So I pray, this time. I could be the man that she deserves. Cause I die, a little each time. When she cries..
Now playing that song when I started to write this blog. Sana may ganyan ding lalaki sa mundo. Haay. Na ayaw niyang umiyak ung isang babae dahil sa kanya. Ayaw niyang masaktan ung babae..
I always dream of a fairytale. Of a happy ending. Kaya nga ako mahilig sa pocketbook eh. I love it when there are happy endings. I love romance. I love the word "LOVE" but I think, "LOVE" doesn't love me.
I had a crush when I was in 1st year high school. The very first time I saw him, crush ko na siya. Parang love at first sight kumbaga. Don't know why. He's so cute para sa akin kahit sabi ng iba hindi naman.
Then, akala ko wala na iyon. Nakita ko lang kasi siyang dumaan. And then, nagsimula akong lumandi ng 2nd yr. Doon ko siya madalas nakita. Tapos ewan, crush na crush ko na siya. As in!! Ewan ko ba. Then happy naman ako na kahit papaano, nagkaroon kami ng communication. Then you know, nagka-in-love-an? Hmmm. Ewan. Ako lang yata ang na-in love.
OKAY! BITTER!!
I hate him.. But then, I think I still love him. Hanggang ngayon, I can't forget him. Lagi na lang siya. Siya! And I hate it. Kapag nakikita ko siya, lagi na lang akong natutuwa. Even after all the pain that he had done to me, parang siya pa din sa huli. Martir na kung martir. Pero pinipigilan ko. Even if he had tried na makipagbalikan sa akin, hindi ko pinansin. I don't want to be with him anymore, that's what my mind said. But in my heart, I want him to be back again. I love him. I don't know why I still love him. Pero mas pinili ko ang isip ko. Dahil kung puso ko ang papairalin ko, masasaktan lang muli ako. Even if he promised me na hindi na daw niya ako sasaktan katulad ng dati, hindi ko siya in-accept kahit na gusto ko. Nasaktan din kasi ako masyado.
The 2nd heartbreak is so bad. I almost cry in a computer shop while hearing our themesong. Nakakahiya! At sa jeep noon, habang ka-text ko siya. Magbi-birthday pa naman ako nun. And then, my birthday is so bloody because heartbroken ako.
Third party. Iyan ang nangyari sa amin. Kung bakit ba naman kasi ang daming talandi sa mundo. Alam ng may girlfriend na, nagpaligaw pa! Hmmm. Don't want to mention names. But I can't help it. I hate that girl. But now, not anymore. Siguro dahil ewan. nagkasundo din kami noong girl na iyon eh.
Ang daming nangyari sa aking masama sa akin because of him and I don't want to mention it here anymore. Sobra kasing nakakahiya. Dahil sa tangang pag-ibig ko sa ANGHEL na un, para akong nawala sa sarili ko. Then I realized that loving him is the sweetest mistake that I ever did.
And yes, he was named an ANGEL. Sa mga nagbabasa ng nobela ko, nasabi ko na rin pala dito sa blog na ito, na madalas akong gumamit ng ANGEL names sa nobela ko. Coincidence? Maybe. Gabriel, Michael, Rafael, Angel, Sealtiel and also Uriel from my very first novel. (nasa FS blog ko siya) lahat sila mga anghel di ba? And maybe its because of him. Siya na lang ang dahilan. And I hate it. I hate myself for loving him. UNTIL now.
Gusto ko rin sa kanya isisi kung bakit ako ganito. Marami ang nagsasabi sa akin na nakakainis daw ang bida kong lalaki. Hindi daw sila nakakaawa. And I want to blame him. Siguro siya ung dahilan kung bakit ang sasama ng mga bida kong boys. Minsan lang ako gumawa ng nobela na hindi masama ang boy. May comment pa nga sa akin na sabi ay hindi pang-"HERO" material ang boy character ko.
Pero sa huli, bakit ko siya sisihin? Ako ang patuloy na nagmamahal. Ang patuloy na umaasa.
Ang bitter ko. Pwe! Pero hindi ako nakakain ng ampalaya. Dala lang ito ng nabasa kong isang nobela. Saka ung nakita ko kanina.
Yes, I viewed his profile. And Shocks! May bago siyang GF. Wallpost nang wallpost. Nagsabihan pa sila ng "I love you" sa comment.
Ang ewan ko. Bitter pa rin ako hanggang ngayon. Its almost 4 years! Lampas na nga yata. Badtrip! Bakit ba ako ganito? Bakit ba ako patuloy na nasasaktan pa rin hanggang ngayon sa `yo, ANGELO?
Ang bitter,
Azec Chase.♥
No comments:
Post a Comment