Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Saturday, September 3, 2011

Love or Lust?

Love is an ugly, terrible business practiced by fools. It'll trample your heart and leave you bleeding on the floor. And what does it really get you in the end? Nothing but a few incredible memories that you can't ever shake.


Well. Bakit ba ako ganito? Bakit ko ba naisipan mag-post? Hmmm. Maybe its because... Well, nanood ako ng MMK kagabi. Iyon ang dahilan. Kahit na ba medyo matagal ko ng gustong i-post ang about sa topic na ito, ngayon lang ko muli naisipan at sipaging isulat.

What is Love? Para sa akin ang the best description, ung quote sa itaas. Ewan ko, ha. Nung pinadala sa akin `yan nung classmate ko as a GM, parang iyan na ung description ko. The quote comes from Little Manhattan. And I agree. Ewan ko, bitter ako? Ahmm, okay. I know I'm like this being cynical. Pero masisisi mo ba ako? I have a dark background about love. Kaya nga minsan, naiisip ko, paano ba ako nakakapagsulat ng isang nobela kung lahat ng tungkol sa pag-ibig para sa akin ay nakakainis?

Kapag nanonood ako ng mga teleserye, naiinis ako. Kaya nga hindi ako mahilig manood ng TV, eh. Nakakaadwa ung mga bidang babae at lalaki! Sa reality naman, naglolokohan lang sila. Iyong ganoon ba. Pero hindi ko naman naiintindihan kung bakit lagi akong nagbabasa ng pocketbook. Para lang akong tanga. Pero madalas, sasabihin ko, sus, niloko ko na, aamo-amo ka pa rin sa huli. In the end, loka-loka din ang isip ko. Ahahaha.

Tapos, may isa pang eksena sa buhay ko, na nagtanong ako sa kaklase ko. Ang sabi ko, "bakit ba ganoon ung mga lalaki? Ang gusto sa babae, ung malaki ung boobs saka ung puwet. O di kaya makurbang katawan o di kaya ay iyong may magandang mukha eh lahat naman ng babae, may puke din?" oh well, sorry for the word pero totoo naman. Sagot nung classmate ko, "Libog".

So Lust, after all. Iyon ang siguro more na habol ng isang lalaki sa isang babae. And love? siguro, ewan. Katulad nung nangyari kagabi sa MMK, di ba nag-uhurm sina Denise saka si Matt? Tapos un ang nangyari kaya kailangan nilang magpakasal. Kasi nagka-anak sila. Oh, hindi pala nagpakasal, nag-live-in lang. Tapos nung part na ina-amo-amo na ni Matt si Denise kasi naglayas, naku, sa loob-loob ko, "lolokohin ka din niya sa huli!" ang BI talaga ng isip ko. *sighs. Why am I like this? Parang ayaw ko ng maniwala sa love. Siguro dahil sa mga nangyayari sa buhay ko? Sa mga nangyayari sa paligid ko?

I was like >.< I don't have a love life right now. Tanging si Guji lang, which is a product of my imagination na boyfriend ko daw, ang sinasabi kong BF ko. Marami akong crush. But it doesn't mean, na love ko na din sila.. Love is far away different from like. At may iba pa sa kanilang pinagnanasaan ko? *wink! Ahahaha.

So what is love after all? Baka kailangan kong maramdaman ito nang walang kasinungalingan kaya ako nagkakaganito? O sadyang, Love lang talaga ni God at family ang pinaniniwalaan ko at talaga namang totoo?

Magulong kausap,
Azec Chase.♥

No comments:

Post a Comment