Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Friday, June 24, 2011

Happy Birthday, Dad. :(

I'm not supposed to blog a post as drama as this. And I supposed to write Gabbe and Prince's story again. But then, I saw my bro's facebook profile and ahhh.. It makes me cry.. >___<
It's been nine years. Ang tagal mo na palang wala, Daddy. Lampas kalahati na pala ng buhay ko... Mas matagal na iyong taon na wala ka kaysa iyong mga taon na nakasama kita. Kaya siguro, I can't barely remember you na. Actually, I almost forgot to make my status on facebook about your birthday. Kung hindi ko pa nakita iyong status ng gf ni kuya, hindi ko nga maii-status.
And well, hindi rin dapat ako magba-blog ng ganito kung hindi ko lang nakita ang status ni Kuya after kong mag-PC. I print screen it, and this is it:


I don't know how should I feel with this. Ahmm.. Because my bro's not that saying his emotion kasi eh. Hindi naman siya, siyempre, normal naman siyang lalaki. Hindi siya iyong pala-kwento nung mga nararamdaman niya and so on and so blah.. And besides, we are not that close so I really didn't know what he feels.
Kaya I got shocked and cried at the same time when I read this. So my brother is like this pala... Hindi naman kasi kami nagsasabi ng nararamdaman eh. Actually, I'm like that too when it comes to my dad. Noong bata ako siguro nasasabi ko na nalulungkot ako or what but when I found out na malaki na ako, no--I'm not saying na that ways but deep inside me, I'm really hurting. Lalo na kapag nakikita ko iyong mga bestfriends ko na mostly ay laging kasama iyong dad nila. Nainggit ako. Okay. Siguro naman ay maari iyon in my case. I'm a daddy's girl kasi. Pero waley eh. Kinuha siya sa akin ni God... Pero after all, I consider na rin iyon as blessing in disguise.
So sa ngayon, puwede naman akong magsabi ng nararamdaman ko. Palagi ko naiisip na sana, I have my own complete family. And you know what? I also have a wish na sana magkaroon man lang ako ng dream. Iyong panaginip na buo kami at magkakasama. Iyon nga iyong wish no. 1 ko nung 15th birthday ko eh. Pero I just accept the fact na wala. Ayaw ni God. Kaya ayun. so emo na lang ako and didn't include na that in my 17 wishes...
Pero kahit anong gawin ko, wala na talaga. I just got my mom and my brother in my life. Iniisip ko na lang na maswerte pa din ako kasi kahit papaano, may natitira pa sa akin. I'm lucky than other kids. Pero siyempre, hindi ko rin maiwasang malungkot. At habang isinusulat ko ito, naiyak ako. Si Kuya kasi eh. Nakakaiyak! >.<
Bakit ba siya nag-stat ng ganoon? Hindi na sana ako magdarama kung hindi lang sa kanya. Haay....

I miss you, Dad. Sana proud ka sa akin ngayon. Sa amin ni Kuya kasi ito kami. Matino naman kahit papaano. Sana binabantayan mo din kami. `Wag mo kaming pababayaan, ha? Saka iyong isa. Alam mo na kung sino siya. Deep inside me, I feel pity for her pero hindi ko masabi. Basta bantayan mo na lang siya. :))

And kung may net man jan sa langit, mag-email ka naman `o. Kahit sa panaginip, ayaw mo ng magparamdam. Kumsta ka na ba? Sulat ka naman. Saka padala ka din ng pic. Di ko na kasi matandaan masyado ung mukha mo, eh. Saka webcam tayo. Para makita naman natin iyong isa't isa. Promise, di ako matatakot. Miss na miss na kasi kita, eh. Sana I can hug you din, Dad. Simula kasi nang namatay ka, wala na yata akong na-hug na lalaki. Wala na rin akong naapakan na lalaki habang nagpu-push ups. Wala na rin nagti-treat sa akin sa amusement parks. Bumibili ng sangkaterbang stationary. Wala na din iyong taong palaging may dalang prutas at chocolates saka na din yakult. Iyong ref din natin, minsanan na lang mapuno. Wala na din sumusundo sa akin sa school. Sunduin mo naman ako, o. Pero please, `wag mo akong dadalhin diyan sa kinalalagyan mo dahil hindi pa puwede. Hehe. Ayaw kong mangyari iyong ginawa mo sa dream ko when I was in grade 5.

Saka maki-bonding ka naman sa akin minsan. Kahit sa panaginip lang. Grabe naman ito.. Sabi nga ni kuya, Wala man lang daw nakikipag-inom sa kanya. hahaha. Kung ganoon din lang, kahit sampung the bar pa ang inumin ko makasama ka lang, ayos lang sa akin. Kahit isang linggo akong magka-hangover makasama ka lang, it's okay

 But dad, really, I miss you so much. Hiram ka muna kay Lord ng net, para mabasa mo ito. Mahal na mahal kita, Daddy. Inaaway ko nga si Mommy kasi ayaw niya yatang pumunta diyan sa iyo. I'm sorry din pala kung hindi kami nakapunta. Si Falcon kasi, eh. Badtrip. Pero babawi kami sa linggo. I miss you, Dad. And I love you...so much I'm crying while writing this blog.

Happy Happy Birthday Dad. Promise, I'll be as makulit as you but I can't promise I can be good as you. Sobra mo kasing mapagbigay eh. Pati buhay mo tuloy ibinigay mo sa ibang tao. I love you Daddy. Sana maalala mo pa ako. :)

Ang nagmamahal na anak ni Jroy Palo,
Princess Joy Palo.♥

3 comments:

  1. i was browsing to get some stuff about she's dating the gangster and i accidentally saw your blog. i dont know you that well pero im pretty sure na proud na proud ang daddy mo sayo, sa inyo:) im not telling you this kasi para magpalakas or something, i mean im not forcing anyone to like me. ayun, your so sweet and continue to inspire other people, ganbatte! GOD BLESS

    ReplyDelete
  2. Hi. Thank you sa pag-comment. Di ko rin alam na nase-search pala itong blog ko dahil sa She's dating. Hehe.. Pero dahil nasabi mo na, nakita ko na. God bless din.

    ReplyDelete
  3. Ate Cady, naiyak ako! Promise! :)
    Ang bata mo pa pala nung mamatay ang Daddy mo.

    ReplyDelete