Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Saturday, September 24, 2011

My day 9-24-11

Magandang...gabi? Ahihi. This was such a great day. Kahit na ba nahilo ako kasi nde ako kumain ng lunch at ang breakfast ko ay kaunti lang. At kahit nakakabadtrip ang IT nga pala dahil pa-major ang HTML.

Today, SM calamba booksigning. 1st time kong makapunta sa ganitong event. And migas! Ang dami kong na-meet, nakilala at nakabiruan. And I really really love it. Nakilala ko ang mga idols ko =))

Almost lahat ng PB na dala ko, may pirma. Iyong kay Ms. Martha lang ang wala kasi wala siya. Tapos iyong ibang wala akong PB's, dun na lang ako sa fan nagpapirma. ^_^

And guess what? Kada punta ko sa writer, when they will ask me my name, nakikilala agad nila ako. har-har. When I say, Azec po. Sabihin nila, Azec Chase? Haha. Ganoon na ba talaga ako kaadik? Then wala pa naman iyong novel ko, may nagpa-autograph na din sa akin. Migas. Na-tats naman ako! At ang panget ng sulat ko, aherher. kakahiya lang. Anyway, I think, malapit ng lumabas si Rodney. And it gives me so much pressure. Sana magustuhan siya ng tao. Sana mag-click. Please. Please.

Still not yet having Derrick's feedback. Ewan ko nga kung bakit, nauna pa sa kanya si Prince na returned naman. But its okay. It means na hindi ko na kailangang gumawa ng series pa sa mga kabanda niya. Ahihi. Saka nde ko rin masyadong trip. I'm currently working with another MS today, entitled, wala pa. Ahahaha. Wala pang title! Iyon. Basta ang characters, Luc and Penelope. Nasa 5k words na ata ako. And thank God =))

May mga writers din na alam pala na writer ako. Kala ko, si Ms. DG lang. Kasi napag-usapan namin iyon...via message! Bukod siyempre sa mga palagi kong nakaka-interact like ate marione :)

Then pag-uwi ko, si Kuya lang ang tao. Para pang tanga kasi tanong ng tanong kung ano daw ung pen name ko, siyempre sinabi ko. And Good news nga pala, asawa na muli ako ni Guji. Sabi nila Cady Lorenzana na talaga pen name ko. Ahihi. Then sabi ni kuya, ipagkakalat daw niya sa mga friends niya. Hindi ako na0-tats kasi natawa siya.

Then I talked to him. Sabi ko, kuya un bang si ____ ung si ____. Sabi niya, oo. Tinanong din niya kung in-add ko. Siyempre nde. Tinanong ko kung nakausap na ba niya iyon. Oo daw. And yes, nasa ibang bansa na nga siya. So sad, malabo na yata kaming magkita. And for the first time, I explain my side to him. Ewan ko ba kung bakit ako nagkalakas ng loob na makipag-usap sa kanya ng ganoon. Siguro kasi parang good mood siya at trip niyang makipag-usap. At hindi ko na rin pinalampas ang oras na iyon para tanungin ko siya kung bakit sila nag-break ni Ate Christine. Pero hindi naman niya ako sinasagot. Basta lang ng basta. Tapos nagtanong din siya ng mga details about Ate Christine. Kung nag-uusap daw kami. Sinagot ko naman. Feeling ko may pag-asa pa si Kuya na makipagbalikan. Base sa mga nakikita ko na post ngayon. Iyon nga lang, mahihirapan siya. Kawawa naman si Kuya kung ganoon. Marami pa sana akong gustong sabihin kay Kuya iyon nga lamang dumating iyong tita ko. Nakipag-usap sa akin. Sayang. Nawalan tuloy kami ng moment ni Kuya.

Pero okay na din. Lumuwag ung feeling ko kasi nasabi ko sa kanya ung side ko kaya nagawa ko iyong bagay na iyon. Thank you Lord God for this day. :))

Happy,
Azec Chase. ♥

No comments:

Post a Comment