Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Thursday, May 5, 2011

Book shopping week.


Bata pa lang ako, mahilig na ako sa libro. At ano ba ang hilig ng mga bata noon? Edi siyempre, fairy tales. I remember may isa yata akong set ng puro fairy tales na book, ang cute nga ng lalagyanan niya eh. Ewan ko lang kung saan iyon hinagilap ng tatay ko basta ang alam ko, ang pinakafavorite ko sa lahat ng iyon ay The princess and the pea. Bakit? Hindi iyon dahil 'princess' ang pangalan ko, iyon ay dahil sa madaming mattress. Hahaha. Natutuwa ako doon sa mattress na pagkakadami. Kaya naman sa pet society ko, ung kwarto ko doon, ganoon ang kama. ^__^

Anyway, mahilig nga ako sa libro. (Unli ako) well... minsan, may mga ayaw din ako. I'm a pocketbook lover din actually pero mapapagbasa mo din ako ng english novels. I remember first time kong nakapagbasa ng mahaba ay ung Journey at the center of the earth by Jules Verne. Si Kuya kasi, inumpluwensyahan ako. Siya po ang nagsabi sa akin na basahin ko daw un. Dinukot niya yata un sa school lib namin. Wahahaha. Well, nabasa ko naman siya. And infairness, maganda siya. :D

Well, kaya ko na-blog ito ay dahil first time kong bumili ng mamahaling book na hindi sale. Ay, sale din pala. 20% off pero hindi na siya sa book sale! I'm so happy. Gusto ko talagang makabili ng sariling book at ndi E-book na lang. Kaya naman dahil hanggang ngayon na lang daw ang sale, 2 ang nabili ko. Noong una nga, may pinagpipilian pa ako eh. The falling angel ata un title.. Tapos hawak ko din ung The hollow na trip ko bilhin. Then lumapit sa akin si Mommy and said: Iyan pareho ang bibilhin mo? Nagulat ako. Kasi si Mommy ay pinakapopular na kuripot sa mundo. Kaya nagtaka ako, sabi ko, "bakit kaya mo?" tapos sabi niya. "Ibabawas ko sa pera mo," ahhh... kaya naman pala. Haha. Not that bad, pero namahalan ako kaya isa na lang muna. Tapos nalaman ko, sale pala! Wahaha. I chose The Hollow by Jessica Verday. Sana lang maganda.

Bumili din ako ng pocketbook, 4. Haha. KAwawa naman ung PHR gold card ko, pinagtatawanan na ako ni Kuya Jay, ung nagtitinda sa Precious Pages kasi dahil doon. Sorry naman. Hanggang may 11 na lang kasi un at lukot to the max na. hehe.

Then hindi ako nakontento kasi last day na ng sale and I have a lots of money this may. Bumalik ako sa NBS. I bought fallen by Lauren Kate. Matagal ko na talagang nais basahin ito, katanuyan ay may E-book na ako sa cp ko pero dahil parang ewan ang aking nadownload, di ko na binasa.

Actually, ang nais ko pala talagang bilhin ay ang the throne of fire pero dahil LIBLIB yata ang SM calamba, wala pa siya. Sayang.

Last tuesday, namili din ako ng books. 2 phr pocketbook at 2 kilig republic. At ung 2 kilig republic palang ang nababasa ko.

Ay oo nga pala, bumili din ako ng bago ni Bob Ong. Iyong ang mga kaibigan ni Mama susan. Overall, I had 11 books bought this week! And yie. 1k ata mahigit nagastos ko. Tsk. Hanggang kailan ko kaya ito babasahin if I still have a goal of 10 novels this vacation?



No comments:

Post a Comment