Well. dahil wala akong magawa at naghihintay lang akong mag 3:30 dahil may lakad kami ng mga HS friends ko, nag-browse na lamang ako ng mga pictures. And as I browse, biglang na-miss ko ang BSA family ko.
Yay! Mahal ko ang BSA. Kahit na ba pinahihirapan ako ng course na ito, mahal ko ang mga prof at friends ko. Yie.. Meron palang prof na hindi ko mahal. Don't mention na lang baka kasuhan pa ako ng slander. Ano daw? Wahahaha.
At oo, ang tamad ninyong BLOGGER ay kumuha ng pamatay na kurso. BACHELOR OF SCIENCE IN ACCOUNTANCY. Gulat ka `no? Hahaha. Tamad po ako. As in, bihira lang akong mag-aral kaya naman nang mapasok ako sa course na ito, Gosh. Na-culture shock ako. Ako yata ang pinakatamad dito at pinakamababa ang grades. And hell! Hindi ako magaling sa Math. Kaya naman feel na feel ko ang pagkaboba ko lalo na kapag subject na ng algebra. Oh, I really really hate that subject. Lahat pa naman ng classmates ko, matatalino pagdating doon.
Kaya naman nang makapasok yata ako sa GYM dahil PE ang unang subject namin noong 1st sem, nanliliit ako. Maliit na nga ako, nanliit lalo ako. Nakakarinig ako, nagtatanungan sila, ano'ng average mo? 90 daw.. whatever bla bla. Samantalang ako, nagtapos ako ng 4th yr na 82 lang ang average ko. Tapos, 3 pa ang line of 7 ko. Lalo pa akong nanliit dahil halos lahat ng classmate ko ay scholar lahat. 5 lang yata kaming hindi out of 39.
Pangalawang subject ko, accounting. Nakakatakot ang prof ko. Mukhang terror at nangangain. Pero sa una lang pala iyon. Joker pala siya pero mahigpit din lalo na sa mga hindi nakakaintindi. Buti na lang medyo may alam ako sa accounting noong 1st sem pero sa totoo lang, mababa pa rin ung grade ko. Hahaha. Well, ganyan talaga. Panira kc daw ng scholarship ang subject na un eh.
Anyway, nagtapos ako ng 1st sem na may isa akong 2.75 and that is ALGEBRA. Kaya naman na-retention ako. Bawal kasi sa amin na bumababa sa 2.5 ang grade kaya ayun, isa na lang daw na mas mababa sa 2.5, alis ka na sa BSA. Pero noong nag-2nd sem ako, umayos naman ang grade ko. I got 1.91 average at 2.25 ang pnkamababa kong grade na nakuha. Not that bad for someone like me na hindi naman interisado sa course ako. Hindi ko nga alam kung bakit ko ito kinuha eh. Siguro naimpluwensayahan lang din. ^__^
But then, sa dami din ng sakit at pagod na naramdaman ko, nakatapos din ako ng 1st yr. And I'm really thanking God for that. Hindi ako makapaniwala na nakatapos ako ng 1st yr. Feeling ko survivor na ako. Nagsimula kasi kami ng 47 at noong 2nd sem, 31 na lang. At I'm proud kasama pa din ako sa 31 na iyon. :D
Magpo-post nga ako ng mga picture ng ilan sa mga paghihirap naming mga BSA. Ito ay iyong gumaawa kami ng SIMPSONS. Ang aming practice set.
Ilan lang ang mga imaheng iyan para i-describe kung paano kami naghirap sa gasolinahan na iyan. Pero nagpapasalamt na din ako kasi hindi na isinama diyan si Club Medica dahil kung sakali, baka todas na ako, first sem pa lang. Hahaha..
Lalagay din pala ako ng ibang pic sa mga naging activities namin.
CBA week. (Ito iyang pinaka-na-enjoy ko)
Ito lahat ng BSA sa lyceum. Ay wala pala po diyan ung 7 or 8 na 4th yr. ^__^
ito take a pic before our seminar.
ito naman po pala ang aming booth.
ito nga pala, naka tiyamba akong maka 3rd place sa JPIA tournament General knowledge.
Ito naman ung group namin, group 5. Nag-over all sa buong JPIA tournament. :D
Being a BSA is hard.. Pero siyempre may mga saya din naman. I love my friends, kung wala sila, hindi ako makakapasa. Alam niyo kung bakit? Dahil wala akong kokopyahan. Joke!
Well.. Magpo-post pa ako ng ibang pics.
Ito nga pala, iyong Economic Symposium namin saka ung dance sa humanities. OMG to the max ang pagka-busy namin dito. Pinagsabay kasi pareho sa isang araw. Buti na lang rest kami kinabukasan. This is first sem nga pala:
Siyempre kailangan din mag-saya. Paminsan-minsan. Sa mga college mates ko, madalas kami nagvi-videoke pagkatapos ng exam or every friday. Noong 2nd sem un. Noong 1st sem di pa kami ganoon ka-close eh. Hehehe. 1:30 awas namin every friday kaya madalas, nasa SM Calamba kami. Kaya iyon, masyado tuloy akong nahumaling sa precious pages sa SM calamba. Lagi tuloy akong nauubusan ng baon. Haha.
Well.. Pero kahit ano pa man ang hirap, masaya din. Kahit madalas, madaming pa-major subjects kami at pahirap na prof, naku, kinakayang i-keri. Lalo na sa accounting na ganid ka na masyado sa seatwork kakabahan ka pa sa susunod na meeting para sa nakakagulantang na boardwork. Ay, iyan ako noong 2nd sem. halos mabali ang leeg ko sa kakayuko para wag lang ako mapansin ng prof ko. Fortunately, 2 or 3 tyms lang ako natawag ng sem na iyon. Hindi kagaya noong 1st sem, halos every discussion yata ay tinatawag ako.
Gusto ko rin pala sana i-share ang aming pic sa aming prof sa accounting, Nabanggit ko na siya dito--slight lang--sa blog na ito. Ito nga po pala ang aking BSA Classmates with our prof, Sir Michael Lirio. ☻
Ito kami noong 1st sem.
ito na kami noong 2nd sem.
Haay. I miss my BSA family. May family tree nga kami actually eh. And I'm the apo. Hahaha. Ako nga pala si Mara, at ang akin namang kapatid ay si Claud na si Clara. Ang aming ama ay si Daddy Chiquito at ang aming ina ay si Mommy Bi na kapatid nina Tita Nene, Tita Nini at Kuya Tutoy. Haha. Anak sila ni Lola Jose at Lolo Josefa na kapatid naman ni Lolo Paciano, Lucia, Maria at Concha. Actually, ito ang aming family tree para hindi kayo mahirapan.
Masyado na akong madaming nasabi.. Mahaba na masyado ang blog ko. Sana lang talaga, ma-keri ko itong BSA na course ko. At nga pala, may qualifying kami sa May 17 and May 19. Sana bigyan ako ng grasya ng Diyos.
Pero ewan ko ba kung bakit pa ako kukuha noon eh paalis na naman ako. I'm taking Managerial Accounting na lang. (OO, BI ako) don't think I'm gonna make it sa BSA eh. Grabe.
ACCOUNTING MAKES ME LOSE MY SANITY!
kaya goodluck po sa mga susunod na henerasyon. patnubayan sana kayo ng panginoon. ^__^
Ang inyong nagmamahal na BI,
Azec Chase.♥
No comments:
Post a Comment