.
June 18, 2011, ang date kung kailan ako lumuwas ng Manila mag-isa. Medyo nangangapa pa ako kasi hindi naman ako sanay. First time ko rin sumakay ng LRT na mag-isa. Hehe. Sikip pero ayos lang. Na-keribels ko naman kahit papaano. Noong sumakay nga pala ako sa bus para pang ewan. May nagtanong sa akin kung malapit na daw sa Buendia, ako naman, di sure. basta ang nasa isip ko, kapag nakita ko ng nagbabaan ung maraming tao at may nakita akong LRT, buendia na un. haha.
.
Tapos un, sumakay akong LRT. Bumaba ng central station para antayin si Sheena. Naka-2 ng tren hindi pa rin dumarating. Sabi na nga ba't late na naman hahaha. Pero okay na din, may nakita kasi akong gwapo. (Lintik, ang landi) Hahaha.
.
Noon dumating si Sheena punta kami 5th avenue. para pa akong bangag noong una kasi nagkamali pa akong way. Pero nakakaadwa pa rin ung tricycle na nasakyan namin. Aba't 50 ang siningil sa amin! Dati kasi nun nangangapa pa kami,35 lang. Ay naku, nabadtrip ako. Pero sabi nga nila, it's better to give than to receive. Saka hindi naman ako ung mapaparusahan ni God kundi siya eh. Hinayaan ko na.
.
Then un, dumating ako sa precious pages corp. naiwan pa si sheena sa labas. hehe. Nangangapa rin ako nung una. pero ayos na din. friendly kasi sila. nakita ko muli si sir jun. CADY LORENZANA ang aking pen name. My Gosh! Wahahah. Hindi ko expected na iyon ang mapipili.
.
Cady kasi iyon ang heroine ni Gab. Lorenzana kasi... haha. apelyido ni Guji. Gosh, ambisyosa ko `no? :D
.
Aun, nakatanggap ako ng check. 6500+ eh. And also binigyan din nila ako ng 1k. Nakapaglagas tuloy sa MOA. haha . nga pala, si miss janeth ata un. taga san antonio siya! wieee. natuwa naman ako. malapit lang siya sa amin. :D
.
.Then pagpunta namin sa MOA, nakasakay pa namin si Ayish sa LRT. Then un, nagpunta kami sa MOA. Nakita rin namin si Monica one of our batchmates.. Nagpunta kami sa pizza hut ni Sheena. And guess what? 734 ang bill ko. Goshie~
Pero okay lang, masarap naman ung sausage pizza. xD
Bumili din ako ng isang damit kasi pinilit ako ni Sheena. Luckily nakakita ako ng type ko na sale. :D
.
I also bought a stuff toy para sa inaanak kong si Raya. Birthday niya kasi sa friday. Ang mommy ko naman ay nakakainis magregalo sa kanya kaya binili ko na. After all, may pauna na akong sweldo. :)
Haay.. sana lang magtuloy-tuloy ito para makabili na din ako ng upuan ng computer. Sira na kasi ung amin eh. Kaya ako'y nahihirapan din magsulat. And I also wished na sana bumenta ang book ko.. Hi-hi.
.Anyway, magkakaroon na ako ng bagong siggy ngayon. I will not call my name as Azec na. Azec will be known as Cady Lorenzana. Kaya Cady Lorenzana na ang siggy ko. :))
Ang may sweldo na,
Cady Lorenzana.♥
No comments:
Post a Comment