7:17 am. That's the exact time on my phone when I woke up. And I'm so... inis. Kasi naman po, nagising po ako ng 1am at hindi makatulog. Kaya binasa ko na lang ang kay Miss Allie Sia Alonzo na a beautiful mess. Para lang akong ewan kasi madaling araw ay tawa ako nang tawa sa kuwarto. I read it until 2:30. Then mga past three na rin siguro ako nakatulog muli.
And over all, I just got a 6 hours sleep. Sobrang >.< ako. Kasi wala naman akong pasok ng wednesday, hindi ko pa nasulit.
And nagsabi din ako sa sarili ko na I'll do my MS until it reach 10k words. But fortunately, I got time now and I reached 11k. haha. My goal tonight is 12k. Para nangangalahati na ako. And I'm enjoying. K? Sarap talaga magsulat ng mga bangayang eksena :D
At ayon. Umalis ako ng bahay before 10. Nasa tanauan na ako @ 10. Encashment kasi nung check ko. But deym! Sinamahan yata ako ni kamalasan kasi kailangan ko pa daw ng police clearance. Kaya naman ako ito, punta pa sa Brgy Hall ng Sta. Anastacia para kumuha noon. Then punta pa Sto. tomas. Lagas ang 100 ko. And sabi ko sa sarili ko, ay madali lang din naman pala. And I learned things about that. Good for me din.
Around 11:30 tapos na ako. tapos sa BDO Sto. Tomas ako nagpunta. Ito talaga ang letse eh! Kakainis. Sarap sabunutan. Sarap apakan!
Kundangan ba naman, sabihan ba naman ako na tawagan ko daw ang ____ kasi hindi daw nila puwedeng ipa-encash iyon? Kaya ako, si tanga, uwi ng bahay. Alborotong-alboroto dahil 10 na lang ang barya ko na pinamasahe ko sa jeep. 500 buo pa kasi iyong pera ko kaya naglakad ako sa pagkakainit. >.<
I called ____ walang nasagot sa phone. I mailed them, hindi naman agad nakasagot kasi siguro lunch break un. So I decided to call BDO branch tanauan na lang. Luckily, they are nice and approachable naman unlike doon sa Sto. Tomas.
And kaboom! Nakapagpa-open ako sa kanila. `Di kagaya doon sa Sto. Tomas na shushunga-shunga. Sorry for the word pero totoo naman talaga.
Kaya ayon, nagliwaliw ako sa SM. Kahit papaano. Naghanap ng jeans. At bumili ng Jollibee para pasalubong kayla Mommy.
Pero ang anga din ng driver ng bus na nasakyan ko. Dinaig pa ang karo ng patay kung umandar. Text kasi ng text si Mamang driver. Malapit ko na ngang batuhin ng chicken joy kasi gutom na gutom na ako, ang bagal pa. Kaya naman Lipa toSto. Tomas: 1 na a half hour.
Haay. Tapos masakit pa pala katawan ko kanina dahil pineste na naman kami ng PE kahapon. Hanggang ngayon, sakit pa rin ng likod ko. Ang dami ko pa sana gustong ikwento pero kailangan kong maka-12k. Saka ita-try ko din basahin iyong pinapabasa sa amin sa LIT kaya, baboosh for now.
Masakit ang katawan,
Azec Chase.♥