Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Wednesday, May 25, 2011

I did it! Hurray! :D

Dora, dora, dora the explorer! LOL.

That's not it. I did it talaga. And I'm so glad. I never expected this. I never really. Kasi hindi ako nag-aaral. ^__^

Well, nag-aral ako. A little little bit lang. At kasalanan un ng FALLEN. Paano ba naman, katabi ko rin sa kama. Kaya ayon, at least na accounting book ang mabasa ko, ung FALLEN ang nabasa ko. Cam kilig mode. LOL

Anyway, I'm so glad that I passed the qualifying exam. Yes. Nakapasa po ang dakilang tamad! And I'm so glad about that. Ang status ko nga sa FB kanina: 




Kapag pumasa ako sa qualifying exam, bibili ako ng fries. Kapag hindi, sundae na lang. :P

And I did it. Makakabili ako ng fries!! HAHAHA. Hindi na sundae lang. Pagkatapos kong mag-enroll bukas, magse-celebrate talaga ako. Hahaha. kahit ako lang mag-isa. Masaya ako eh. And plus the added fact na may makakasama na ako sa workshop sa PHR! Opo!! And I'm so so so so so happy about that. Thank you Lord, I love you so much. :))

Magkwento nga pala ako ng ilang bahagi ng aking quali exam. Ang aking mga paghihirap at katangahan. :P

1st day: Sumakay ako ng jeep. (aba, siyempre) haha. tapos nakasabay ko si Ate Cherry. Nagtanong-tanong ako. Sabi naman niya, puro multiple choice lang daw. And I'm glad. Ganoon nga. Iyon nga lang, 200 items pala. For 2 hours. Takte. Akala ko3 hours na 100 items lang. Walanjok na yan. Pwede ngang mag-calcu ng time na un pero takte! Halos wala rin kwenta ung calcu! Parang ewan lang ako. LOLOLOL. And nagmadali na ako sa true or false. Iyon kasi ang pinakahuli kong sinagutan. Wala kasi akong maisagot eh. :P

2nd day: Ay ito, ang natakot ako. Paano ba naman, may work-SHIT! Kahit na iyon ay 6 columns lang. Nagtaka nga ako eh. Wala naman kasi kaming ginagamit na work-SHIT sa 2nd sem. Iyon pala, pag gagawin kami ng shareholders equity chuva. Ang loka ko pa. Ang tinandaan ko pa naman ay ung about doon sa mga cumulative participating at saka dun sa liquidation ecklavoo. Un pala di ginamit. Pak-sit! HAHAHA. Pero ayos lang ung multiple choice. Medyo nadalian ako? Weh? Yabang?!!! HAHA. Hindi naman.. Nahirapan ako doon sa problem. Dahil mali ang napag-aralan ko na slight. :P Hooh. Ang saya ko nang natapos na. Super. As in. Pero iyon naman. nasira ang shoes ko nung papunta na kami SM. Buti na lang ndi ako poorita that time. May pera ako. And yep! Bumili ako torment na kahapon ko lang natapos kasi medyo na-bored ako sa kwento ng torment kaysa sa fallen. Nag-happy-happy kami sa SM pagkatapos ng quali!! :D


Pero masaya talaga ako na nakapasa ako. Ang bait-bait sa akin ni Lord. Tapos nakakita pa ako ng makakasama ko sa workshop this coming sunday. kasamahan ko sa IS. And ang saya ko kasi ihahatid daw ako ni kuya. 80% na ang chance ko na makasama.

Thank you Lord. Ang bait-bait mo po sa akin. Sana magtuloy na ito.. Sana matupad na talaga. :))


Ang ebidensya nga pala na ako talaga'y nakapasa. 2010-10387 ang student no. ko. :))


Tuesday, May 24, 2011

Torment.

Well, I'm getting addicted na talaga sa fallen novels. Na kahit muntik nang maubos ang money ko when I went to SM last thursday, after quali, ayos lang. 20 na lang yata natira sa akin noon nang maka-uwi ako pero worth it naman. Kahit BITIN naman iyong book.

I'm so excited na talaga for PASSION. Sana masagot na talaga lahat ng katanungan ko.Kasi naman, akala ko, masasagot na doon sa torment. Di pa pala. Tsk. But love the book. kahit nalandian ako kay Lucinda Price, ayos lang. Sasaluhin ko naman si Daniel sa kanya tapos ipapakain ko si Miles sa kanya. Wa-ha-ha.

Wait, baka magselos si Cam my love. Haha. Mas love ko po kasi si Cam. I like his eyes and hair. Kahit nagi-is-smoke siya. xD

So I'm looking forward for passion. Sa palagay ko naman, masasagot na lahat ng aking katanungan!! Sa wakas!! Nakita ko kasi ung exclusive chapters from FB page. And iiiiiiiiiiiihhhhh! May Daniel's diary and upcoming pa `yong What happened to trevor. Actually, yan din ay matagal na sa aking katanungan. Ano nga ba talaga ang nangyari kay Trevor?

Well, ang nasa isip ko, sa pagkakatanda ko, may sinabi si Luce that when she kissed trevor, something happened. That's in the torment book, ha. Well. Basta un ang pagkakaintindi ko. And you know what? My feeling ako na si Luce ay evil. Kaya hindi sila nagkakasundo ni Daniel. I'm so mean. But that's also what Gabbe had said in Swords and Cross in the 1st book. That Luce, for Lucifer.

Naku!! Pero okay lang. Ganyan naman talaga ang story. Miss Lauren Kate, kung nakakaintindi ka man ng tagalog, FAN mo na ako!! Mwah. I love you na po. Pero mas Love ko si Cameron Briel. Sana ako na lang ang partner niya. ^__^


Patunay nga pala na naadik na ako sa Fallen novels. :))

Ang adik at ambisyosa kay Cameron Briel,
Azec Chase.♥

AKO NA LANG, CAM! AKO NA LANG!!!! haha.
 (PS DAW:)

Saturday, May 21, 2011

Si Azec, Bitter? :S

So I pray, this time. I could be the man that she deserves. Cause I die, a little each time. When she cries..

Now playing that song when I started to write this blog. Sana may ganyan ding lalaki sa mundo. Haay. Na ayaw niyang umiyak ung isang babae dahil sa kanya. Ayaw niyang masaktan ung babae..

I always dream of a fairytale. Of a happy ending. Kaya nga ako mahilig sa pocketbook eh. I love it when there are happy endings. I love romance. I love the word "LOVE" but I think, "LOVE" doesn't love me.

I had a crush when I was in 1st year high school. The very first time I saw him, crush ko na siya. Parang love at first sight kumbaga. Don't know why. He's so cute para sa akin kahit sabi ng iba hindi naman.

Then, akala ko wala na iyon. Nakita ko lang kasi siyang dumaan. And then, nagsimula akong lumandi ng 2nd yr. Doon ko siya madalas nakita. Tapos ewan, crush na crush ko na siya. As in!! Ewan ko ba. Then happy naman ako na kahit papaano, nagkaroon kami ng communication. Then you know, nagka-in-love-an? Hmmm. Ewan. Ako lang yata ang na-in love.

OKAY! BITTER!!

I hate him.. But then, I think I still love him. Hanggang ngayon, I can't forget him. Lagi na lang siya. Siya! And I hate it. Kapag nakikita ko siya, lagi na lang akong natutuwa. Even after all the pain that he had done to me, parang siya pa din sa huli. Martir na kung martir. Pero pinipigilan ko. Even if he had tried na makipagbalikan sa akin, hindi ko pinansin. I don't want to be with him anymore, that's what my mind said. But in my heart, I want him to be back again. I love him. I don't know why I still love him. Pero mas pinili ko ang isip ko. Dahil kung puso ko ang papairalin ko, masasaktan lang muli ako. Even if he promised me na hindi na daw niya ako sasaktan katulad ng dati, hindi ko siya in-accept kahit na gusto ko. Nasaktan din kasi ako masyado.

The 2nd heartbreak is so bad. I almost cry in a computer shop while hearing our themesong. Nakakahiya! At sa jeep noon, habang ka-text ko siya. Magbi-birthday pa naman ako nun. And then, my birthday is so bloody because heartbroken ako.

Third party. Iyan ang nangyari sa amin. Kung bakit ba naman kasi ang daming talandi sa mundo. Alam ng may  girlfriend na, nagpaligaw pa! Hmmm. Don't want to mention names. But I can't help it. I hate that girl. But now, not anymore. Siguro dahil ewan. nagkasundo din kami noong girl na iyon eh.

Ang daming nangyari sa aking masama sa akin because of him and I don't want to mention it here anymore. Sobra kasing nakakahiya. Dahil sa tangang pag-ibig ko sa ANGHEL na un, para akong nawala sa sarili ko. Then I realized that loving him is the sweetest mistake that I ever did.

And yes, he was named an ANGEL. Sa mga nagbabasa ng nobela ko, nasabi ko na rin pala dito sa blog na ito, na madalas akong gumamit ng ANGEL names sa nobela ko. Coincidence? Maybe. Gabriel, Michael, Rafael, Angel, Sealtiel and also Uriel from my very first novel. (nasa FS blog ko siya) lahat sila mga anghel di ba? And maybe its because of him. Siya na lang ang dahilan. And I hate it. I hate myself for loving him. UNTIL now.

Gusto ko rin sa kanya isisi kung bakit ako ganito. Marami ang nagsasabi sa akin na nakakainis daw ang bida kong lalaki. Hindi daw sila nakakaawa. And I want to blame him. Siguro siya ung dahilan kung bakit ang sasama ng mga bida kong boys. Minsan lang ako gumawa ng nobela na hindi masama ang boy. May comment pa nga sa akin na sabi ay hindi pang-"HERO" material ang boy character ko.

Pero sa huli, bakit ko siya sisihin? Ako ang patuloy na nagmamahal. Ang patuloy na umaasa.

Ang bitter ko. Pwe! Pero hindi ako nakakain ng ampalaya. Dala lang ito ng nabasa kong isang nobela. Saka ung nakita ko kanina.

Yes, I viewed his profile. And Shocks! May bago siyang GF. Wallpost nang wallpost. Nagsabihan pa sila ng "I love you" sa comment.

Ang ewan ko. Bitter pa rin ako hanggang ngayon. Its almost 4 years! Lampas na nga yata. Badtrip! Bakit ba ako ganito? Bakit ba ako patuloy na nasasaktan pa rin hanggang ngayon sa `yo, ANGELO?

Ang bitter,
Azec Chase.♥

Friday, May 20, 2011

My best friend's sister, DONE!

Yep! Sa wakas! Natapos ko din ang nobela kong ito. Ang tagal-tagal ko ng ginagawa ito. February pa yata. Basta ginawa ko na ito bago pa ako maging writer sa internetserye. And I'm so proud na ang pinakamahirap at pinakatorpe kong bida, nagawa ko na!! Yehey.

Ewan ko ba kung bakit ako nahirapan dito. Kasi siguro, na-bored ako? Ha-ha. Well, di naman masyado. I love Rafael Saavedra. He's cute and so torpe! Wahahaha. (naku, baka magselos si Conrad ko) Si Conrad kasi ang pinakalove ko eh. ^__^

So for a sneak peek, ito ang prologue niya: Happy Reading :D


PROLOGUE

“YOU adore my sister, am I right, Rafael?”
Natigilan si Rafael sa pag-aayos ng mga prutas na dinala niya para kay Greg nang marinig ang sinabi nito. Umupo siya sa silya malapit sa hospital bed nito. Mabuti na lang talaga at walang tao sa hospital suite nito kundi siya lang kaya siya lang din ang nakarinig ng mga binitawan nitong salita.
“What are you talking about, bro?” Si Greg ang best buddy niya sa buong tala ng buhay niya. Wala ng iba pang taong nakalapit sa kanya ng ganoon bukod sa pamilya niya kundi si Greg lang. Ito ang bestfriend niya simula ng nag-highschool pa lang siya. Karamay niya sa lahat ng bagay. Halos kapatid na at kapamilya ang turing niya kay Greg.
“And you love her, don’t you?”
“Bro, ano bang pinagsasabi mo?”
“I know you love my sister. You just keep it to yourself. By the way you look into her eyes; I know you are in love with her,”
He looked at him amusingly. “Hindi ko alam na corny ka pala,”
Tatawa-tawa uli itong nagsalita. “But don’t worry, I will not get mad. Ayos lang sa akin na may gusto ka kay Nia. My sister is pretty, isn’t she? `Tapos parehas pa kayong magaling sumayaw. Hindi na ako magtataka kung magkagusto ka sa kanya.”
Sumeryoso siya ng anyo habang nakatitig sa mga mahihinang mata nito. “How did you know all about this?”
“You are my bestfriend, Raf. Hindi mo maitatanggi iyan sa akin. But I’m glad you are in love with her. At least, I am sure that my sister will be in good hands when I left her,”
Hinampas niya ito ng mahina sa balikat. “Huwag ka ngang magsalita ng ganyan. Matagal ka pang mabubuhay!”
Ngumiti ito ng mapait. “I knew I will not last long. Mahina na ako. Nararamdaman ko na malapit na akong kuhanin ni Lord, kaya naman Rafael, pinagbibilin ko sa iyo si Nia. She’s my only sister and I love her so much. Ayaw ko siyang masaktan. Gusto ko poprotektahan ko siya lagi pero alam kong hindi ko na magagawa iyon. Malapit na akong mamatay at ikaw, ikaw na bestfriend ko ang tanging pagbibilinan ko sa kanya,”
“Greg naman. Ang kulit mo eh, sabi ng huwag kang magsalita ng ganyan. Life is full of miracles. Don’t lose hope! God will always be there for us!” pilit niyang pinapalakas ang loob niya sa sinabi. Nararamdaman na din niya ang sinasabi nito pero ayaw niyang mag isip ng negative things.
“Sana nga pare, sana nga. I know someday I will leave you and my family. I wanna be sure of for my sister. Will you take care of her when I’m gone? Will you promise me that you will not hurt her? Will you promise me that you will love her forever?”
“Greg..”
“Just promise me this, Rafael and I’ll be very happy to leave you. Hindi na ako mag aalala pa kapag ipinangako mo ito sa akin,”
“Okay bro, I promise you.” Sabi niya saka nginitian ito. Ngumiti din ito ng malawak. Simula ng maospital ito one month ago, ngayon na lang niya ito muling ngumiti ng ganoon. He knew he will leave him soon and he doesn’t want to disappoint him. Malala na ang cancer of the brain ni Greg at sabi ng doctor ay kaunting panahon na lang ang itatagal nito sa mundo. Ayaw niya itong masaktan at gusto niyang maging masaya ito.
“Thanks Raf, I’m holding on to what you said.” Sabi nito saka tinapik pa ang mga balikat niya.

Hihi. Magulo ang istorya na ito. Pero sana magustuhan din ito ng mga readers. :))

Ang ngayon na lang muli nag-blog,
Azec Chase.♥

Sunday, May 15, 2011

fallen is ♥

Fallen, a book of lauren kate. My own review.

Well, noong una, ang dami kong nabasa na, hindi daw kagandahan ang FALLEN. Nagbasa kasi ako ng mga reviews, madami nagsasabi, pangit daw.

Hindi ako naniwala. Sabi kasi, nakaka-attract lang daw ung cover. Oo, un ang unang na-attract talaga ako. Ayos nga ung fallen eh, actually akala ko vampire story siya. Hindi pala. Hi-hi.

Hindi naman ako fan ng vampires. May nabasa lang akong novel about vampires kaya ako nagkainteres.

Anyway, balik review. I like Cam and Daniel. And I think I'm in love with Cam. hihi. malandi ako, sensya na. I love his green eyes. Kahit mejo may pagka-antagonist ang bida ni Cam ko, love ko pa rin siya. ^__^

Kay Daniel naman gray. Pero like ko din siya. wahaha. kaso blonde siya eh. parang ayaw ko ata ng ganoon.

I like Luce. Lalo na nung sinabi niya na, "You're an angel. I'm in love with an angel." --parang parehas kami. I'm also in love with an angel.. Okay, end of the topic about that na.

Medyo nakaka-obsess ung kwento. Este engross pala kasi sa dulo pa malalaman kung ano ba talaga si Daniel. Medyo naiisip ko na din na ganoon siya. pero hindi ko naisip na palagi nabubuhay muli si Luce after seventeen yrs. Yiee. I love that part. Nagulat ako eh.

Medyo hindi convincing masyado ung story. parang maraming kulang, magulo pa. Pero okay lang, may susunod pa kasi eh. Doon siguro sasabihin ni author ung mga kulang.

I'm looking forward for torment and passion. Wag lang sana hardbound. Wala po akong money. Poorita lang ang bata.

Ang nagsulat ng walang kwentang review na ito,
Azec Chase.♥

Tuesday, May 10, 2011

The 17 wishes.

Una kong pinost ang 17 wishes for my 17th birthday sa note ko sa FB. Alam kong ang iba doon, may pagka-ambisyosa. Eh ambisyosa ako, eh? Pake? Wahahaha.

Maraming material things akong nilagay doon. Napansin ko lang, hindi ko na nilagay ung wish ko noon tuwing sasapit ang birthday ko. Ayaw naman kasi yatang matupad eh. Ang simple lang noon. Panaginip lang `yon. Haay, pero okay na din. I know God had his own reasons kaya ayaw niyang ibigay iyon sa akin.

Actually, lagi akong gumagawa ng ganyan eh. Iyong last ata, isa lang ang natupad. I'm glad ung ngayon, may 2 na. hehehe.

Anyway, extended naman itong 17 wishes ko hanggang mag-18 ako eh. And I really hope na sana makuha ko ung wish 8 saka wish 9. Iyon talaga ang pinakaasam ko. I already got wish 1 and wish 3 and I'm so happy about it. Thank you lord for giving me that.

I want to share again my 17 wishes. Post ko din siya dito:


1. Nokia c6 or Samsung Corby pro :)) kung mas sosyal ka, blackberry or IPHONE4 na lang!!!
2. A new Laptop
3. Grades not lower than 2.5 especially in Math and Accounting + management na pala. :P
4. Complete series of Percy Jackson + The lost hero + The red pyramid book!!
5. a date with Guji Lorenzana
6. To see -------everyday :))))))))
7. To see Miss Heart, belle and Dream Grace in personal and have their autographs. :))
8. Have my manuscript publish ^__^
9. Good health to me and my family
10. A dinner at Big30
11. EK with troopers :))
12. Chocolate Heaven (red ribbon) yum yum
13.  new bag.
14. a cat
15. a DVD of the lightning thief
16. To be a cast of the movie "sea of monsters" 
17. Lastly, kung sino man ang bumasa nito ay tuparin niya sana kahit isang hiling ko lang dito. :)

May kopya din ito sa FB ko na una ko ngang pinaglagyan nito. Sana lang talaga matupad. Lalo na iyong wish 8. I'm so desperate. Kung nababasa niyo ung mga blog ko dati, malalaman niyo kung gaano ako ka-desperate di ba? Haay. But I'm worried. Makakaya ko kaya?

SANA. 

Ang desperada at ambisyosang blogger,
Azec Chase.♥

Monday, May 9, 2011

Angel in disguise. Teaser.

How do you heal a broken heart? Mag inom? Mag pa-counsel? Forgiveness? O maghanap ng babaeng ipapalit sa nasira mong puso? Well, ang first choice ang pinakaunang pinili ni Chad. Ang pangalawa ay hindi at ang pangatlo ay pinipilit niyang gawin. Pero hindi ang pang-apat. He doesn’t want to be in a rebound relationship pero iyon ang nangyari. His manipulator father arranged him to some sort of a slut highschool batchmate named Angel Montes. The Angel who happened to have a horn and a tail. Malayong malayo ito sa babaeng gusto niya dahil may pagkaplay girl image ito at nakita niya ito noon na may ginagawang ‘naughty’ with his playboy boyfriend way back in highschool. In short, he hated her type. Pero kailangan niyang pakasalan ito dahil sa utos ng kanyang ama. Aalisan daw siya nito ng mana kung hindi niya papakasalan ang dalaga. So he had no choice. He needed to marry Angel to have his inheritance. Iyon nga lang, hindi palang sila nagpapakasal ay na-eexperience na niya ang pakiramdam na ‘HELL’ sa piling ng anghel nito. Paano pa kaya kung sakaling kasal na sila? Would he experience heaven even if she was named Angel?

Friday, May 6, 2011

Mission failed.


Kahapon pa po ganito si Azec Chase. Kagabi, I said to myself, I'll write until chapter 5. Pero hindi! Hindi ko nagawa. Bakit ba kasi palagi akong inaantok ngayon? And I think ang bilis kong mapagod at manakit ang mata sa computer? Saka naman kasi pilit akong pinapagala. 1 week na akong gumagala! Jeez.

And yeah, nahihirapan po ako. Itong kwento ni Rodney Snoopy na may temporary title na 'Snoopy's Itch' ang currently writing ko. I said to myself this morning, you should write until chapter 8. Pero leech! Hanggang chapter 6 lang ako. wala pang kalahati. At ang target chap nito ay 11-12 chapters. I need to think more scenes. May mga naisip na naman ako eh, iyon nga lang, mwawala na naman ako sa weekend. Uuwi kasi ako sa mga lola ko. Next week ko pa matatapos ito. Arrggh. At nextweek dapat nag-aaral na ako kasi qualifying exam na namin.

Kung bakit ba naman kasi dahil sa BORING book na iyon. Nakatulog tuloy muli ako at nagising ng 11, Tapos binasa ko muli noong hapon, nakatulog na naman ako. Haay. Naku kaya ngayon, naisip ko sya, inaantok na naman ako. Tsk. Mission failed talaga.
Ang palpak na writer, 
Azec Chase.♥

Thursday, May 5, 2011

Book shopping week.


Bata pa lang ako, mahilig na ako sa libro. At ano ba ang hilig ng mga bata noon? Edi siyempre, fairy tales. I remember may isa yata akong set ng puro fairy tales na book, ang cute nga ng lalagyanan niya eh. Ewan ko lang kung saan iyon hinagilap ng tatay ko basta ang alam ko, ang pinakafavorite ko sa lahat ng iyon ay The princess and the pea. Bakit? Hindi iyon dahil 'princess' ang pangalan ko, iyon ay dahil sa madaming mattress. Hahaha. Natutuwa ako doon sa mattress na pagkakadami. Kaya naman sa pet society ko, ung kwarto ko doon, ganoon ang kama. ^__^

Anyway, mahilig nga ako sa libro. (Unli ako) well... minsan, may mga ayaw din ako. I'm a pocketbook lover din actually pero mapapagbasa mo din ako ng english novels. I remember first time kong nakapagbasa ng mahaba ay ung Journey at the center of the earth by Jules Verne. Si Kuya kasi, inumpluwensyahan ako. Siya po ang nagsabi sa akin na basahin ko daw un. Dinukot niya yata un sa school lib namin. Wahahaha. Well, nabasa ko naman siya. And infairness, maganda siya. :D

Well, kaya ko na-blog ito ay dahil first time kong bumili ng mamahaling book na hindi sale. Ay, sale din pala. 20% off pero hindi na siya sa book sale! I'm so happy. Gusto ko talagang makabili ng sariling book at ndi E-book na lang. Kaya naman dahil hanggang ngayon na lang daw ang sale, 2 ang nabili ko. Noong una nga, may pinagpipilian pa ako eh. The falling angel ata un title.. Tapos hawak ko din ung The hollow na trip ko bilhin. Then lumapit sa akin si Mommy and said: Iyan pareho ang bibilhin mo? Nagulat ako. Kasi si Mommy ay pinakapopular na kuripot sa mundo. Kaya nagtaka ako, sabi ko, "bakit kaya mo?" tapos sabi niya. "Ibabawas ko sa pera mo," ahhh... kaya naman pala. Haha. Not that bad, pero namahalan ako kaya isa na lang muna. Tapos nalaman ko, sale pala! Wahaha. I chose The Hollow by Jessica Verday. Sana lang maganda.

Bumili din ako ng pocketbook, 4. Haha. KAwawa naman ung PHR gold card ko, pinagtatawanan na ako ni Kuya Jay, ung nagtitinda sa Precious Pages kasi dahil doon. Sorry naman. Hanggang may 11 na lang kasi un at lukot to the max na. hehe.

Then hindi ako nakontento kasi last day na ng sale and I have a lots of money this may. Bumalik ako sa NBS. I bought fallen by Lauren Kate. Matagal ko na talagang nais basahin ito, katanuyan ay may E-book na ako sa cp ko pero dahil parang ewan ang aking nadownload, di ko na binasa.

Actually, ang nais ko pala talagang bilhin ay ang the throne of fire pero dahil LIBLIB yata ang SM calamba, wala pa siya. Sayang.

Last tuesday, namili din ako ng books. 2 phr pocketbook at 2 kilig republic. At ung 2 kilig republic palang ang nababasa ko.

Ay oo nga pala, bumili din ako ng bago ni Bob Ong. Iyong ang mga kaibigan ni Mama susan. Overall, I had 11 books bought this week! And yie. 1k ata mahigit nagastos ko. Tsk. Hanggang kailan ko kaya ito babasahin if I still have a goal of 10 novels this vacation?



Wednesday, May 4, 2011

My day. 05-04-11

Okay, I think it's past one again. Bakit ang hilig kong mag-blog ng ganitong oras? And hindi na po May 4 ngayon. May 5 na. Nakatapos na naman ako ng isang araw.

Ang dami ko yatang nagawa ngayon. I started my day--este my mornight at this blog again. Iyong post ko kay Papa Raffy but unfortunately, hindi ko natuloy si Papa Raffy, may iba akong tinipa and I think I'm enjoying this too, like Red's story. ^__^

Nagkita na naman ako ng ilang HS barkada ko. Dapat pupunta talaga kami sa lamay noong tatay nung classmate ko, pero dahil late ako ng isang oras at late din iyong isa naming kasama nang isang oras, hindi na kami natuloy. Natuloy na lang kami sa waltermart tanauan para mag-mcdo.

Nagpunta din kami sa bahay ng bestfriend ko pero wala naman siya. Then nagpunta sa bahay ng isa ko pang classmate pero pinaghintay naman kami ng isang oras sa labas dahil wala siya sa bahay nila. Share ko isang pic namin:


Masaya ang lakad namin kahit kakaunti lang kami. Hehehe. kahapon din pala gumora din ako.Lagay din ako pic:


I miss my friends. I miss the fun. And I miss highschool. ♥

At sa dami ng aking ginawa, hindi ko pa natatapos ang the closet I got for you ni Ate mel na binili ko kahapon sa expressions. Pero nakikinita ko na ang magiging dulo. He-he.

Salamat naman po at na-accomplish ko ang goal ko na matapos ang chapter two ni Rodney Snoopy. Sana maging success ang story nila ni Itch. ^__^

At alam mo ba, sa sobrang pagod ko, ang mata ko masakit na sa kakatitig at ang kamay kong masakit pa rin ang braso dahil sa PANG PANG paradise na nilaro namin kahapon, masakit na rin ang kamay sa kakatipa. Okay, I'll finish na so I can sleep na. Pero tatapusin ko muna itong aking blog ng isa sa mga quotes na na-reblog ko sa tumblr and na-tweet ko twitter account ko:


I desire the things that will destroy me in the end.

ang nagmamahal niyong sleepy princess,
Azec Chase.♥

Tuesday, May 3, 2011

being the trying hard writer.

Bakit kaya sinisipag akong mag-blog? Hmmm. Kasi bakasyon eh. Wala akong friends. Wala akong masabihan ng aking mga hinaing sa buhay ngayon.

Well.. isang linggo yata akong nawala sa mood sa pagsusulat, alam niyo ba `yon? That's hard for me, eh. May goal kasi ako ngayong bakasyon. I need to write 10 novels. But then, wala ng dalawang buwan at matatapos na ang aking bakasyon at 2 pa lamang ang nasusulat ko! I still have 8 more to go finish.

May mga on-going ako. Nangangalahati na ako pareho sa kwento nila Rafael and Conrad but then, hindi ko pa natatapos eh. Saka tinatamad akong gawin. Alam niyo ba iyon? Kung kailan naman ako sinipag mag-blog, kung kailan ako tinapad mag-tipa ng nobela. Anoooooooooo baaaaaaaaaaaa yaaaaaaaaaaaaaan? o.O


Ikukwento ko pala muna ang mga nagawa ko ng nobela. Dalawa pa lamang iyon. Bigay akong teaser:

BREAKING ALL THE RULES FOR LOVE



CARINA needs a lot of money… and a boyfriend. Reid needs a presentable girlfriend so his parents will not disinherit him.
So he made up a plan with Carina even if she’s a total stranger. They were going to have a charade. A marriage charade para ma-satisfy ang needs ng isa’t isa.
But like on a game, they have rules. Ngunit katulad din ng isang laro, hindi lahat ng rules ay nasusunod. Wala pa nga sila sa mismong laro nila ay naka-break na sila ng isa. Paano pa kaya ang mga susunod na rules? Kaya ba niyang panindigan ang rules na ginawa niya kung sa isang simpleng ngiti lang ay nasisira na ang rule number four kung na nagsasaaad na hindi siya pwedeng ma-inlove dito?

So far, hindi ako na-satisfied sa kwento ni Carina. Ito yata ang pinaka-madramang kwento na nagawa ko. Hindi ko ito pinasa sa PHR kasi tinatamad ako. Feeling ko, ma-re-reject. Ayaw ko munang makatanggap ng rejections at masyado akong naiiyak sa istorya nito. Ito ang pinaka-una kong natapos na nobela ngayong bakasyon. Nakakaawa ang bida dito. Nakakaawa din si Reid my love, naiiyak ako sa ginawa sa kanya ni Carina.

Ito naman pala ang pangalawa:
A DWARF FOR A BEAST

Sa isang hindi kaaya-ayang tagpo nagtapos ang unang pagkikita nila Red at Lyka. He’s a beast, monster and a brute. Pero sa isang hindi kaaya-ayang pangyayari din ang naganap kaya kailangan ni Lyka na tumira sa iisang bubong kasama ang lalaki. Magiging alipin siya nito within 2 months.
She knew that will be a total murder. Lalo na nang sabihin nito na kailangan siya nito bilang isang pretend girlfriend. Ayaw man niyang gawin iyon ay kailangan dahil bawal siyang sumuway sa utos nito.
Dapat na magalit siya dito dahil palagi siya nitong kinukutya ngunit bakit kinalaunan ay namamalayan na lang niyang pinagpapantasyahan na niya ang six-pack abs nito?

Sa lahat ng nobela na nagawa ko, ito ang pinaka-favorite, nakakatawa at nag-enjoy ako. Feel na feel ko ang personality ng bidang girl. Hahaha. Parang ako lang kasi siya. Sana swertehin talaga ako kay Ginoong Pula dahil ayon sa fortune teller na si Mystic Meg sa facebook, the color Red will give me fortune. Sana lang talaga, hindi siya the fake. Pero sa totoo lang, gusto kong maniwala kay Mystic Meg eh. Kasi madalas, nagkakatotoo nga iyong hula niya, slight. Naalala ko, iyong prediction niya noon sa akin: You will soon find love with a man with the J letter. Hindi ko naman siya actually naging love si 'J' at hindi ko rin crush. Nakasabay ko lang siya. Haha. Anooooooooooo naaaaaaaaaa naaaaaaaaaaaaman?

Nonsense na naman ito, oh. Pero actually, funny talaga itong story na ito. Pinasa ko na siya sa PHR last week at kapag hindi ito pumasa, ilalagay ko ito sa internet serye. Ay naku, mahal na mahal ko ang story na ito at gusto ko siyang i-share sa mundo! :D

Pero sana talaga, makapasa. I need money you know. and I'm a desperate, trying hard romance writer.

Pero kailangan ko pa ng maraming story. So far this week, ang pnkamahaba ko pang nagawa ay naka-abot ng chapter one at ito nga ang naging dahilan kaya ako nag-blog. medyo funny din ang bidang si Rodney Snoopy at si Kate Itch. Hahaha.

Anyway, ang daldal ko na naman, `no? Sana lang talaga ma-accomplish ko ang goal ko. Marami akong naka-tengga ngayon. Kasama na din ang story na ito na hindi pa ako umaabot sa chapter two, may teaser na agad. Pero wala pang title. Share ko ulit:

Kung kabaduyan, tatanga tanga at freak na barkada ang hanap mo, welcome kang sumali sa barkada ni Cora. Ang barkada nila ang pinakapinagtatawanang barkada sa buong University nila. Paano ba naman kasi, kung titignan ang mga itsura nila ay kulang na lang ay isama na nila si Lola Basyang dahil mukhang taon pa nito sila pinanganak kung magdamit. Baduy, manang at katawa tawa silang manamit, magsalita at kumilos.
Pero hindi hadlang ang mga iyon para umibig si Cora, na siyang team leader ng barkadang 'baduy' kung tawagin sa isang pinagkakaguluhang lalaki. Si Jonard na siyang team captain ng basketball team ang kanyang kauna-unahang crush. At kahit ganoon ang kanyang itsura, pinilit niyang magpaganda at umaktong bagay para kay Jonard. Gumawa siya ng mga bagay upang mapansin at makilala nito.
Ngunit sapat ba ang mga ginawa niyang pagbabago sa sarili upang mabaling din ang atensyon nito sa kanya?

Funny din ang story na ito. Sana magustuhan nila. At matapos ko din. Hahaha..
Ay siya, humahaba na naman ang aking post. Baboo muna.

Ang nagmamahal na trying hard writer,
Azec Chase.♥

Ang pag-usad ni Rafael.

Ano'ng oras na kaya? I think it's past one na. Wala kasi akong cellphone sa tabi ko eh. Sira din naman ang PC clock namin.
Well, sa wakas, umusad na rin si Hyun Bin--este Rafael pala.


My 3rd Candy boy.. Ang gwapo gwapo niya `no? Haha. Pero ito na sa kanila ang pinakahirap akong gawin. Palagi na lang akong nawawalan ng idea sa `yo. Kaya naman ang iyong taga-sulat, napapagod na. Ang tagal mo bago matapos.

Matagal ko ng naumpisahan ang story mo, boyfriend--este Raf.. And ikaw na ang pinakamatagal kong naka-tengga. Bakit kasi wala akong maisip sa `yo? Hahaha. Cute naman ang love team niyo ni Nia, ah?

But then, buti na lang may sumaging eksena sa isip ko kanina habang nagbabasa ako ng ika-pitong BF ni Kuya Roje. Opo, iyong sa Kilig republic. Kakabili ko lang kasi kanina sa Walter. Buti na lang meron. Hehehe. Anyway, nawala na naman ako sa topic., pasensya na. Okay, game.

And hey.. inaantok na ako. Kaya ngayon, isang eksena lang ang umusad sa kanya. At ang torpeng ito! Hinalikan si Nia sa eksena! Wahaha.. Iisip pa ako ng susunod. Sa ngayon, tutulog muna ako. May lakaders na naman ako bukas with my HS friends eh. Ciao for now. ♥

Ang nagmamahal na GF ni Hyun Bin, este Rafael-- este taga-sulat mo lang pala,
Azec Chase.♥

Buhay BSA.

Signing in na naman si Azec Chase.♥

Well. dahil wala akong magawa at naghihintay lang akong mag 3:30 dahil may lakad kami ng mga HS friends ko, nag-browse na lamang ako ng mga pictures. And as I browse, biglang na-miss ko ang BSA family ko.

Yay! Mahal ko ang BSA. Kahit na ba pinahihirapan ako ng course na ito, mahal ko ang mga prof at friends ko. Yie.. Meron palang prof na hindi ko mahal. Don't mention na lang baka kasuhan pa ako ng slander. Ano daw? Wahahaha.

At oo, ang tamad ninyong BLOGGER ay kumuha ng pamatay na kurso. BACHELOR OF SCIENCE IN ACCOUNTANCY. Gulat ka `no? Hahaha. Tamad po ako. As in, bihira lang akong mag-aral kaya naman nang mapasok ako sa course na ito, Gosh. Na-culture shock ako. Ako yata ang pinakatamad dito at pinakamababa ang grades. And hell! Hindi ako magaling sa Math. Kaya naman feel na feel ko ang pagkaboba ko lalo na kapag subject na ng algebra. Oh, I really really hate that subject. Lahat pa naman ng classmates ko, matatalino pagdating doon.

Kaya naman nang makapasok yata ako sa GYM dahil PE ang unang subject namin noong 1st sem, nanliliit ako. Maliit na nga ako, nanliit lalo ako. Nakakarinig ako, nagtatanungan sila, ano'ng average mo? 90 daw.. whatever bla bla. Samantalang ako, nagtapos ako ng 4th yr na 82 lang ang average ko. Tapos, 3 pa ang line of 7 ko. Lalo pa akong nanliit dahil halos lahat ng classmate ko ay scholar lahat. 5 lang yata kaming hindi out of 39.

Pangalawang subject ko, accounting. Nakakatakot ang prof ko. Mukhang terror at nangangain. Pero sa una lang pala iyon. Joker pala siya pero mahigpit din lalo na sa mga hindi nakakaintindi. Buti na lang medyo may alam ako sa accounting noong 1st sem pero sa totoo lang, mababa pa rin ung grade ko. Hahaha. Well, ganyan talaga. Panira kc daw ng scholarship ang subject na un eh.


Anyway, nagtapos ako ng 1st sem na may isa akong 2.75 and that is ALGEBRA. Kaya naman na-retention ako. Bawal kasi sa amin na bumababa sa 2.5 ang grade kaya ayun, isa na lang daw na mas mababa sa 2.5, alis ka na sa BSA. Pero noong nag-2nd sem ako, umayos naman ang grade ko. I got 1.91 average at 2.25 ang pnkamababa kong grade na nakuha. Not that bad for someone like me na hindi naman interisado sa course ako. Hindi ko nga alam kung bakit ko ito kinuha eh. Siguro naimpluwensayahan lang din. ^__^


But then, sa dami din ng sakit at pagod na naramdaman ko, nakatapos din ako ng 1st yr. And I'm really thanking God for that. Hindi ako makapaniwala na nakatapos ako ng 1st yr. Feeling ko survivor na ako. Nagsimula kasi kami ng 47 at noong 2nd sem, 31 na lang. At I'm proud kasama pa din ako sa 31 na iyon. :D


Magpo-post nga ako ng mga picture ng ilan sa mga paghihirap naming mga BSA. Ito ay iyong gumaawa kami ng SIMPSONS. Ang aming practice set.



Ilan lang ang mga imaheng iyan para i-describe kung paano kami naghirap sa gasolinahan na iyan. Pero nagpapasalamt na din ako kasi hindi na isinama diyan si Club Medica dahil kung sakali, baka todas na ako, first sem pa lang. Hahaha..


Lalagay din pala ako ng ibang pic sa mga naging activities namin.

CBA week. (Ito iyang pinaka-na-enjoy ko)

Ito lahat ng BSA sa lyceum. Ay wala pala po diyan ung 7 or 8 na 4th yr. ^__^


ito take a pic before our seminar.


ito naman po pala ang aming booth.


ito nga pala, naka tiyamba akong maka 3rd place sa JPIA tournament General knowledge.


Ito naman ung group namin, group 5. Nag-over all sa buong JPIA tournament. :D

Being a BSA is hard.. Pero siyempre may mga saya din naman. I love my friends, kung wala sila, hindi ako makakapasa. Alam niyo kung bakit? Dahil wala akong kokopyahan. Joke!

Well.. Magpo-post pa ako ng ibang pics.

Ito nga pala, iyong Economic Symposium namin saka ung dance sa humanities. OMG to the max ang pagka-busy namin dito. Pinagsabay kasi pareho sa isang araw. Buti na lang rest kami kinabukasan. This is first sem nga pala:









Siyempre kailangan din mag-saya. Paminsan-minsan. Sa mga college mates ko, madalas kami nagvi-videoke pagkatapos ng exam or every friday. Noong 2nd sem un. Noong 1st sem di pa kami ganoon ka-close eh. Hehehe. 1:30 awas namin every friday kaya madalas, nasa SM Calamba kami. Kaya iyon, masyado tuloy akong nahumaling sa precious pages sa SM calamba. Lagi tuloy akong nauubusan ng baon. Haha.

Well.. Pero kahit ano pa man ang hirap, masaya din. Kahit madalas, madaming pa-major subjects kami at pahirap na prof, naku, kinakayang i-keri. Lalo na sa accounting na ganid ka na masyado sa seatwork kakabahan ka pa sa susunod na meeting para sa nakakagulantang na boardwork. Ay, iyan ako noong 2nd sem. halos mabali ang leeg ko sa kakayuko para wag lang ako mapansin ng prof ko. Fortunately, 2 or 3 tyms lang ako natawag ng sem na iyon. Hindi kagaya noong 1st sem, halos every discussion yata ay tinatawag ako.


Gusto ko rin pala sana i-share ang aming pic sa aming prof sa accounting, Nabanggit ko na siya dito--slight lang--sa blog na ito. Ito nga po pala ang aking BSA Classmates with our prof, Sir Michael Lirio. ☻


Ito kami noong 1st sem.


ito na kami noong 2nd sem.

Haay. I miss  my BSA family. May family tree nga kami actually eh. And I'm the apo. Hahaha. Ako nga pala si Mara, at ang akin namang kapatid ay si Claud na si Clara. Ang aming ama ay si Daddy Chiquito at ang aming ina ay si Mommy Bi na kapatid nina Tita Nene, Tita Nini at Kuya Tutoy. Haha. Anak sila ni Lola Jose at Lolo Josefa na kapatid naman ni Lolo Paciano, Lucia, Maria at Concha. Actually, ito ang aming family tree para hindi kayo mahirapan.


Masyado na akong madaming nasabi.. Mahaba na masyado ang blog ko. Sana lang talaga, ma-keri ko itong BSA na course ko. At nga pala, may qualifying kami sa May 17 and May 19. Sana bigyan ako ng grasya ng Diyos.
Pero ewan ko ba kung bakit pa ako kukuha noon eh paalis na naman ako. I'm taking Managerial Accounting na lang. (OO, BI ako) don't think I'm gonna make it sa BSA eh. Grabe.

ACCOUNTING MAKES ME LOSE MY SANITY!

kaya goodluck po sa mga susunod na henerasyon. patnubayan sana kayo ng panginoon. ^__^

Ang inyong nagmamahal na BI,
Azec Chase.♥

Monday, May 2, 2011

I'm a Rick Riordan fan.♥

Hello! Azec is here. You there? Haha.

Well.. hindi ko sana nais mag-blog ngayong gabi, but then, nakita ko ang post ng 'Percy Jackson' fan page na ni-like ko sa FB. Bukas na pala ang release ng Kane Chronicles Book 2: Throne of fire.






Ay ito nga pala ung cover ng book. :D

At excited ako. Fan po ako ng author nito. Yes, si Rick Riordan po. Ang author din ng Percy Jackson series and the lost hero. Nabasa ko na din ang kanyang The red pyramid. So far, kahit nakakalito, maganda naman siya. Kahit kaunting romance lang, masaya na ako. I like their adventures. ^__^

First time kong napanood ang Percy Jackson, tuwang tuwa ako. Ang ganda ganda ni Annabeth. Actually, ginamit ko sa aking pen name ang surname niya sa series na iyon. I like her eyes. I like Alexandra Daddario's eyes. I wish I could have them. Inggit much with her. Hahaha.

Well, hindi ko favorite ang the red pyramid, its the least I've liked in Rick Riordan's book. Nanibago kasi ako dahil Egyptian Mythology. I'm not familiar with their names. But then, medyo naging crush ko si Carter Kane. Nade-describe kasi yatang 'tall dark and handsome' siya eh. Mahilig kasi ako sa ganoon. And the book said, he's hot. Well, Sadie's friend says. ^__^

Gusto ko ung romance ni Sadie saka nung jackal man. haha. forget the name eh. Sa e-book ko lang kasi sila nabasa kasi wala akong pidoy pang bili ng mamahling libro na iyon. But then, I have money today. And I'm planning to buy one. Wahaha. Matagal pa naman kasi ang THE SON OF NEPTUNE kaya matagal pa din akong makakapag-ipon sa kanya. Favorite ko kasi ang THE LOST HERO sa lahat. Actually, I'm so damn excited about the next book. I also made a note about that on FB. Sige, ilalagay ko dito ung note ko na iyon.:



the heroes of olympus: My 7 imaginary heroes. (just my instinct)



Because I am so bloody excited for the SON of NEPTUNE, the book 2 of the heroes of Olympus. I decided to have a guess on the 7 heroes on the book.

Of course, we all know that, JASON GRACE, PIPER MCLEAN AND LEO (I'm sorry I forgot the surname but I think it is, Valdez?) are included.. but we don't know who are the 4 missing heroes..

But for me, these are my bet:

ANNABETH CHASE ( I wanna be like her Ãœ)
Maybe PERCY JACKSON (I'm so sorry for Annabeth. I hope u'll find him as soon as possible..)
NICO (the son of Hades. I wonder where he is now)
a son/daughter of ARES AND APOLLO (whoever they are..)

my reasons why I chose them:

Jason is Zeus son, Piper is Aphrodite's daughter, Leo is Hephaestus, Annabeth is Athena's daughter, Percy is Poseidon's son..

So Rick Riordan should chose a powerful God Son/daughter too. I wonder who he is.


But then, I found out that Reyna is Jason's girlfriend I really really hate it. I want Piper for Jason!!! I really love the team.. Hate the Legion Camp! Camp half blood is the best! Go Chiron! Boo for you Mr. Lupa! xD

PS: I miss GROVER. Did he and Jenifer got married?

Ayan, ha? I told you, I'm so obsessed kasi. I like the story talaga at hindi na ako in love kay Percy dahil in love na ako kay Jason Grace kahit may Piper na siya. I could be Piper, you know.. Ay may Reyna nga pala siya?! Gosh.. Torn between three lovers si Jason. (me, piper and reyna.)

Wahahaha. Ang arte ko, `no? Excited na rin pala ako sa SEA of MONSTERS. bakit sabi rumored daw na May din ang labas ng film? Ih. Iyon pa naman sa lahat ng percy series ang favorite ko. I want to see my Imaginary BF on big screen again. ^__^

Sunday, May 1, 2011

My CANDY boys.♥

My candy boys? Taka ba kayo kung sino sila? Hahaha.

They are GABRIEL, CHAD, RAFAEL, CONRAD and ZEKE.


The product of my imagination. Sila ang aking mga lalaki--este mga lalaking bida sa aking kwento. At nagsimula ang kwento nila kay Gabby, the vocalist kung saan naman na-inspire ako sa kanta ng Jonas Brothers na 'When you look me in the eyes'. Actually, I'm not a fan of it. Napakinggan ko lang muli ang kanta sa radio and kaboom! Biglang sumulpot sa utak ko ang character ni Gabby. Hindi ko nga naalala kung sino ang vocalist eh. Nag-google pa ako. Ang pumasok kasi sa isipan ko ay si Nick Jonas, hindi si Joe. Hehehe.

Nais ko sanang ipakilala sa inyo ang aking mga nagagwapuhan, nakaka-aliw, minsan insensitive, minsan nakakainis at madalang magparamdam ng kilig. Sila ang aking Candy boys. At mahal ko sila. ^__^

Note: Ang mga picture na yan ay hindi talaga sila. Kunwari sila na lang. ^__^


GABRIEL MARASIGAN - the vocalist

Ang Mala-Joe Jonas daw na vocalist. Kaya naman ang DP niya, si Joe Jonas din. Tapos na po ang kwento niya, entitled 'One more chance'. Ang ka-love team niya ay ang kanyang ex-gf na si Cady Gonzales, a certified public accountant. o.O. Oo, nakakainggit si Cady, talino, CPA! Hahaha. Gabby is a civil engineer. Mayaman ang pamilyang pinanggalingan niya. Nagkakilala sila ni Cady sa University kung saan pareho silang pumapasok. Ahead siya ng isang taon sa dalaga. He said, para daw 'Eye candy' si Cady which I totally agree. Hahaha. Na-inspire ako sa character ni Cady kay Sophie Dymoke, ang long time GF ng crush na crush kong si Matthew Goode. I-google niyo na lang siya. For me, she's so cute. Like Cady. Gabriel respected Cady. Sweet ang character ni Cady at lagi niyang bine-baby si Gabby kaya naman palagi itong inaasar ng mga kaibigan nito. They said, their relationship is not right for someone like Gabby. Immature daw kasi si Cady and Gabriel is a hot boy na kailangan din ng 'needs'. Nag-break ang dalawa because of Cady's immaturity. Ay tinatamad na akong mag-kwento tungkol sa character nila. Basahin niyo na lang ang teaser:



“Hindi lahat ng sobra nakakatuwa. Hindi lahat ng matamis ay palaging masarap. Minsan nakakasawa din ito.”
Those were the exact words kaya nasira ang relasyon nila Cady at Gabriel. Cady was the sweet girlfriend. Kulang na lang ay pulbuhan nito si Gabriel sa likod para lang alagaan ito ng todo todo. Sa una ay ayos lang naman iyon sa lalaki ngunit ng nagtagal na ay medyo naiinis na siya at sinamahan pa iyon ng pang aalaska sa kanya ng mga kaibigan niya.
Gabriel dumped her sweet baby.
After three years, noon narealize ni Gabriel kung gaano siya katanga para pakawalan ang babae. He never felt contented with the girls that came on her way kagaya ng ginawa sa kanya noon ni Cady. He never felt complete and he got bored sa buhay simula ng nawala si Cady sa kanya.
Kaya naman laking sisi niya ng malaman niyang may bago ng nobyo si Cady, ang kabanda niyang si Chad. Alam niyang mabait si Chad at hindi nito papabayaan ang nobya niya. Pero damn! He was jealous. After all those years na naghiwalay sila ni Cady ay mahal pa rin pala niya ito kaya hindi siya makontento sa ibang babae. He wanted Cady again pero may nagmamay ari na dito.
Ngunit hindi niya alam kung biyaya ba ng langit na kailangang umalis ni Chad para sa isang business trip at iniwan siya nito para kay Cady.
Did God give him a chance to be with her again?


CHADINGTON JOSEPH LIRIO - the drummer.


Gulat ka ba? Hahaha. Si Jun Pyo ang nagre-represent ng character ni Chad! Ang tanga ni Cady para pakawalan siya `no? hahaha. Napili ko si Jun Pyo upang maging DP ni Chad dito dahil parang pareho sila ng ugali. Mainitin ang ulo. ^__^ Well, ganyan talaga. Hahaha. Pero one of my favorite character si Chad. Siya po ay ex-bf ni Cady na kapartner naman ni Gabby. Nagtapos siya ng financial management sa de La salle University at namamahala ng Lirio Group of Companies. Medyo nakakaawa ang role niya. Lalo na sa kwento ni Gabby. But I like him. I love him pala. His story's title is ANGEL IN DISGUISE Ang kapartner niya ay si Angel Montes, batchmate niya noong HS w/c he thought that she's a whore. Inis na inis siya dito. . For him, Angel is a witch. Pero dahil sa manipulador niyang ama, Na-arrange married sila ni Angel. Tapos ko na ang kwento ni Chad pero hindi pa siya nailalabas sa IS. This May pa po ang arangkada ng ating drummer. Ang teaser ng istorya niya.


How do you heal a broken heart? Mag inom? Mag pa-counsel? Forgiveness? O maghanap ng babaeng ipapalit sa nasira mong puso? Well, ang first choice ang pinakaunang pinili ni Chad. Ang pangalawa ay hindi at ang pangatlo ay pinipilit niyang gawin. Pero hindi ang pang-apat. He doesn’t want to be in a rebound relationship pero iyon ang nangyari. His manipulator father arranged him to some sort of a slut highschool batchmate named Angel Montes. The Angel who happened to have a horn and a tail. Malayong malayo ito sa babaeng gusto niya dahil may pagkaplay girl image ito at nakita niya ito noon na may ginagawang ‘naughty’ with his playboy boyfriend way back in highschool. In short, he hated her type. Pero kailangan niyang pakasalan ito dahil sa utos ng kanyang ama. Aalisan daw siya nito ng mana kung hindi niya papakasalan ang dalaga. So he had no choice. He needed to marry Angel to have his inheritance. Iyon nga lang, hindi palang sila nagpapakasal ay na-eexperience na niya ang pakiramdam na ‘HELL’ sa piling ng anghel nito. Paano pa kaya kung sakaling kasal na sila? Would he experience heaven even if she was named Angel?


RAFAEL SAAVEDRA - the co-vocalist/guitarist/keyboardist.



Ayan na! Ito na. Isusulat ko na ang paunang inpormasyon kay Rafael na ayaw magpamahal sa akin. Ang gwapo-gwapo mo pa naman. Hyun Bin ng buhay ko si Rafael! Hahaha. Kung mapapansin niyo, ang daming ginagawa ni Rafael `no? Co-vocalist, guitarist and keyboardist. Talented kasi itong taong ito, eh. Magaling siyang sumayaw, kumanta, lahat na! Kaya niyang gawin. (Oo, siya na nga). Siya na yata si Mr. Perfect pero sawi naman sa pag-ibig. WAHAHA. Ang title ng kanyang istorya ay MY BESTFRIEND'S SISTER. Partner niya po si Nia Clarisse na kung nabasa niyo na ang kwento ni Gab, sinabi ko doon na bestfriend niya si Nia. But sort of. He's like a bestfriend to her lang. Medyo torpe kasi itong gwapong ito eh. Hahaha. They are both dancers at bow ako sa galing nilang sumayaw. Hindi kasi ako magaling sumayaw eh. Grabe ang closeness nilang dalawa. Bagay daw sila sa isa't isa sabi ng iba but Nia don't think so. Crush niya si Gabby eh. Iyon ang magiging medyo conflict sa story nila. Naku, mukhang matagal pa bago aarangkada si Rafael dahil hindi ko matapos-tapos ang kwento niya. Ayaw magpatapos nito eh. Saka tuwing sinusulat ko siya, nawawala lagi ako sa mood. Ewan ko ba, tanging si Gabby lang kasi naiisip kong conflict sa story niya eh. Tsk. Lagot ako nito. ^__^ Pero in some incident, nagawan ko ng teaser ang kwento niya.. But then, di pa ito final, ha? (Tsk. hindi ko makita ung cellphone ko! Doon pa naman nakalagay ang teaser niya. But anyway, I could do this.Kasi naman, pakalat kalat!)

Rafael adored and loved Nia Clarisse for the first time he had set his eyes on hers. She's his bestfriend's sister. Pareho silang magaling sumayaw kaya naman nagkasundo silang dalawa.
Nang namatay ang kapatid ni Nia na si Greg, mas lalo pang naging close silang dalawa. She treated him just like a brother and a bestfriend. Masakit para sa kanya na parang hanggang kaibigan lang ang tingin nito sa kanya. Siya lang palagi ang sinasabihan nito ng problema. Hindi siya nito napapansin bilang isang lalaking kayang magmahal dito.
Lalo pang nagka-conflict ang story nila dahil nagkagusto ito sa kabanda niyang si Gabby. Haay, kailan kaya siya nito matutunang mahalin katulad ng pagmamahal niya dito?


CONRAD LEGASPI - the guitarist.



Yay! Conrad my love. Sa lahat po ng My Candy boys, si Conrad ang pinaka-favorite ko. Hindi lang dahil ang DP niya ang latest imaginary boyfriend ko, iyon ay dahil siya yata ang pinakamabait sa lahat. I love his story. Mahal ko ang character niya kaya naman kapag bored ako sa pag-gagawa ng story ni Raf, lilipat ako kay Conrad. I like his name. I like everything about him. Medyo may pagka-highschool love ang kwento niya. Sa mga nakakita ng info na nilagay ko sa kanya sa kwento ni Gab, I said he's a serious-looking man. Naka-salamin siya pero sa DP na ito, hindi eh. Hindi ko kasi keri si Daniel Radcliffe para sa character niya. Mas gusto ko talaga ang BF kong si Logan Lerman. Mukha siyang serious dito kaya ito na lang kinuha ko. Wahahaha. Mayaman si Conrad. (oo lahat sila mayaman) but he fell in love with a poor girl. Sa lahat ng Candy boys, siya din ang pinakamatalino. Pag-aaralin ko yata siya sa Harvard. Haha. He's a corporate lawyer. Salutatorian siya noong HS while the love of his life is the valedictorian. Pinagbibigyan niya lang si Denise Manalo--the love of his life sa pwestong iyon kahit alam niyang kaya niyang talunin ito sa spot. Okay, that's conceit aside. Ayaw ko munang mag-kwento nang mag-kwento tungkol kay Conrad dahil baka agawin siya sa akin ng mga makakabasa. hahaha. Wala pa akong naibibigay na title sa kanya eh, pero pagtitiyagaan kong makaisip ng maganda. Okay, teaser na lang muna niya:

Serious-looking. That's one way Conrad Legaspi is described. Marami din na nagsasabing Abnormal daw siya dahil hindi siya naakit sa isang babae kahit gaano pa man ang mga ito kaganda. Pero iyon ang sabi ng iba.  He's a normal man. Nagawa na din niyang umibig--at masaktan ng dahil sa isang babae. Denise Manalo, that's her name. His first love and first heartache. 11 years had passed but then, hindi niya pa rin ito malimutan. He still stayed in his heart. Ngunit sa muling pagtatagpo ng landas nila, magawa kaya nitong suklian ang pag-ibig na ibinigay niya dito 11 years ago?

ZEKE CONTRERAS - the bass.





*TILI. Smile pa lang ulam na. Hahaha. Ayan si Zeke, ang playboy nating bida. At ang DP niya, si Kimbum. Wow! Pero sa totoo lang, kanina pa ako paisip-isip kung itutuloy ko ba si Kim Bum bilang DP niya. May 2 choice pa kasi ako eh, si Dino Imperial o si Chito Miranda. Crush ko kasi si Dino sa imperial while Chito!! Iih. Ang gwapo niya sa personal! Hahaha. Wala lang. Game. Itong si Zeke, naku, playboy `yan. Sino ba ang mga galit sa playboy? *azec taas kamay. Hahaha. Na-first hand basis na kasi ako eh. Pero siyempre, para pagpapadagdag sa spice, gusto ko playboy ang ating last na bida. Wait, nakagawa na ba ako ng playboy na story? So far, wala pa. Hahahaha. Lagi kasing serious yata mga bida kong lalaki. I want a comedy type din para sa series na ito. Pero sa totoo lang, isang beses pa lang ako nakagawa ng comedy love story. At iyon so far ang pinaka na-enjoy ko sa lahat nang nagawa ko! :D Ayan, nalalayo na naman tayo sa topic. Well, wala akong masyadong ma-detail kay Zeke. Wait, ito pala, galing ang name niya sa isang naka-twitter chat ko na isang photo-journalist sa Washington DC. His name is Zeke Changuris! Hello Mr. Zeke, kung mababasa mo man ito. Hahaha. Okay, siya na po ang last Candy boy ko.. At naiisip kong i-partner sa kanya ay si Yasmin Tiffany Madrigal. Iyon lang ang name na naisip ko. Wala pa siyang kwento. Pero actually, may naisip na ako. Medyo ma-drama iyon eh kaya inalis ko na kahit nakasulat na yata ako ng 2 pages. Hahaha. Wala pa akong kwento sa kanya kaya wala pa siyang teaser. Sana kaya ko din itong mahalin! :D Ma-keri ko sana ang pagsusulat ng pinaka-playboy na lalaki sa Candy Boys. ♥



OTHER INFO/TRIVIA:
actually, nag-enjoy po ako sa pag-susulat nito. Hahaha. Nagkakaroon kasi ako ng 'writers block' that's what I feel. Na-enjoy ko tuloy ang pagba-blog dahil wala akong maisip na story. ^__^

Anyway, Trivia for Candy:

DID YOU KNOW THAT...


Na ang mga first letter ng mga girl na bida sa Candy ay makikita sa word na Candy? C-cady. A-angel. N-nia. D-denise. Y-yasmin. And yeah, sinadya ko `yan. Baduy ba? Hahaha. Sensya.


Michael Lirio ang name ng Daddy ni Chad kasi iyon ang pangalan ng professor ko sa accounting na manipulador din? Hahaha. *bad.


Napapansin niyo ba na parang may pagka-Angel ang names ng character ng stories ko? Like Gabriel, Rafael, Angel and Michael. This is because I fell in love with an Angel boy name before.


Ang pangalang Gabriel naman ay pangalan ng crush ko. Okay. Isipin niyo na lang kung sino siya. ^_^


Dalawang beses ko na nagamit ang name na Denise sa mga nobela ko. At parang may pagkakahawig ang story nila ni Conrad sa pinaka-una unahang story na nagawa ko.


Sa dulo ng kwento dapat ni Chad, gagawin kong medyo bad ending dapat. Iyon nga lang, nabasa ko iyong mga comments for Chad na masyado na siyang nakakaawa eh. I even cry when I made that ending. Iyong dapat sana na gagawin ko. Kasi nakakaiyak talaga eh. Anyway, binago ko na.


Okay.. tapos na po ang trivias. :D I just love my candy boys. Sana magustuhan niyo din sila. Lahat po sila ay ise-share ko sa internetserye. Tapos na ang kwento ni Gabby na 'one more chance'. Ang pinaka-una kong kwento ko sa IS. Sa mga nainis, nagmahal, umiyak, nagngangawa, nagustuhan naku! Maraming salamat po. Ibig sabihin lang niyan ay binasa niyo ang isa sa mga isinulat ko. Mahal ko kayong lahat!

To read my works, just visit: www.internetserye.com

Thank you. :D