Well, selfish love because I made a novel out of this experience. Iyon ung naging kinalabasan kahit na ba iyong totoo naman ay hindi. I was hurt that time. He gave me an inspiration to write one. Because of what he said to me.
And who is that HE? Sabihin na natin siyang si John, siya ung bida dun sa selfish love. And me, I am Rainie. I was in love with this guy. He's cute, magaling siyang kumanta at magaling din umarte. Napapatawa niya ako. And we are close friends. We are like best friends actually. Para din kami sa kuwento na si John and Rainie. I like him. Pero ako lang ang nakakaalam.
I kept it to myself because mayroon din akong friend na may gusto sa kanya. Although this girl, parang nahahalata niya, di ko na lang din talaga tinatapat. I was scared. Saka pano kapag nagsabi ako? Baka lumayo siya sa akin. I don't want him to go. Sapat na sa kin iyong ka-close ko siya. Iyon nga lang, may mga bagay din na nalalaman kang masakit kapag ka-close mo itong isang tao.
Okay, I'll give other details about JOHN and how I fell in love and my pakipot modes and ecklavoo. Sabi ko nga, masaya siyang kasama. Marunong din pala siyang maggitara. There was this time that he asks me to sing while he strums the guitar. The song was from paramore. And because of that, I gave him my own code, Mr. Pressure. :)) Tapos nung crush ko siya, inaartehan ko siya. May isang linggo atang nagpanggap ako na galit ako sa kanya with no specified reasons. Siyempre, nagtataka siya. Hahaha. Uso pa nun dati ung Friendster. Sa FS ng section namin, I posted them na galit ako dito sa taong ito. Hindi ko sinabi iyong name pero halata naman niya. Kapag nasa school kami, kita ko iyong tingin niyang para bang nagsasabing "bakit ba?" Tapos, parinig pa ako nang parinig sa bulletin ng FS. Siya nga din, nag-bulletin, eh. Grabeng tawa ko dahil masyado niya talaga akong sineryoso xD But in the end, siyempre nagbati din naman kami :))
Then by the middle of the school year, kinonfess niya sa akin na may gusto daw siya sa friend ko... Well, that friend of mine and I were kinda close, too. Siyempre, I was hurt. Pero ano ba ang maggawa ko? Iyon ung gusto niya. Tatanggapin ko. Kahit na ba sad. :( At alam mo ung mas masakit? ako pa iyong naging tulay nilang dalawa. Dahil may pagkatorpe itong guy na ito. Pero sabi ko nga, wala naman akong karapatan. kaibigan niya lang ako, siya iyong crush niya...and later on, minahal din niya. :((
by January when they broke up. Medyo sinamaan din ako ng loob noon kasi after the hurt, ganun din naman pala ang mangyayari. Iiwan lang siya nung girl. Sinabi niya sa akin iyong mga hinanakit niya. Hindi ko nga alam kung hanggang ngayon, naka-move on na siya dun sa ginawa nung girl na un. Because the last time na nagkita kami, naglabas na naman siya ng sama ng loob. Bitter pa din. Pero nagka-gf na din naman siya after that time...
Then valentines day. May bago siyang crush. As usual, sinabi na naman niya sa akin. Pero wapakels na lang ako kasi feeling ko, wala din naman patutunguhan. Saka parang nawawala na din ung pagka-crush ko sa kanya. Then valentines day na nga. Before the day pala, he said to me, bibigyan daw niya ako ng flowers. Siyempre, naging masaya ako. If ever, siya ang pinakaunang magbibigay. Pero nakaka-disappoint lang, isa lang ung dala nya the whole day. And it was intended for his new crush. Nung mga afternoon na, hindi niya pa rin naibibigay. Torpe nga kasi. Tapos sinasabi na niya sa aking, sa `yo na nga ito. Kasi nga hindi niya maibigay, eh. Pero hindi ko tinanggap. Kukuhanin ko iyong bagay na hindi naman talaga para sa akin? That's insane. Kaya in the end, doom ang valentines ko nun.
Retreat 4th year na ito. Pakiramdam ko, nawala na ung pagka-crush ko sa kanya. pero minsan bumabalik pa rin. Hindi ko na rin siya classmate. pero barkada pa rin kami. Palagi ko pa rin siyang nakakausap at nakakasama. Kinulit ko siya, sabi ko, gawan mo kong retreat letter! paulit-ulit! Then di ko akalaing gagawan niya nga ako. Siyempre, lalaki siya. Most of them, walang pakialam sa mga ganito. Although, hindi maganda ung letter, nasa bond paper lang at pencil pa ung pinansulat, I'm so touched. Dahil yong sabi niya sa sulat, "Ikaw lang ang binigyan ko ng retreat letter," Habang binabasa ko muli iyon, napapayakap ako sa letter. Ang baduy ko. xD
Then Lidicsa, I was happy this time dahil muntik na niya akong yakapin, ako lang ung pumalag. And know what? Muntik na kaming mapaaway dahil dun. Nadali kasi nung kamay niya iyong isang lalaki from different school. This one is a great memory of me and him. Natutuwa lang ako kapag naalala ko. Lalo na ung mukha niyang parang natatakot :))
Then Christmas party (4th yr) Kinulit ko naman siya. I ask him a gift. Akala ko nga, i-indian-in na naman niya ako. Pero hindi! Binigyan niya talaga ako. Kahit hindi talaga stuff toy na malaki, lace na may kasamang stuff toy. May price pa nga ata, ehehe. I also gave him a gift. Na mumurahin lang, compare sa binigay niya sa akin.
Then JS prom (this was 4th yr and a sad memory)Sinabi na naman niya sa aking isasayaw niya daw ako. I waited. Pero hindi niya pa rin ginawa. Alam mo ung tipong sinabi niya pero di naman niya ginawa? Nakakainis. Kaya hindi ko na-feel din ung JS prom namin. Kasi inaantay ko ung pag-alok niya sa akin na isayaw niya ako. Pero di nangyari. Iyon lang ung makakapagpasaya sa akin kung sakali pero di nangyari. Saklap lang. Days after the prom, he said sorry kasi nakalimutan daw niya. Kahit di ko sinabi sa kanya na kinalimutan niya.
Tapos graduation na. May mga nangyari, pero di naman ganun ka-importante. Hindi na kami the same school nag-aral nung college.
College. I was like over him. Pero di pa rin pala. Kasi nasaktan ako, when he said to me na may gusto siya sa best friend ko. This was the type that, shit talaga! Kasi nung una, close friend ko lang, ngayon, ung best friend ko na. Nasaktan na naman ako. Bakit palagi na lang ako ung sinasabihan niya ng mga love life niya? Ako na lang palagi at ako pa ang nasasaktan! Nakakainis siya. Pero the same, what can I do with it? Iyon nga ang gusto niya. alangan namang sabihin ko na, hindi ka niya gusto! Na siraan ko ung best friend ko sa kanya. I can't do that. Tapos, there was this time na ung best friend ko na un, na ka-batch din naman nung highschool, feeling ko may gusto rin sa kanya. Kaya hindi na ako umimik pa. Nang nagtanong siya sa akin about the details about my best friend, siyempre sinagot ko naman. Kahit nasasaktan ako. Palagi na lang.
Pero hindi na rin naman yata natuloy ung feeling kong muntik na niyang panliligaw. Kasi may bago na naman itong boy na ito. Pero okay lang, my feelings for him were gone.
Okay, may isa pa pala akong kuwento. Valentines day na naman. I told him, yayain mo ba si ____? That's by chat. He said, no. Wala nga daw siyang ka-date. Tapos bigla-bigla niyaya niya akong makipag-date! Pero lagi namang di natutuloy, eh. Kaya sabi ko, hindi ako puwede, hanggang 6 ako sa school. So wala rin.
And now, I'm over him talaga. Ewan ko kasi hindi ko na siya nakaka-encounter o nakakasama ng matagal this past few days. Maybe, enough for the happiness and the hurt. Hindi ako naging selfish sa kanya dahil hinayaan ko na lang ung nararamdaman ko na mag-fade away. I don't know if he had feelings for me. Siguro ung ibang pinakita niya, little sister attitude lang un. Haay, pero okay lang. It's not yet the end of the world nang dahil lang sa isang lalaking minahal ko, natuwa ako at nasaktan din ako. May susunod pa... At sana si Guji na un :))
</3,
Azec Chase. ♥
No comments:
Post a Comment