Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Tuesday, September 20, 2011

View.

Last night, na-realize ko iyong mga bagay bagay sa buhay ko nang dahil sa librong nabasa ko. There was a quotation there saying,

"I believe in myself because there's someone who is believing on me"


I was like, o.O. May post ako dito na sabi ko sa sarili ko, I don't believe in myself. Kaya nga kapag nakakatanggap ako ng feedback sa mga manuscript ko, my mind always say, it was a returned one again. I was always like that. Because I don't believe in my self.


Why do I don't believe in myself? Siguro dahil, there is no one who is believing on me. Honestly, wala akong sinasabihan kapag nagpadala na ako ng manuscript. Dahil natatakot akong baka kapag na-returned un, sabihin lang nila sa akin, pangit naman `yan...Na hindi talaga ako worth it sa mga bagay na ganito. Kasi may mga times na na-experience ko yan. Kaya nga hindi na lang ako nagsasalita, eh. I was hurt. Pero sila, ni wala naman silang pakialam, eh. Ano naman kung masaktan ako? Kasi isa pa rin naman akong magaling manakit.

That's my view in LIFE. Takot ako sa mga bagay kaya kapag may gusto akong i-try, parang gusto ko na lamang itago iyon sa sarili ko. There were people who will say, "sus, hindi mo naman kaya `yan!" even in myself, I want to try. Kaya naman parang nawawala na rin ako ng bilib sa sarili ko dahil sa sinasabi nilang iyon.

Then my view in LOVE. Noong bata ako, mahilig akong maniwala sa mga fairy-tales, sa mga happy ever after. At hanggang ngayon, kaya nga ako mahilig magbasa at manood ng mga romance book/movies. Pero deep inside me, ayaw ko ng maniwala. Para ngang niloloko ko na iyong sarili ko sa pagbabasa at panonood. Or ito lang iyong isa sa mga paraan ko para maibalik pa rin iyong paniniwala ko kahit na ba madalas, nasasabi kong, "that's not reality, that only happens in the books and movies."

My life is not perfect. lahat naman, eh. Although, nung bata ako, I feel like it was perfect. I had the perfect dad, perfect mom and somehow a perfect brother. Pero lahat iyon nagbago nung nawala si Daddy. I discovered the secrets, I felt all the pain. Idagdag pa ang nangyari kay Mommy. Kahapon, nag-tweet ako, sabi ko, "Sana hindi na lang nalaman iyon, siguro hindi naging ganito ang view ko..."

Because I found out a secret. Naalala ko ito because I opened up to Riyan, he's a chatmate from India. (ngayon ko na lang na-try muli makipag-chat sa iba, the other weekend pala.Wala lang, may block kasi utak ko.) Dahil sa sikretong iyon, naisip kong wala ng matinong lalaki sa mundo. Dahil din sa nangyari sa kuya ko at sa gf niya at sa mga napanood ko sa TV this past few days, iba na talaga iyong nagiging view ko.

Wala ng prince charming.

They made me feel the bitter reality. Kaya ako, feeling ko tatandang dalaga na lang ako. Weird na kung weird. I am a romance writer and my view in life is like this? Tsk. Bubuhayin ko na lang sila sa mga nobela. At sana, balang araw, mabago din nila ang paniniwala ko ng dahil sa mga nangyari sa buhay ko.

weirdo,
Azec Chase ♥

1 comment:

  1. :(

    I think we share the same sentiments. Ganyan din ako, about my Dad... and sometimes about myself, kung gaano nga ba kalaki tiwala ko sa sarili ko. Ang hirap kasi ng walang tumutulong na maniwala sa'yo. Totoo kasi 'yang sinabi mo eh. Kapag may naniniwala sa'yo, nakakauplift lang ng pagkatao, kaya natutulungan ka ring magtiwala sa sarili mo.

    Writing has become our outlet. Lahat ng gusto mo, nailalagay mo doon. Kaya isa pang mahirap alisin sa sistema ang pagsusulat.

    Anyway, hello Princess! :D Tama ba ako? Si Ayra ito. <3

    ReplyDelete