And that's the main reason why I had blog today. Hindi ko naman trip na mag-blog eh. Tinatamad kasi akong magsulat. Basta, I had this feeling na tinatamad ako. Nababaliw kasi si Cady/Azec/Princess. Ayon, kaya wala siya sa katinuan.
But anyway, talagang nakakabadtrip iyong mga tao na hindi na-a-appreciate iyong mga tagalog pocketbooks. Ang akala ba nila madali gumawa ng libro? Nakaka-nosebleed din kaya mag-english. And FYI, hindi lang naman puro tagalog ang pocketbooks. Taglish iyon. And isa pang FYI, it's hard to write kaya sa tagalog. Kung alam lang nila kung paano ako mabaliw sa pagdi-distinguished kung paano gamitin itong "-" at "nang" and "ng". Nakaka-nosebleed magtagalog `no!
Saka I think they are just insecure. Masyado silang galit sa pocketbook kahit wala namang ginagawa sa kanila. And sabi nga ng isa kong kaklase sa FB:
ang pinkamagandang part ng pagiging baduy.. u can express ur feelings freely.. :)
I totally agree with him. Ikaw ba, hindi ka nag-a-agree sa kanya? Pero sa totoo lang, it's not baduy naman eh. Iyon lang ang tingin sa kanila ng mga tao. So what if kung makapagbasa ka ng pocketbook? It's romance. Pero kapag english book naman, tuwang-tuwa ka kahit ang genre niyan ay romance. You see? Naiinis ako sa mga taong nako-corny-han sa pocketbook. Pero sa totoo lang, sa totoong buhay, mas baduy pa ang ginagawa nilang ka-sweet-an sa boyfriend nila. May kilala ako kasing ganyan. Ang baduy kaya saka ang corny noong ginagawa niya sa BF niya noon tapos kapag pocketbook ang pinag-uusapan, baduy na baduy siya. If i know, mas malala pang kabaduyan ang ginagawa niya sa BF niya kaysa sa mga nakalaad sa pocketbook..
Opinionated much ako. Pasensya na. Masyado kasi akong nadala. Haay, basta. Ang mahalaga, masaya ka sa ginagawa mo. Hindi ka dapat nagpapa-apekto sa mga iniisip ng tao sa `yo.
Iyon lang,
Cady Lorenzana. ♥
No comments:
Post a Comment