Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Tuesday, September 4, 2012

Realizations 101

Last friday, nawalan kami ng klase sa Finance dahil na-require kaming um-attend ng seminar na nagta-tackle about sa mga international students sa school namin. Marami kasi sa amin na foreigners...and most of them are Nigerians. Actually, mayroon akong classmate na Nigerian sa isang class ko. Sa Marketing. Irregular student kasi ako kaya kung saan-saan akong section napupunta! He-he. Sa Department ko, walang Nigerian student kaya hindi pa ako nakaka-experience kahit na ba last year pa naglipana ang mga Nigerians sa school.

Everytime na papasok iyong classmate kong Nigerian, lagi akong nakatingin sa kanya. Well, hindi lang ako kundi ang iba ko rin na classmate. We we're like, "Oh, Ninang mo,". Naging expression na naman iyon kapag nakikita namin siya. O di kaya kapag may kakaiba sa kanya, sasabihin namin, "Taray ng Ninang mo"...

So I was like, natamaan ako sa seminar na in-attend-an namin. Na-guilty ako. Hindi lang kasi ang mga classmate namin na Nigerian ang palagi naming, sabihin na nating, pinupuna namin palagi. He-he! Hindi rin kami namamansin ng ganoon. Naalala ko, one time, nagtanong sila sa akin sa canteen at hindi ako nakaimik kasi sobrang natakot ako. When the truth is, mababait naman sila.

Na-realize ko, paano kung ako naman ang nagpunta sa ibang bansa? Kunwari, naging exchange student ako o doon ako nagtrabaho. Baka maging ganoon din ako. No friends tapos palagi na lang pinagtitinginan ng mga tao o di kaya pinagtatawanan kasi kakaiba. So kahapon at ngayon, palagi ko ng sinasaway iyong friends ko na, "O, `wag na tayong ganyan, ha". Tapos ngumingiti-ngiti na rin ako sa kanila.

Buti na lang talaga, nakasama kami sa seminar na iyon. Free food na, na-inspire pa ako sa message ng seminar, and well, na-cute-an rin ako sa speaker. So Thank You Mr. Kurt Paolo Sevilla na siyang nagpaliwanag ng lahat kaya nalinawan ako tungkol dito. :)


xx
Cady

No comments:

Post a Comment