Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Sunday, June 9, 2013

6th book - Can't Help Falling In Love

One year na simula nang isulat ko ang novel na ito. Pero dahil two times na pina-revise sa akin ito, 10 months pa lang naman siya sa "to be release" ko. Hehe! CAN'T HELP FALLING IN LOVE is a sequel of my 3rd book---I'LL STAY IN LOVE WITH YOU. Kung natatandaan niyo pa po, si Athena ay si "Tita Ganda" ni Artemis. Kapatid siya ni Venus. ^_^


Can’t Help Falling In Love
By Cady Lorenzana




“Iyong mga imperfection mo ang minahal ko dahil hindi mo tinangkang itago sa akin kung ano ka. With you, I can’t help falling.”

Matagal nang pangarap ng romance writer na si Athena ang makapagbakasyon sa Amanpulo. Kaya nang magkaroon siya ng pagkakataon na makapunta roon nang wala ni singkong gagastusin, complete with accommodation, sinamantala niya iyon. Everything was perfect except for one thing: may makakasama siyang hindi lang antipatiko, mukha pang galit sa mundo—si Carlo. 

Okay na sana dahil guwapo ito, pero unang engkuwentro pa lang nila, kinunsumi na siya nito nang bonggang-bongga. And to make matters worse, ka-share pa niya ito sa villa na tutuluyan niya. 

Isang araw ay kinailangan niya ang tulong nito at hindi naman siya tinanggihan nito. At nang magkasakit siya, inalagaan at binantayan siya nito. Dahil doon, unti-unting lumambot ang puso niya rito. She started seeing him in a different light. Kaya mula sa pagiging nuisance, naging hero material ito sa nobelang isinusulat niya. Dumating pa nga sa puntong lihim na niyang hinihiling na ito na ang hinihintay niyang “the one.” Pero suntok sa buwan yata ang hiling niya dahil nalaman niya na hindi pa rin ito nakaka-get over sa alaala ng namayapang kasintahan nito…

XX FACTS AND TRIVIA'S PORTION:

x The novel is the result of my addiction to Jessica Hart. I really love her "The Princess Swap Series" to the point na nag-bestfriend swap naman ako sa novel na ito. :P

x Nabanggit sa akin ni Kathy `yung about sa resort na Amanpulo. Marami raw na dumadayo na artista roon---hollywood actors/actress. So i was intrigued and view the website. Nang makita ko, gusto ko na rin maging artista! Hehe! Its so breathtaking kaya `yan..kahit sa nobela dinala ko ang sarili ko. :P

x Hindi ito ang pinakauna kong plot kay Athena. The first one has an option to revise feedback. Ni-revise ko naman pero dahil ganoon pa rin `yung feedback---okay, I quit! Hahaha! This one, naka-2 revisions naman! Whew! Mahirap pero motto ko nga ang try and try until you die and when you die at least you try.

x The hero's name shouldn't be Carlo. Nakalimutan ko na `yung original name nung una niyang ka-partner sa sobrang tagal ko nang nagawa ang librong ito. Pero binago ko dahil sa kilig ko lang naman kay Carlo Romero! Hehehe!

x Most side characters here, kinuha ko ang names sa Princess And I na teleserye. Mikaela, Bianca and Kalel---(from Khalil) Nanonood kasi ako ng Princess and I habang nag-iisip ako ng pangalan. HAHAHAHA!


xx

Cady

No comments:

Post a Comment