Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Friday, September 30, 2011

Then cry.

Yesterday, I got Derrick's result. He was my first for revision manuscript. and suddenly, it was now returned. Hindi daw umabot sa pamantayan ng editor ang ginawa kong pagre-revise. But she said, if I can rewrite it w/out the wrong things I've done in the MS, then write.

I want to. I had now my scenes/conflicts/bla-bla. Don't know dahil napamahal na rin siya sa akin. And I love Artemis, too. Sabi sa akin nung editor, she loved the character,too. Ang cute-cute kasi niya. Saka sinabi rin sa akin na maganda daw ung panimula ko. Kaya naisip ko, sige, kaya ko ito. Nag-isip ako. I went brain bleeding, actually. Then I cry. Why? Dahil pakiramdam ko, ang tanga-tanga ko na naman. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. >___<

Sabi nung classmate ko, dahil hirap na hirap sila sa FA, kapag daw pakiramdam mo, hindi mo na kaya, iiyak mo lang daw. Mawawala din yun. Un daw kasi ung sabi sa kanya nung BF niya. Then I did. Normally, di ako naiyak kapag ganoon, eh. Kaya siguro masyado akong nasasaktan. But then, when I cry and pray tot he Lord, what should I do? Kaya ko po ba ito? Pakiramdam ko, gumaan iyong pakiramdam ko. It makes me light.

Nakaisip nga ako agad ng magandang gawin. And thank you na thank you talaga. Sa susunod kapag pakiramdam ko, di ko na talaga, iiyak ko na. Nakakagaan din pala. ^^ Then nag-mail ulit sila sa akin. They said, kumpara sa mga last works ko, ang laki daw talaga ng improvement ko. I was glad with that. It means na, shit, my improvement ako! Hi-hi.

Haay, parang wala na naman kuwenta itong post ko. Anyway, I got my grade in the Statistics Exam. I was glad I got 90. Dahil bobo ako sa math, masaya na ako dun. :P

Azec Chase. ♥

Tuesday, September 27, 2011

Kung aagawin mo...

Ang langit! Bow.

Its so lamig-lamig ngayon and it so good to sleep the whole day. Na ginawa ko nga. Hihi. Tamad ko! Kaya hindi ako magkakadatung nito, eh. :P Siguro maya na lang ako mag-iisip ng pangpahaba dito kayna Luc and Penelope. Kahit may naiisip na akong scene. Di ko lang alam kasi kung paano ko sisimulan.

Okay, Kung aagawin mo...ang langit! Kasi naman, itong teleserye na ito, masyado akong pinapainis. Nakakainis talaga si Michelle Madrigal, sorry for the fans, pero I really don't like her. Ako, iyong tipo ng taong mahilig sa kontrabida pero pagdating sa kanya, nababadtrip ako. Siguro dahil gusto ko si Carla Abellana, (Ellerie) na siyang inaagawan niya kay Mike Tan (Jonas). At crush ko din si Mike Tan. Harhar

I hate the story din, actually. There was this time na christmas, bumili ako ng pocketbook. Siyempre, marami akong pera kaya nakabili ako. Sabi ko, parang maganda kasi readers choice. Then nung nabasa ko, nainis lang ako. 2 books pa naman siya. Kaya simula nun, hindi na ako bumibili ng books ng author na un kahit sabi nila, magaling daw un.

Parang ganun din ung kuwento nitong sila Ellerie. Iyon nga lang, ang nakakainis sa kuwento nila Ellerie ay itong si Bridgette. Umasa-asa siya eh! Dun kasi sa pocketbook, ang pinakabida ay ung binuntis. Nakakabadtrip lang. Pero sa tanga ko naman, pinapanood ko din. Napaka-one of a kind ni Jonas dun. Wew! He's so cute din. Tapos kahit inaakit siya ni Bridget, di siya nagpadala. Haay, sana may ganito ding lalaki `no?

Sa totoo lang, nakaka-relate masyado iyong isang experience ko sa life dahil dito. Kasi itong si ano, umasa-asa siya. Iyon nga lang, parang kami iyong dehado. Kung sana, naging katulad na lang ni Jonas itong si boy, edi sana okay lang lahat. sana naging faithful na lang siya. Siguro, mababawasan din iyong inis ko sa teleserye. E-hehehe. :P

Naiinis,
Azec Chase.♥

Saturday, September 24, 2011

My day 9-24-11

Magandang...gabi? Ahihi. This was such a great day. Kahit na ba nahilo ako kasi nde ako kumain ng lunch at ang breakfast ko ay kaunti lang. At kahit nakakabadtrip ang IT nga pala dahil pa-major ang HTML.

Today, SM calamba booksigning. 1st time kong makapunta sa ganitong event. And migas! Ang dami kong na-meet, nakilala at nakabiruan. And I really really love it. Nakilala ko ang mga idols ko =))

Almost lahat ng PB na dala ko, may pirma. Iyong kay Ms. Martha lang ang wala kasi wala siya. Tapos iyong ibang wala akong PB's, dun na lang ako sa fan nagpapirma. ^_^

And guess what? Kada punta ko sa writer, when they will ask me my name, nakikilala agad nila ako. har-har. When I say, Azec po. Sabihin nila, Azec Chase? Haha. Ganoon na ba talaga ako kaadik? Then wala pa naman iyong novel ko, may nagpa-autograph na din sa akin. Migas. Na-tats naman ako! At ang panget ng sulat ko, aherher. kakahiya lang. Anyway, I think, malapit ng lumabas si Rodney. And it gives me so much pressure. Sana magustuhan siya ng tao. Sana mag-click. Please. Please.

Still not yet having Derrick's feedback. Ewan ko nga kung bakit, nauna pa sa kanya si Prince na returned naman. But its okay. It means na hindi ko na kailangang gumawa ng series pa sa mga kabanda niya. Ahihi. Saka nde ko rin masyadong trip. I'm currently working with another MS today, entitled, wala pa. Ahahaha. Wala pang title! Iyon. Basta ang characters, Luc and Penelope. Nasa 5k words na ata ako. And thank God =))

May mga writers din na alam pala na writer ako. Kala ko, si Ms. DG lang. Kasi napag-usapan namin iyon...via message! Bukod siyempre sa mga palagi kong nakaka-interact like ate marione :)

Then pag-uwi ko, si Kuya lang ang tao. Para pang tanga kasi tanong ng tanong kung ano daw ung pen name ko, siyempre sinabi ko. And Good news nga pala, asawa na muli ako ni Guji. Sabi nila Cady Lorenzana na talaga pen name ko. Ahihi. Then sabi ni kuya, ipagkakalat daw niya sa mga friends niya. Hindi ako na0-tats kasi natawa siya.

Then I talked to him. Sabi ko, kuya un bang si ____ ung si ____. Sabi niya, oo. Tinanong din niya kung in-add ko. Siyempre nde. Tinanong ko kung nakausap na ba niya iyon. Oo daw. And yes, nasa ibang bansa na nga siya. So sad, malabo na yata kaming magkita. And for the first time, I explain my side to him. Ewan ko ba kung bakit ako nagkalakas ng loob na makipag-usap sa kanya ng ganoon. Siguro kasi parang good mood siya at trip niyang makipag-usap. At hindi ko na rin pinalampas ang oras na iyon para tanungin ko siya kung bakit sila nag-break ni Ate Christine. Pero hindi naman niya ako sinasagot. Basta lang ng basta. Tapos nagtanong din siya ng mga details about Ate Christine. Kung nag-uusap daw kami. Sinagot ko naman. Feeling ko may pag-asa pa si Kuya na makipagbalikan. Base sa mga nakikita ko na post ngayon. Iyon nga lang, mahihirapan siya. Kawawa naman si Kuya kung ganoon. Marami pa sana akong gustong sabihin kay Kuya iyon nga lamang dumating iyong tita ko. Nakipag-usap sa akin. Sayang. Nawalan tuloy kami ng moment ni Kuya.

Pero okay na din. Lumuwag ung feeling ko kasi nasabi ko sa kanya ung side ko kaya nagawa ko iyong bagay na iyon. Thank you Lord God for this day. :))

Happy,
Azec Chase. ♥

Tuesday, September 20, 2011

View.

Last night, na-realize ko iyong mga bagay bagay sa buhay ko nang dahil sa librong nabasa ko. There was a quotation there saying,

"I believe in myself because there's someone who is believing on me"


I was like, o.O. May post ako dito na sabi ko sa sarili ko, I don't believe in myself. Kaya nga kapag nakakatanggap ako ng feedback sa mga manuscript ko, my mind always say, it was a returned one again. I was always like that. Because I don't believe in my self.


Why do I don't believe in myself? Siguro dahil, there is no one who is believing on me. Honestly, wala akong sinasabihan kapag nagpadala na ako ng manuscript. Dahil natatakot akong baka kapag na-returned un, sabihin lang nila sa akin, pangit naman `yan...Na hindi talaga ako worth it sa mga bagay na ganito. Kasi may mga times na na-experience ko yan. Kaya nga hindi na lang ako nagsasalita, eh. I was hurt. Pero sila, ni wala naman silang pakialam, eh. Ano naman kung masaktan ako? Kasi isa pa rin naman akong magaling manakit.

That's my view in LIFE. Takot ako sa mga bagay kaya kapag may gusto akong i-try, parang gusto ko na lamang itago iyon sa sarili ko. There were people who will say, "sus, hindi mo naman kaya `yan!" even in myself, I want to try. Kaya naman parang nawawala na rin ako ng bilib sa sarili ko dahil sa sinasabi nilang iyon.

Then my view in LOVE. Noong bata ako, mahilig akong maniwala sa mga fairy-tales, sa mga happy ever after. At hanggang ngayon, kaya nga ako mahilig magbasa at manood ng mga romance book/movies. Pero deep inside me, ayaw ko ng maniwala. Para ngang niloloko ko na iyong sarili ko sa pagbabasa at panonood. Or ito lang iyong isa sa mga paraan ko para maibalik pa rin iyong paniniwala ko kahit na ba madalas, nasasabi kong, "that's not reality, that only happens in the books and movies."

My life is not perfect. lahat naman, eh. Although, nung bata ako, I feel like it was perfect. I had the perfect dad, perfect mom and somehow a perfect brother. Pero lahat iyon nagbago nung nawala si Daddy. I discovered the secrets, I felt all the pain. Idagdag pa ang nangyari kay Mommy. Kahapon, nag-tweet ako, sabi ko, "Sana hindi na lang nalaman iyon, siguro hindi naging ganito ang view ko..."

Because I found out a secret. Naalala ko ito because I opened up to Riyan, he's a chatmate from India. (ngayon ko na lang na-try muli makipag-chat sa iba, the other weekend pala.Wala lang, may block kasi utak ko.) Dahil sa sikretong iyon, naisip kong wala ng matinong lalaki sa mundo. Dahil din sa nangyari sa kuya ko at sa gf niya at sa mga napanood ko sa TV this past few days, iba na talaga iyong nagiging view ko.

Wala ng prince charming.

They made me feel the bitter reality. Kaya ako, feeling ko tatandang dalaga na lang ako. Weird na kung weird. I am a romance writer and my view in life is like this? Tsk. Bubuhayin ko na lang sila sa mga nobela. At sana, balang araw, mabago din nila ang paniniwala ko ng dahil sa mga nangyari sa buhay ko.

weirdo,
Azec Chase ♥

Friday, September 16, 2011

Selfish love

Selfish Love. Ang title ng post ko. But this one is really not about a selfish love post. Sa totoo nga, ito pa ung love na nagparaya....at ako iyon.

Well, selfish love because I made a novel out of this experience. Iyon ung naging kinalabasan kahit na ba iyong totoo naman ay hindi. I was hurt that time. He gave me an inspiration to write one. Because of what he said to me.

And who is that HE? Sabihin na natin siyang si John, siya ung bida dun sa selfish love. And me, I am Rainie. I was in love with this guy. He's cute, magaling siyang kumanta at magaling din umarte. Napapatawa niya ako. And we are close friends. We are like best friends actually. Para din kami sa kuwento na si John and Rainie. I like him. Pero ako lang ang nakakaalam.

I kept it to myself because mayroon din akong friend na may gusto sa kanya. Although this girl, parang nahahalata niya, di ko na lang din talaga tinatapat. I was scared. Saka pano kapag nagsabi ako? Baka lumayo siya sa akin. I don't want him to go. Sapat na sa kin iyong ka-close ko siya. Iyon nga lang, may mga bagay din na nalalaman kang masakit kapag ka-close mo itong isang tao.

Okay, I'll give other details about JOHN and how I fell in love and my pakipot modes and ecklavoo. Sabi ko nga, masaya siyang kasama. Marunong din pala siyang maggitara. There was this time that he asks me to sing while he strums the guitar. The song was from paramore. And because of that, I gave him my own code, Mr. Pressure. :)) Tapos nung crush ko siya, inaartehan ko siya. May isang linggo atang nagpanggap ako na galit ako sa kanya with no specified reasons. Siyempre, nagtataka siya. Hahaha. Uso pa nun dati ung Friendster. Sa FS ng section namin, I posted them na galit ako dito sa taong ito. Hindi ko sinabi iyong name pero halata naman niya. Kapag nasa school kami, kita ko iyong tingin niyang para bang nagsasabing "bakit ba?" Tapos, parinig pa ako nang parinig sa bulletin ng FS. Siya nga din, nag-bulletin, eh. Grabeng tawa ko dahil masyado niya talaga akong sineryoso xD But in the end, siyempre nagbati din naman kami :))

Then by the middle of the school year, kinonfess niya sa akin na may gusto daw siya sa friend ko... Well, that friend of mine and I were kinda close, too. Siyempre, I was hurt. Pero ano ba ang maggawa ko? Iyon ung gusto niya. Tatanggapin ko. Kahit na ba sad. :( At alam mo ung mas masakit? ako pa iyong naging tulay nilang dalawa. Dahil may pagkatorpe itong guy na ito. Pero sabi ko nga, wala naman akong karapatan. kaibigan niya lang ako, siya iyong crush niya...and later on, minahal din niya. :((

by January when they broke up. Medyo sinamaan din ako ng loob noon kasi after the hurt, ganun din naman pala ang mangyayari. Iiwan lang siya nung girl. Sinabi niya sa akin iyong mga hinanakit niya. Hindi ko nga alam kung hanggang ngayon, naka-move on na siya dun sa ginawa nung girl na un. Because the last time na nagkita kami, naglabas na naman siya ng sama ng loob. Bitter pa din. Pero nagka-gf na din naman siya after that time...

Then valentines day. May bago siyang crush. As usual, sinabi na naman niya sa akin. Pero wapakels na lang ako kasi feeling ko, wala din naman patutunguhan. Saka parang nawawala na din ung pagka-crush ko sa kanya. Then valentines day na nga. Before the day pala, he said to me, bibigyan daw niya ako ng flowers. Siyempre, naging masaya ako. If ever, siya ang pinakaunang magbibigay. Pero nakaka-disappoint lang, isa lang ung dala nya the whole day. And it was intended for his new crush. Nung mga afternoon na, hindi niya pa rin naibibigay. Torpe nga kasi. Tapos sinasabi na niya sa aking, sa `yo na nga ito. Kasi nga hindi niya maibigay, eh. Pero hindi ko tinanggap. Kukuhanin ko iyong bagay na hindi naman talaga para sa akin? That's insane. Kaya in the end, doom ang valentines ko nun.

Retreat 4th year na ito. Pakiramdam ko, nawala na ung pagka-crush ko sa kanya. pero minsan bumabalik pa rin. Hindi ko na rin siya classmate. pero barkada pa rin kami. Palagi ko pa rin siyang nakakausap at nakakasama. Kinulit ko siya, sabi ko, gawan mo kong retreat letter! paulit-ulit! Then di ko akalaing gagawan niya nga ako. Siyempre, lalaki siya. Most of them, walang pakialam sa mga ganito. Although, hindi maganda ung letter, nasa bond paper lang at pencil pa ung pinansulat, I'm so touched. Dahil yong sabi niya sa sulat, "Ikaw lang ang binigyan ko ng retreat letter," Habang binabasa ko muli iyon, napapayakap ako sa letter. Ang baduy ko. xD

Then Lidicsa, I was happy this time dahil muntik na niya akong yakapin, ako lang ung pumalag. And know what? Muntik na kaming mapaaway dahil dun. Nadali kasi nung kamay niya iyong isang lalaki from different school. This one is a great memory of me and him. Natutuwa lang ako kapag naalala ko. Lalo na ung mukha niyang parang natatakot :))

Then Christmas party (4th yr) Kinulit ko naman siya. I ask him a gift. Akala ko nga, i-indian-in na naman niya ako. Pero hindi! Binigyan niya talaga ako. Kahit hindi talaga stuff toy na malaki, lace na may kasamang stuff toy. May price pa nga ata, ehehe. I also gave him a gift. Na mumurahin lang, compare sa binigay niya sa akin.

Then JS prom (this was 4th yr and a sad memory)Sinabi na naman niya sa aking isasayaw niya daw ako. I waited. Pero hindi niya pa rin ginawa. Alam mo ung tipong sinabi niya pero di naman niya ginawa? Nakakainis. Kaya hindi ko na-feel din ung JS prom namin. Kasi inaantay ko ung pag-alok niya sa akin na isayaw niya ako. Pero di nangyari. Iyon lang ung makakapagpasaya sa akin kung sakali pero di nangyari. Saklap lang. Days after the prom, he said sorry kasi nakalimutan daw niya. Kahit di ko sinabi sa kanya na kinalimutan niya.

Tapos graduation na. May mga nangyari, pero di naman ganun ka-importante. Hindi na kami the same school nag-aral nung college.

College. I was like over him. Pero di pa rin pala. Kasi nasaktan ako, when he said to me na may gusto siya sa best friend ko. This was the type that, shit talaga! Kasi nung una, close friend ko lang, ngayon, ung best friend ko na. Nasaktan na naman ako. Bakit palagi na lang ako ung sinasabihan niya ng mga love life niya? Ako na lang palagi at ako pa ang nasasaktan! Nakakainis siya. Pero the same, what can I do with it? Iyon nga ang gusto niya. alangan namang sabihin ko na, hindi ka niya gusto! Na siraan ko ung best friend ko sa kanya. I can't do that. Tapos, there was this time na ung best friend ko na un, na ka-batch din naman nung highschool, feeling ko may gusto rin sa kanya. Kaya hindi na ako umimik pa. Nang nagtanong siya sa akin about the details about my best friend, siyempre sinagot ko naman. Kahit nasasaktan ako. Palagi na lang.

Pero hindi na rin naman yata natuloy ung feeling kong muntik na niyang panliligaw. Kasi may bago na naman itong boy na ito. Pero okay lang, my feelings for him were gone.

Okay, may isa pa pala akong kuwento. Valentines day na naman. I told him, yayain mo ba si ____? That's by chat. He said, no. Wala nga daw siyang ka-date. Tapos bigla-bigla niyaya niya akong makipag-date! Pero lagi namang di natutuloy, eh. Kaya sabi ko, hindi ako puwede, hanggang 6 ako sa school. So wala rin.

And now, I'm over him talaga. Ewan ko kasi hindi ko na siya nakaka-encounter o nakakasama ng matagal this past few days. Maybe, enough for the happiness and the hurt. Hindi ako naging selfish sa kanya dahil hinayaan ko na lang ung nararamdaman ko na mag-fade away. I don't know if he had feelings for me. Siguro ung ibang pinakita niya, little sister attitude lang un. Haay, pero okay lang. It's not yet the end of the world nang dahil lang sa isang lalaking minahal ko, natuwa ako at nasaktan din ako. May susunod pa... At sana si Guji na un :))

</3,
Azec Chase. ♥

Thursday, September 8, 2011

Bad girl.

Good eveeeeeeeeee~

Ilang araw ko ng natanggap ang feedback ni Caspian.. at ilang araw na din akong tigang. LOLOL. Joke lang po! Ahehehe. I was like, ahmmm. May naggawa na ako, na-edit at ewan! Ang hirap kasi. Minsan, naiisip kong pabayaan na lang siya. But I couldn't. Di ko kaya. So I try and try.. And weeeh, ewan ko. Wala pa siguro sa isip ko ang katinuan. xD (kailan ba nagkaroon?)

Kaya naman I decided to watch a movie. Way back home. Well, dahil dito, may naisip akong plot? Ahehehe. Honestly, matagal na siyang nasa isip ko, di ko lang na-trip gawin noon. Siguro gagawin ko siya, mga two-thousand and alien.  xD

Err... Okay, back to it. Title, Bad girl. Si Julia kasi, parang ang bad niya dun, right? Pero at least na ay Katherine(Anna) ako maiyak, kay Julia(Jessie) ako naiyak. Why? Ewan ko, she's great. Ahahaha. And I always love antagonist. Don't know? Ahaha. Maybe because in my life, I've always been an antagonist. LOLOLOL. I admit I'm kind of bad girl, lalo na nung bata-bata pa ako. But that's part of life. Alam ko, hanggang ngayon, ganyan pa din ako. (how I wish na mabago ko) hihi. Marami talaga kasing circumstances na... well, its hard to explain. And anyway, I've been crying the whole movie.? No, almost pala. Basta, nakakaiyak siya. I can relate? Somehow? While looking at the picture.... I remember HER... `Hope she's okay, even if I can say that SHE's really okay... Siguro nga, more than okay pa siya sa akin. Kung alam niya lang, na I have reasons why I did that. Why did I say that.... Sana maintindihan nila, niya... I love HER naman, iyon nga lamang, may mga bagay talaga na hindi puwede...

I understand Julia. At mas gusto ko talaga siya kaysa kay Mara. Kasi nga mahilig ako sa mga kontrabida. Whenever I write, I always love the point na darating na itong si kontrabida at mag-aaway sila ng bida. Ginaganahan ako. Ahaha. Lalo na kapag nag-aaway. May ganyan kasi akong ugali.. KONTRABIDA. At kapag nga ako naging artista(ambisyosa) gusto ko kontrabida. Nung gumawa kami ng drama play sa humanities noon, I'm the protagonist, na-enjoy ko siya pero mas na-enjoy ko ung role ko sa filipino,(na-after a week nangyari after the play in humanities) bilang kontrabidang nanay. Ang sarap manampal! Ahahaha. Joke! Gusto ko ung mga bangayan, eh. :)) I'm a weird and bad girl kasi. xD

Anyways, kakatapos ko lang i-edit iyong PPT ko sa IT. And so cuteeeeeee! Percy Jackson ung website ko! Ahahaha. Sa saturday or by tomorrow ko na lang siya finish. I still have classes tomorrow. And it's 7:30 am. Mi-gosh, Business Stat na naman. >___< So Goodnight for now! :))

Imma bad girl,
Azec Chase.♥

Sunday, September 4, 2011

Caspian's hope.

I'm not that happy to announce that Caspian is for revision. Not happy? Because ang daming suggestions. >.< Di kagaya kay Derrick na ecstatic pa ako. Haay, sakit talaga siya sa ulo. But I thank God for this na din kasi binigyan niya ng probability si Caspian.

Chance. Hope. That is you, Caspian. Sana matapos kita sa Wednesday. Ambisyosa? Ahehe. Eh gusto ko lang. I love this. Sana magsunud-sunod. Saka sana approve si Derrick. Please-please. :D

And I'm revising na. Gusto ko lang sanang ibahagi sa inyo ang isa sa mga naging result ng pagre-revise ko. I was like ^__^ when I had this conversation between them. I like fight scenes, eh. Bakit ba? Ahaha. Fight ba ito? Basta, trip ko ang eksena na ito na kakatapos ko lamang isulat....


          This is Caspian's POV.

“Marianne, Jessica—my girlfriend--will be going here by Thursday….” Anunsiyo niya dito na kinalingon nito sa kanya.

“Ha?” ramdam niyang tila nanlamig ito sa sinabi niya. “Pero paano ang plano natin? Paano si Casey?”

Bumuntong-hininga siya saka tumabi sa kinauupuan nito. Alam niyang mahihirapan talaga siya kung sakaling dumating si Jessica. Paano niya ipapaliwanag dito ang lahat? Alam niyang maunawaing tao si Jessica. Iyon ang isa sa mga characteristics na nagustuhan niya dito kaya naman niligawan niya ito. Pero maunawaan kaya nito ang lahat? Na may anak na siya ngayon? Tapos nagkrus muli ang landas nila ni Marianne na alam niyang nagiging insecure ito kapag iyon na ang nagiging topic.

At paano si Casey? Malulungkot ito kapag nalaman nitong wala ng pag-asang magkatuluyan muli sila ng ina nito. “That’s my problem. Pero hindi ko naman puwedeng pabayaan na lang si Jessica.”

“So kailangan naming umalis sa tabi mo ngayong darating na ang girlfriend mo? Iyon ba ang gusto mong sabihin?”

“Oh, well, it’s not like that. I don’t want you and Casey to go. That’s not what I am thinking right now. But Jessica will be with me for the past few days. Hindi ko naman siya puwedeng pagsinungalingan. Baka magalit siya. Kaya magbabago ang plano natin ngayon. Hindi na tayo magpapanggap. We will say Casey the truth about us. I know it is hard but it’s the right thing to do. Iyon nga lamang ay dadahan-dahanin natin siya.”

“Mahal na mahal mo talaga ang girlfriend mo. Ayaw mo siyang masaktan…” ramdam niya ang pait sa boses nito sa pagsabi noon.

“Ganoon naman `di ba, kapag mahal? Ayaw mong masaktan ang taong mahal mo.” Parang nabuhay muli sa isipan niya ang ginawa nito sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon.

Tumingin ito sa kanya. “Gusto mo bang palabasin na hindi kita minahal noon dahil sinaktan kita?”

“Ganoon ba ang pagkakaintindi mo?” may pagkasarkastikong sabi niya dito.

Huminga ito nang malalim. “Minahal kita, Caspian. And I don’t mean to hurt you…”

“Really? But you did, Marianne! Kung talagang ayaw mo akong masaktan, hindi mo ako babalewalain nang ganoon! Gagawin ko ang lahat para sa `yo pero ano ang ginawa mo? Iniwan mo lang akong parang basahan dahil ang akala mo sa akin, magiging distraction lang sa buhay mo! Pinatunayan ko naman sa `yo noon na kaya kong maghintay, na hindi kita gagambalain kung ano man ang gusto mo, huwag mo lang akong iwan but you still dumped me! You hurt me like hell!” parang binigyan siya nito ng energy drink sa paglabas ng sama ng loob dahil sa sinabi nito.

“Hindi ko sinasadyang gawin sa `yo iyon, Caspian. Mahal kita. At mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon. Kinailangan kitang iwan noon para sa career ko dahil pakiramdam ko, hindi kita mapapagtuunan ng pansin dahil magiging busy na ako. Ayaw kitang makasama dahil natatakot akong baka lalo ka lamang masaktan kung kasama nga kita pero hindi naman kita napapansin. Nararamdaman ko noon na kahit ikubli mo pa, nasasaktan ka kapag hindi kita nabibigyan ng oras ko. Isa pa, nais ko ring bumalik ang focus ko sa pag-arte. Kung patuloy lamang kitang makakasama, hindi ako makakapag-focus ng tuluyan sa pangarap ko. Hindi naman sa sinasabi kong distraction ka para sa akin. Ayaw ko lang ma-distract sa katotohanang nandiyan ka sa tabi ko pero hindi naman kita napapansin.” pagpapaliwanag nito sa kanya.

“Enough! What is the used of your reasons now? Tapos na ang lahat sa pagitan natin. Sinaktan mo na ako! At sinabi mo pang humanap na ako ng ibang babaeng mamahalin ko na kayang pantayan ang pag-ibig ko sa kanya! At nakahanap na ako. I’m sorry if you still love me right now. Pero may iba na ako. At ikaw mismo ang pangunahing dahilan kung bakit naghanap ako. Dahil sinabi mo,”

Nagyuko ito ng ulo. “I know this is my entire fault. And I’m so sorry. For what happened, for you and for myself. Hindi na ako dapat nakakaramdam ng ganito, eh. Pero mahal pa rin kita, Caspian. Alam kong mali dahil may mahal ka ng iba pero hindi ko kayang pigilan.”

“But you should be. Dahil kahit ano ang gawin mo, kahit na may anak pa tayo, hinding-hindi na babalik ang pag-ibig na binigay ko sa `yo noon.” Mabigat sa loob na sabi niya at umalis sa harap nito. She loved him. It feels great but at the same time, it also feels sad. Sayang lang ang pagmamahal nito. Wala na ding pakinabang ang lahat ng dahilan nito dahil tapos na ang lahat. May Jessica na siya. Kay Jessica niya natagpuan ang babaeng tinutukoy nitong hanapin niya. Natutunan niyang ibaling dito ang atensyon niya kahit na ba mahirap iyon. Sobra siyang nalulon sa pagmamahal niya kay Marianne kaya nahirapan talaga siya. Kaya naman hindi niya aalisin ang paghihirap niyang iyon. Once is enough. Kahit na ba may anak na sila, sapat na ang unang nagpakatanga siya. Na nasaktan siya. Kay Jessica na lamang dapat na ibaling ang puso niya. Dahil kay Jessica, alam niyang hindi siya masasaktan hindi kagaya nang nangyari sa kanya sa piling ni Marianne.
Hoping for a nice feedback,
Azec Chase. ♥

Saturday, September 3, 2011

Love or Lust?

Love is an ugly, terrible business practiced by fools. It'll trample your heart and leave you bleeding on the floor. And what does it really get you in the end? Nothing but a few incredible memories that you can't ever shake.


Well. Bakit ba ako ganito? Bakit ko ba naisipan mag-post? Hmmm. Maybe its because... Well, nanood ako ng MMK kagabi. Iyon ang dahilan. Kahit na ba medyo matagal ko ng gustong i-post ang about sa topic na ito, ngayon lang ko muli naisipan at sipaging isulat.

What is Love? Para sa akin ang the best description, ung quote sa itaas. Ewan ko, ha. Nung pinadala sa akin `yan nung classmate ko as a GM, parang iyan na ung description ko. The quote comes from Little Manhattan. And I agree. Ewan ko, bitter ako? Ahmm, okay. I know I'm like this being cynical. Pero masisisi mo ba ako? I have a dark background about love. Kaya nga minsan, naiisip ko, paano ba ako nakakapagsulat ng isang nobela kung lahat ng tungkol sa pag-ibig para sa akin ay nakakainis?

Kapag nanonood ako ng mga teleserye, naiinis ako. Kaya nga hindi ako mahilig manood ng TV, eh. Nakakaadwa ung mga bidang babae at lalaki! Sa reality naman, naglolokohan lang sila. Iyong ganoon ba. Pero hindi ko naman naiintindihan kung bakit lagi akong nagbabasa ng pocketbook. Para lang akong tanga. Pero madalas, sasabihin ko, sus, niloko ko na, aamo-amo ka pa rin sa huli. In the end, loka-loka din ang isip ko. Ahahaha.

Tapos, may isa pang eksena sa buhay ko, na nagtanong ako sa kaklase ko. Ang sabi ko, "bakit ba ganoon ung mga lalaki? Ang gusto sa babae, ung malaki ung boobs saka ung puwet. O di kaya makurbang katawan o di kaya ay iyong may magandang mukha eh lahat naman ng babae, may puke din?" oh well, sorry for the word pero totoo naman. Sagot nung classmate ko, "Libog".

So Lust, after all. Iyon ang siguro more na habol ng isang lalaki sa isang babae. And love? siguro, ewan. Katulad nung nangyari kagabi sa MMK, di ba nag-uhurm sina Denise saka si Matt? Tapos un ang nangyari kaya kailangan nilang magpakasal. Kasi nagka-anak sila. Oh, hindi pala nagpakasal, nag-live-in lang. Tapos nung part na ina-amo-amo na ni Matt si Denise kasi naglayas, naku, sa loob-loob ko, "lolokohin ka din niya sa huli!" ang BI talaga ng isip ko. *sighs. Why am I like this? Parang ayaw ko ng maniwala sa love. Siguro dahil sa mga nangyayari sa buhay ko? Sa mga nangyayari sa paligid ko?

I was like >.< I don't have a love life right now. Tanging si Guji lang, which is a product of my imagination na boyfriend ko daw, ang sinasabi kong BF ko. Marami akong crush. But it doesn't mean, na love ko na din sila.. Love is far away different from like. At may iba pa sa kanilang pinagnanasaan ko? *wink! Ahahaha.

So what is love after all? Baka kailangan kong maramdaman ito nang walang kasinungalingan kaya ako nagkakaganito? O sadyang, Love lang talaga ni God at family ang pinaniniwalaan ko at talaga namang totoo?

Magulong kausap,
Azec Chase.♥

Friday, September 2, 2011

Derrick and Venus war.

Oh, well. I've been trying to write Ares story. Siya iyong kapatid ni Venus. Pero naiinis ako. Magkakagulo kami talaga ni Ares. Hate him, err? >.<

And wala pa rin result si Derrick. Di ko nga alam, eh. Baka nabulok na naman. Returned,? Aa, wag naman sana. Gusto kong tumili! Waah. Sana approve na kahit next week para punta na ulit ako PHR. Ahahaha. Saka sana si Caspian din. :)) (ambisyoso kame pareho, este ako ambisyosa) ahehehe.

Baket ba ako nagpost? trip ko lang. Wala akong maggawa, eh. Nagkakagulo kasi kami. Wala pa kasing result. Kinakabahan ako. Kaya nde ko rin maggawa ng ayos ung ke Ares. Woosh! Sana ma-approve na. Please? o.O Para bibili ako ng quarter pound saka headset na angry birds. May nakita ako sa oddysey, 150 lang. :D

Saka para maibili na din ako ni Mom. Sabi niya, dadagdagan niya daw ung makukuha kong money, eh. Hahaha. Sana lang dalawa approved ko. Kahit ung isa ma-return na, okay lang. Ahehehe. Basta sana dalawa. tatlo ung under evaluation, eh! Good luck sa aken ng todo. I want to have a Sony Vaio. Ewan ko kung baket un ang gusto ko, ahhehehe.

Whirlwind-minded,
Azec Chase.♥