Ewan ko ba kung bakit ako nahirapan dito. Kasi siguro, na-bored ako? Ha-ha. Well, di naman masyado. I love Rafael Saavedra. He's cute and so torpe! Wahahaha. (naku, baka magselos si Conrad ko) Si Conrad kasi ang pinakalove ko eh. ^__^
So for a sneak peek, ito ang prologue niya: Happy Reading :D
PROLOGUE
“YOU adore my sister, am I right, Rafael?”
Natigilan si Rafael sa pag-aayos ng mga prutas na dinala niya para kay Greg nang marinig ang sinabi nito. Umupo siya sa silya malapit sa hospital bed nito. Mabuti na lang talaga at walang tao sa hospital suite nito kundi siya lang kaya siya lang din ang nakarinig ng mga binitawan nitong salita.
“What are you talking about, bro?” Si Greg ang best buddy niya sa buong tala ng buhay niya. Wala ng iba pang taong nakalapit sa kanya ng ganoon bukod sa pamilya niya kundi si Greg lang. Ito ang bestfriend niya simula ng nag-highschool pa lang siya. Karamay niya sa lahat ng bagay. Halos kapatid na at kapamilya ang turing niya kay Greg.
“And you love her, don’t you?”
“Bro, ano bang pinagsasabi mo?”
“I know you love my sister. You just keep it to yourself. By the way you look into her eyes; I know you are in love with her,”
He looked at him amusingly. “Hindi ko alam na corny ka pala,”
Tatawa-tawa uli itong nagsalita. “But don’t worry, I will not get mad. Ayos lang sa akin na may gusto ka kay Nia. My sister is pretty, isn’t she? `Tapos parehas pa kayong magaling sumayaw. Hindi na ako magtataka kung magkagusto ka sa kanya.”
Sumeryoso siya ng anyo habang nakatitig sa mga mahihinang mata nito. “How did you know all about this?”
“You are my bestfriend, Raf. Hindi mo maitatanggi iyan sa akin. But I’m glad you are in love with her. At least, I am sure that my sister will be in good hands when I left her,”
Hinampas niya ito ng mahina sa balikat. “Huwag ka ngang magsalita ng ganyan. Matagal ka pang mabubuhay!”
Ngumiti ito ng mapait. “I knew I will not last long. Mahina na ako. Nararamdaman ko na malapit na akong kuhanin ni Lord, kaya naman Rafael, pinagbibilin ko sa iyo si Nia. She’s my only sister and I love her so much. Ayaw ko siyang masaktan. Gusto ko poprotektahan ko siya lagi pero alam kong hindi ko na magagawa iyon. Malapit na akong mamatay at ikaw, ikaw na bestfriend ko ang tanging pagbibilinan ko sa kanya,”
“Greg naman. Ang kulit mo eh, sabi ng huwag kang magsalita ng ganyan. Life is full of miracles. Don’t lose hope! God will always be there for us!” pilit niyang pinapalakas ang loob niya sa sinabi. Nararamdaman na din niya ang sinasabi nito pero ayaw niyang mag isip ng negative things.
“Sana nga pare, sana nga. I know someday I will leave you and my family. I wanna be sure of for my sister. Will you take care of her when I’m gone? Will you promise me that you will not hurt her? Will you promise me that you will love her forever?”
“Greg..”
“Just promise me this, Rafael and I’ll be very happy to leave you. Hindi na ako mag aalala pa kapag ipinangako mo ito sa akin,”
“Okay bro, I promise you.” Sabi niya saka nginitian ito. Ngumiti din ito ng malawak. Simula ng maospital ito one month ago, ngayon na lang niya ito muling ngumiti ng ganoon. He knew he will leave him soon and he doesn’t want to disappoint him. Malala na ang cancer of the brain ni Greg at sabi ng doctor ay kaunting panahon na lang ang itatagal nito sa mundo. Ayaw niya itong masaktan at gusto niyang maging masaya ito.
“Thanks Raf, I’m holding on to what you said.” Sabi nito saka tinapik pa ang mga balikat niya.
Hihi. Magulo ang istorya na ito. Pero sana magustuhan din ito ng mga readers. :))
Ang ngayon na lang muli nag-blog,
Azec Chase.♥
No comments:
Post a Comment