko ako ni HIM. Pero sa mga nangyayari ngayon...nasasaktan na ako. Nasasaktan ako na wala siya sa mga times na kailangan ko siya. Nasasaktan ako dahil wala siyang time sa akin. Masakit para sa akin na sinabihan niya ako na hindi ako ang priority niya. Pinilit kong intindihin iyon dahil nandiyan pa rin naman siya palagi sa tabi ko...NOON. Kahit may studies siya, nagbibigay siya ng time sa akin. Pero ngayon, feeling ko...wala na. Palagi niyang sasabihin, see you later. Pero hindi siya darating. At ako? Naghihintay ako. Kahit alam kong kailangan kong gumising nang maaga bukas, nagpupuyat ako para hintayin siya. Pero siya? Pakiramdam ko, hindi niya ako sinisingit man lang. Ah, there were times he did. Pero hindi napapantayan ang effort na ginagawa ko.
Ilang beses na akong umiyak nang dahil sa kanya. Kahit sa mga naging boyfriend ko noon, hindi ako umiyak nang ganito. Parang kaunti nga lang ang iniluha ko sa kanila. But with HIM...kailangan ko pa talaga ng tissue para pahirin ang luha ko. Ilang beses na akong naghihintay. Para lang akong timang na nakatingin sa button na iyon kung kailan siya iilaw ng kulay green. Palagi na lamang siyang wala. Palaging ako na lang dapat ang umunawa.
Para sa future niyo `yun, natatawa ako kapag binubulungan ako ng inner self ko about that. Wow, ang lakas ng imagination ko! Hahaha! I know how important his studies to him. Pero paano naman ako? Napapagod rin ako. Tao ako. At may nararamdaman ako kaysa sa mga studies na `yan. Sana naman unahin mo rin ako kahit minsan... Sana...
Dahil hindi kita kayang i-let go. Masyado kitang mahal para gawin `yun...
xx
Cady
Hi. Lagi akong nagbabasa ng posts ninyo nina Marione Ashley saka ng ibang writers, hindi lang ako nagcocomment. Ako nga pala si Ayra. Nagkatweet na rin tayo before, I'm just not sure kung natatandaan mo. I think alam ko ang pangalan ng guy na ito, nababasa ko sa Twitter mo eh. Hehe. :)
ReplyDeleteAny case, I know how you feel. I went through something not-so-similar sa sitwasyon mo, but it's still about letting go. So I guess I could throw my two cents. Although matagal na yun. Yung sakin naman, personal, what I mean is... we know(knew, haha) each other personally, hindi online. But still, I know how you feel.
Alam ko kaya hirap kang mag-let go kasi sobrang open mo sa kanya. I mean, for sure, ang dami niyang alam tungkol sayo. Kumbaga, he knows your personality, if not shares. In other words, nasanay ka na sa kanya. Parte na siya ng sistema mo. The thing is, alam ba niya na ganyan ang pakiramdam mo ngayon? Sinasabi mo ba sa kanya yung mga nararamdaman mo?
I don't mean to pry but may validation ba ang relationship ninyo? I mean, did you tell each other na "ganito tayo, ganyan tayo" and whatnots? Mahirap din kasi na may feelings ka for the guy and "assured" ka na he feels the same pero wala namang confirmation from him. Kung nanonood ka ng Awkward(hehe), it means DTR: Define The Relationship. Do you have that? If not, maybe it's time to talk to him. Kasi baka mas masaktan ka o kaya mas mahulog ka pa.
Anyways I think I'm out of the topic already. Tama ka, kapag nagmamahal, nagiging tanga. Kung sobra na siya, maybe it's time to rethink things. I can't blame you about the letting go part, hindi yun madali. Even after several months or years, you're happy, but somehow you find yourself thinking about that person.
Tama ka rin sa paglelet go. Madaling sabihin, mahirap gawin. That is the sad truth. And unfortunately, the only truth. Kung yun talaga ang gagawin mo, oras lang ang katapat niyan. Be patient.
Just talk to him, okay? Smile ka na.
I wish you well. :)