Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Tuesday, May 3, 2011

being the trying hard writer.

Bakit kaya sinisipag akong mag-blog? Hmmm. Kasi bakasyon eh. Wala akong friends. Wala akong masabihan ng aking mga hinaing sa buhay ngayon.

Well.. isang linggo yata akong nawala sa mood sa pagsusulat, alam niyo ba `yon? That's hard for me, eh. May goal kasi ako ngayong bakasyon. I need to write 10 novels. But then, wala ng dalawang buwan at matatapos na ang aking bakasyon at 2 pa lamang ang nasusulat ko! I still have 8 more to go finish.

May mga on-going ako. Nangangalahati na ako pareho sa kwento nila Rafael and Conrad but then, hindi ko pa natatapos eh. Saka tinatamad akong gawin. Alam niyo ba iyon? Kung kailan naman ako sinipag mag-blog, kung kailan ako tinapad mag-tipa ng nobela. Anoooooooooo baaaaaaaaaaaa yaaaaaaaaaaaaaan? o.O


Ikukwento ko pala muna ang mga nagawa ko ng nobela. Dalawa pa lamang iyon. Bigay akong teaser:

BREAKING ALL THE RULES FOR LOVE



CARINA needs a lot of money… and a boyfriend. Reid needs a presentable girlfriend so his parents will not disinherit him.
So he made up a plan with Carina even if she’s a total stranger. They were going to have a charade. A marriage charade para ma-satisfy ang needs ng isa’t isa.
But like on a game, they have rules. Ngunit katulad din ng isang laro, hindi lahat ng rules ay nasusunod. Wala pa nga sila sa mismong laro nila ay naka-break na sila ng isa. Paano pa kaya ang mga susunod na rules? Kaya ba niyang panindigan ang rules na ginawa niya kung sa isang simpleng ngiti lang ay nasisira na ang rule number four kung na nagsasaaad na hindi siya pwedeng ma-inlove dito?

So far, hindi ako na-satisfied sa kwento ni Carina. Ito yata ang pinaka-madramang kwento na nagawa ko. Hindi ko ito pinasa sa PHR kasi tinatamad ako. Feeling ko, ma-re-reject. Ayaw ko munang makatanggap ng rejections at masyado akong naiiyak sa istorya nito. Ito ang pinaka-una kong natapos na nobela ngayong bakasyon. Nakakaawa ang bida dito. Nakakaawa din si Reid my love, naiiyak ako sa ginawa sa kanya ni Carina.

Ito naman pala ang pangalawa:
A DWARF FOR A BEAST

Sa isang hindi kaaya-ayang tagpo nagtapos ang unang pagkikita nila Red at Lyka. He’s a beast, monster and a brute. Pero sa isang hindi kaaya-ayang pangyayari din ang naganap kaya kailangan ni Lyka na tumira sa iisang bubong kasama ang lalaki. Magiging alipin siya nito within 2 months.
She knew that will be a total murder. Lalo na nang sabihin nito na kailangan siya nito bilang isang pretend girlfriend. Ayaw man niyang gawin iyon ay kailangan dahil bawal siyang sumuway sa utos nito.
Dapat na magalit siya dito dahil palagi siya nitong kinukutya ngunit bakit kinalaunan ay namamalayan na lang niyang pinagpapantasyahan na niya ang six-pack abs nito?

Sa lahat ng nobela na nagawa ko, ito ang pinaka-favorite, nakakatawa at nag-enjoy ako. Feel na feel ko ang personality ng bidang girl. Hahaha. Parang ako lang kasi siya. Sana swertehin talaga ako kay Ginoong Pula dahil ayon sa fortune teller na si Mystic Meg sa facebook, the color Red will give me fortune. Sana lang talaga, hindi siya the fake. Pero sa totoo lang, gusto kong maniwala kay Mystic Meg eh. Kasi madalas, nagkakatotoo nga iyong hula niya, slight. Naalala ko, iyong prediction niya noon sa akin: You will soon find love with a man with the J letter. Hindi ko naman siya actually naging love si 'J' at hindi ko rin crush. Nakasabay ko lang siya. Haha. Anooooooooooo naaaaaaaaaa naaaaaaaaaaaaman?

Nonsense na naman ito, oh. Pero actually, funny talaga itong story na ito. Pinasa ko na siya sa PHR last week at kapag hindi ito pumasa, ilalagay ko ito sa internet serye. Ay naku, mahal na mahal ko ang story na ito at gusto ko siyang i-share sa mundo! :D

Pero sana talaga, makapasa. I need money you know. and I'm a desperate, trying hard romance writer.

Pero kailangan ko pa ng maraming story. So far this week, ang pnkamahaba ko pang nagawa ay naka-abot ng chapter one at ito nga ang naging dahilan kaya ako nag-blog. medyo funny din ang bidang si Rodney Snoopy at si Kate Itch. Hahaha.

Anyway, ang daldal ko na naman, `no? Sana lang talaga ma-accomplish ko ang goal ko. Marami akong naka-tengga ngayon. Kasama na din ang story na ito na hindi pa ako umaabot sa chapter two, may teaser na agad. Pero wala pang title. Share ko ulit:

Kung kabaduyan, tatanga tanga at freak na barkada ang hanap mo, welcome kang sumali sa barkada ni Cora. Ang barkada nila ang pinakapinagtatawanang barkada sa buong University nila. Paano ba naman kasi, kung titignan ang mga itsura nila ay kulang na lang ay isama na nila si Lola Basyang dahil mukhang taon pa nito sila pinanganak kung magdamit. Baduy, manang at katawa tawa silang manamit, magsalita at kumilos.
Pero hindi hadlang ang mga iyon para umibig si Cora, na siyang team leader ng barkadang 'baduy' kung tawagin sa isang pinagkakaguluhang lalaki. Si Jonard na siyang team captain ng basketball team ang kanyang kauna-unahang crush. At kahit ganoon ang kanyang itsura, pinilit niyang magpaganda at umaktong bagay para kay Jonard. Gumawa siya ng mga bagay upang mapansin at makilala nito.
Ngunit sapat ba ang mga ginawa niyang pagbabago sa sarili upang mabaling din ang atensyon nito sa kanya?

Funny din ang story na ito. Sana magustuhan nila. At matapos ko din. Hahaha..
Ay siya, humahaba na naman ang aking post. Baboo muna.

Ang nagmamahal na trying hard writer,
Azec Chase.♥

No comments:

Post a Comment