Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Saturday, June 25, 2011

Bye my sweet puppy, Gabby...

June 16, 2011... I woke up because my brother keep on calling me upstairs. Akala ko naman, kasi aalis na kami papunta sa mga lola ko. My mom texted me kasi na sabay daw kami pumunta doon. Pero hindi pala. Isang karimbal-rimbal na balita ang aking natanggap and it makes me.. >___<

Gabby, the brown dog in the picture died this morning.. Ahmm, when I heard my brother said na iyong tuta mo, talagang kinabahan agad ako. Sinilip ko sa bintana and aray. Nakahimlay si Gabby sa daan.
Napahiga ako sa sofa while holding my cp. Pigil ko ang pag-iyak. Kakabili ko lang kaya ng collar ni Gab tapos wala na siya. I also said to myself na pipicture-an ko siya kahapon pero hindi ko nagawa dahil iyong cp ko, nasa itaas. Napakatanga ko tuloy! Kaya siguro siya sobrang sweet kahapon kasi iiwan niya na ako. Tapos, ung kuya ko naman kanina, wala ng ginawa kundi ang magpatugtog ng mga sad songs para lalo pa akong palungkutin. Nag-wallpost pa sa FB ko na ako'y nakikiramay. Sarap batukan eh.

Gabby is a sweet dog.. Lagi siyang nandiyan sa paligid para makipaglaro sa akin. Sometimes nga sinasamahan niya pa akong bumili sa tindahan kahit sa huli, inaaway siya ng mga doggies sa kapitbahay. Palagi din siyang nasa kusina para makipaglaro sa akin. Pero kahit ano man ang gawin ko, ngayon, wala na si Gabby :((

Biktima ata ng dog fight si Gab. Noong una, akala ko, nabangga na naman katulad ng madalas na dahilan kung bakit natsu-tsugi ang puppies ni Guji. Pero madami siyang mga sugat at kagat kaya, iyon, na-tsugi siya.

I will miss Gabby. 10 pesos din ang price ng collar mo. :(

Condolence to me,
Azec Chase.♥

No comments:

Post a Comment