Sabi kahapon ni Jodi sa 100 days, iyong nanay daw niya kahit mahiyain, pag inaaway daw sila ng isang tao ay pinaglalaban din sila. I got stuck and remember what I have experiences in the past few years of my life. Sa buong buhay ko pala, walang taong nagawa yata sa akin iyon. Kaya I eventually cried. Di ko lang pinahalata. tapos noong di ko na napigilan, umakyat ako sa kuwarto ko at umiyak. Ganoon kasi lagi ako, eh.
Sa blog na ito, ayaw kong palabasin na hindi ako pinaglalaban ng Mom ko. I know dahil hindi niya kaya because she was half-paralyze. Pero alam mo iyong feeling na kahit isa man lang ay gustong ipaglaban ka? Gusto ko may tao ding handang gawin iyon sa akin. My Dad, I know ganoon siya. Pero nasaan ba siya? He's in heaven. Wala ng taong lalaban para sa akin kaya sarili ko na lang ang dapat kong asahan.
Pero nakakapagod din iyong ganoon. At nakakainggit. There was a time, bata pa ako noon at may isang batang nakipag-away sa akin. It's the first time I got slap. Nagalit ako pero hindi ako lumaban. I'm just grade 3 that time. Hindi ko siya sinumbong kay Mommy dahil ang balak ko, kay Daddy ko siya isusumbong. Pero sa kamalas-malasan ko, bago ko pa nasabi kay Daddy ay wala na siya. I just kept it to myself na lang.
Then I was 2nd year HS nang may mangyaring ano sa akin, basta bad. May nang-away sa akin w/c not is my fault naman talaga. Siyempre takot na takot ako.Pero mabuti na lang nandoon ung tita ko at siya ang kumausap. Iyon iyong time na nagpabago talaga sa buhay ko. I lose my trust to someone. basta hindi ko na ulit inulit ang mga ginawa ko noon.
Simula noon, natakot na ako sa mga bagay-bagay... Haay, basta.. Ayaw ko ng umiyak kaya tapos na rin akong magblog.
......,
Azec Chase.♥
No comments:
Post a Comment