Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Thursday, December 29, 2011

2011

Ilang araw na lang, new year na. 2012 na. Parang kailan lang, napanood ko iyong movie ng 2012 na magugunaw na daw ang mundo. Tapos ilang araw na lang, 2012 na? End of the world na kaya? Oh no. Wala pa akong boyfriend! Hahaha. Joke.

Anyway, 2011 has been a good year for me? Weh? Ha-ha. Sa health ni Mommy, hindi gaano. Pero sa personal ko(walang family, friends etc. iyong akin lang talaga) okay naman siya. I got my first novel published at iyong dalawa ay upcoming pa next year. I fulfilled my dream. Maayos din ang mga grades ko sa school. And love life? Ahmmm. No comment na lang. Char!

Well, gusto ko palang mag-blog ng mga summary ng mga what happened in my 2011. Every month churva ito. So....:

JANUARY


My birthday month. New year. Birthday ni Kuya, birthday ko. Okay naman. I think? Noong birthday ko, simple lang. Malling and kaunting pagkain sa bahay. Binati ako ni Guji sa twitter! Hahahaha. Well--- hindi ko na matandaan iyong iba so...

FEBRUARY


Love month? Hahaha. Honestly, medyo naging hate ko itong month na ito. Dito lang naman nangyari ang pinakahatest day ko sa lahat and that is February 3, 2011. First thing in the morning, I got a bad feedback, nasunog iyong uniform ko, naospital ang Mommy ko kinagabihan. Haay, sinusumpa ko talaga ito. HAHAHA!  Dito ko naransang umuwi sa mga Lola ko kapag galing sa school because of my mom. And I will say, ang hirap! Paano ba naman ay ang layo kaya noon. Lagi akong nale-late sa school. Ito din pala ang foundation day sa school namin kaya medyo maraming activities. Got to have the chance to watch a concert of Parokya ni Edgar dahil sila ang guest namin.

MARCH


Siyempre, ang pinakakaabangan kasi matatapos na ang school year. Pero hindi pa rin kasi hanggang april yata kami. Eh? Hahaha. Finals. Finals. Finals. I think, okay naman ang month na ito. Naganap din ang aming ballroom sa PE. Nanalo kami ng 3rd place. Got to see Ryan Agoncillo because of Swish commercial na na-held sa school. Month din kung kailan ako naging part ng internet serye. :)

APRIL


Sa totoo lang, wala akong gaanong maalala sa month ng April. Siguro, nagsusulat lang ako nito. The month I made Breaking all the rules for love and A dwarf for a beast--ang mga novels ko sa IS. Bakasyon kaya madalas tambay sa bahay. Ay! Ito rin pala ang month ng mahal na araw. Nagpunta kami ng mga pinsan ko sa Marian Orchard. Lakad kami from 4:30 to 6:30 papunta doon. Masaya lang kahit 1 or 2 hrs lang yata ang tulog ko. Well, nahirapan akong makatulog. IDK why. Pero dati, may time nga na wala akong tulog na pumunta dun. Hi-hi.

MAY


This is the month I wrote Happily Ever After in His Arms. Oh, one week ko siya ginawa and sa one week na iyon, puro istorbo nangyari sa akin. A-he-he. Dalawang beses ako nakagala with HS friends. Then nag-book shopping week ako. Kasal ni Kuya Dennis. Reunion w/ del Mundo's family na na-enjoy ko naman. Qualifying exams (See my blog post dati) ahihi. Ito din pala ang month na naggawa ako ng blog, o di ba? Alam ko! Hahaha. Month na nag-work shop ako. Grabe lang kasi 2 hrs lang tulog ko nun. So imagine how bangag I was that time. But anyway, I really enjoyed my day there. Kahit naglakad yata kami ng 1 hr papunta sa sakayan. hahaha

JUNE


Ito ang pinaka-love kong month dahil dito ko na-experience ang magkaroon nga approved novel! Ahehehe. Kahit may klase na, okay lang. 1st sem of my 2nd year have been easy for me. Fiesta sa mga Lola ko. Nakilala ko ang mga BF's ng Tita at pinsan ko. Nagpunta ako sa Manila to get my very first salary. Nakakita ako ng mga 'chocolates' sa school. Naging irregular ako sa klase. Natutunan kong magbiyahe papuntang MOA. Nakapag-LRT at nagbiyahe ako papunta sa Manila na mag-isa.

JULY


Ito iyong month na feeling ko, ang landi-landi ko. Ang dami ko kasing kras. Sina Mr. Inspiration, crush no. 1, and 3. Hanla! Hahahaha. Parang ewan lang. Dito din naganap iyong mga "treat" with friends and cousins sa mall dahil nga sumuweldo ako sa pinakauna kong approved manuscript. Siyempre, schooling pa din. Naka-adjust na rin ba ako sa pagiging irreg nitong month na ito? I think.

AUGUST


Month na nagkakalabuan na yata sina Ate Christine and Kuya. Nalulungkot din ako kasi ayaw ko talagang mawala sila. They are the perfect love team, eh. Pero wala, eh. Nagkahiwalay din. :( Month na sinubukan kong ayusin si Caspian. And I did. Napa-revision si Derrick. Na naging super ecstatic pa ako! Hahaha. Midterms exam, school and bla's. Na-sent ko din ang revision ni Derrick. Debut ni Claud. We went EK for an advance birthday celebration of Bianca. ag-overnight ako sa kanila with BSA family plus Kuya Kenneth. Ang sarap lang nung popcorn. Ahehehe. Saka iyong mga foods sa kanila. Nakaranas na naman ako for the 2nd time around na umuwi ng hindi naliligo--plus nag-SM pa! Hahahaha. Got to see Papa Chen (Richard Yap) at Dodgem.

SEPTEMBER


This is the month na naka-chat ko si Riyan! Ahehehe. (tandang-tanda, eh?) Nakatanggap ng for revision and returned manuscript. SM Calamba book signing na first time kong maka-attend. And I super enjoy. Nakausap ko pa si Kuya about something... Then nagpunta din kami kayla Bianca nung mismong birthday niya. We surprised her. Nagpicture-an ng bongga sa kanila. Ahehehe. Birthday nung isa kong Tita na ang tanda ko, masarap din ang foods. Semi-finals.

OCTOBER


Malapit na ang sembreak! Hinapit sa music video sa Literature. Over night w/ Rose Anne's house. Nakapunta na naman kami ni Belle sa SM ng hindi naliligo. In short, bangag. Nag-KFC pa! Hahaha. Finals exam week. Sembreeeeeeeeeeak! Over night sa bahay nila Jenny na si Franz ay nag-ala-Boy Abunda at 2:30-3:30am. Isipin niyo na lang kung paano. Tapos nare-realize ko about something "falling" for him. Ewan ko, ha? Pero mukha ngang nalulon ako sa KANYA ng month na ito. Nakabili ako ng the son of Neptune book and nakita ko na rin ang cover ng very first novel ko sa PHR.

NOVEMBER


Sembreak pa din. All saints day in Daddy's cemetery with Mom and Kuya lang. Wala pa sila Tita doon. Pero nagpunta din kami kayla Tita noong hapon. Got to bond w/ some of my cousins. Month kung kailan na-approved ang dalawa kong manuscript. Nakuha ko ang mga grades ko nung 1st sem and I'm so proud na isa lang ang line of 2 ko. Release ng very first novel ko. Start ng 2nd sem na nakakainis kasi may saturday class. Kaya naman hindi ako nagkaroon ng chance na kumuha ng salary sa PHR. Huhuhu.


DECEMBER


The month na ginagawa ko ang blog post na ito. He-he. Feeling ko ang laking pasan sa likod ko ng Taxation, Quantech at Financial Accounting. Isipin mo na lang kung paano nila ako pahirapan. CBA week na sumali ako sa Frustrated Idol! Yey! Kahit ang na-win lang namin ay People's Choice. Nagpunta kaming Lucena the 2nd day at pumunta din ako sa SM Megamall booksigning dahil CBA week nga lang. I can absent in my saturday class. Nakita ko ang soulmate ko...soulmate? Haha. Char! Nagkaroon ako ng gift cheque. Pinahirapan ng prelims exam. Hindi naka-attend ng PHR christmas party. Naging bitter. Namili ng mga damit sa pasko. Nagpasko at nakakuha ng 700 na partido dahil walang Ninang na nagbigay! Haha. Sumali muli sa singing contest. Nag-fiesta sa bahay at nakita si crush. Ilang beses na naging nocturnal. Today, gumawa ng quantech. Bumili ng pocketbook. Nagbasa ng pocketbook and the rest, new year na. 2012 na.


OMG. Ang dami kong sinabi sa December--dahil iyon ang pinaka-remember ko. Huwag kayong magtampo ibang months, ha? he-he. I'm sure, masaya din naman ang memories niyo. xD

Azec Chase ♥





Monday, December 26, 2011

Christmas 2011 :*

Kahapon ay pasko..este, nung isang araw pala. Dec. 27 na nga pala ngayon. Hi-hi. Inumaga na naman ako. Iyong crush ko kasi nasa tabi-tabi lang. Lewls. Nanood kasi ako ng won't last a day without you at nabuhay ang dugo ko. Ahahaha.

Anyway, I super enjoyed this last christmas. I got 700 pesos all in all. And partida, wala pa akong Ninang niyan na nagbigay ng pera. haha. Ang lakas ko dumiskarte, eh! Well. xD

O siya, umpisahan na ang araw ko--teka, kuwento muna ako December 24. Medyo kakatawa din ang araw ko nito, eh.

Umpisahan natin sa Simbang Gabi.

Well, un nga, nagsimbang gabi ako. Then dahil late pa pala ang 5:30 sa simbahan although 6 pa naman iyong misa, naka-stand na ako. Ang dami ba namang nagsisimbang gabi sa baryo `no? (Nandun kasi ako sa mga Lola ko palagi kapag pasko.) Iyon tuloy, kahit 30 minutes na advance, nakatayo pa din. Then mga half na nung mass nang may lalaking tumabi sa akin. Although I know him, we're kinda friends naman? I don't know. basta kakilala ko lang siya. Nakakausap minsan noon. That thing. Hindi ko naman siya pinapansin except nung siya iyong unang nag-approach sa akin. I was kinda like suplada, eh. He-he. (I know what you are thinking) Basta un na un. Then you know what kung paano niya ako in-approach? Inapakan niya iyong paa ko! Kaloka lang. Then un, tumingin ako sa kanya and said, "Ano?" He just smiled at me then hindi na muli. Then after that, patingin-tingin na lang siya. At alam mo iyong may nase-sense? Kung ano iyon, sa akin na lang un! Hahahaha. Basta ganun. Then iyong communion time na, he also gave me a pinch in my arms. Kaloka talaga kung paano siya magpapansin. Doon, then after the communion and praying, nilapitan na naman niya ako at tinanong, saying, "Tara date tayo bukas," I was like o.O. Hindi ako nakapag-react kasi hindi ko alam kung ano ang ire-react. Then nagtanong na naman siya, "May boyfriend ka na ba?" i told him, "Yes". Then he said, "who?" I said, "Si Guji." nagtaka siya. "Sinong Guji?" Gusto ko sanang sabihin, Si Guji Lorenzana, iyong nasa TV. Pero dahil mukhang mahabang paliwanagan pa kasi hindi naman sikat si Guji, I said to him, "Iyong aso namin." (Name talaga ng dog ko, Guji.) hehe. Then he said, "Ay siya, magiging aso na lang pala ako para ako maging boyfriend mo," Ansaveeeeeeeeeh lang. Hindi ko na muli siya pinansin although kapag nagkakatagpo kami after that I know(ayaw kong magpaka-feeling per I feel. Hahaha) gusto niya akong i-approach. Anyway, tapos na un. Hahaha. Hindi ko naman siya gusto. At sa kung gustong itanong sa akin kung guwapo ba siya, well, PM me on FB, I will answer. xD

Then naggawa kami ng mga foods for Noche Buena. Got the chance to go online and watch PBB in Kathy's house. Ang malupit ay gumala kami ng mga pinsan ko, although 4 lang kami, we have fun. Mae, Daryll and my younger one--CJ w/c is just 9 years old lang yata, sumama sa amin. May kasama pa siyang pellet gun. Na nakakatawa lang kasi tinutok niya doon sa guy na tinutukoy ko dun sa isang paragraph. Mukha kasing lalapitan niya kami that time. Natawa lang ako sa ginawa nung pinsan ko saka ung reaction nung guy na un. Hahahaha. Then nag-picture-an kami sa daan. Ang liwanag kasi. kandidato na yata ang bilucao sa pinakamagandang daan sa pasko sa buong pilipinas! ang ganda kasi, eh. hehe. Nag-uupo at humiga pa ako sa daan. Lakas trip lang. Para daw akong lasing sabi nila. Pa-judge nga! Hahaha.

Then Christmas day:










Wala pang 6am, ang iingay na ng mga pinsan at Tito ko kaya naggising ako kahit 3am na ako natulog dahil hindi ako makatulog. Kung iyon ba ay dahil sa hilik ng tito ko or sa pagtulog ko nung hapon eh hindi ko alam. Pero may maganda rin naman iyong dulot dahil nakaisip ako nang magandang plot. Chapter 2 na ako ngayon. Sana lang matapos ko siya. pero mukhang hindi by the year-ends. He-he. In demand ako ngayon, eh. Lewls. Hectic ang sched.

Then simba-simba kami. Pero tapos na homily nang dumating kami so guess what na lang kung ano naabutan namin. he-he. Then un, kumain. namasko? hahaha. Ang saya lang doon sa kapitbahay namin, nagpalaro. At dahil sa kanila, nakakuha ako ng 500 pesos. 50--iyong unang bigay. 100--consolation prize sa isang game. 250 --dahil nanalo ako sa singing contest nila! Ansaveeh! Sumali talaga ako. Hahahaha. 100--dahil sa final bigay. Yaman `no? Sila na. Hahaha. Hapit na hapit ako sa videoke kaya pinatulan ko na ang singing contest. Sayang lang, wlaang listen. Iyon pa naman ang practice ko. xD

1pm, antok na antok na ako. pero di ako nakatulog dahil ewan ko! Hahaha. Nagpunta na lang ako sa other relatives and alas! Nakahanap ako ng may videoke! Kumanta ako nang kumanta hanggang sa sumakit lalamunan ko. Ganoon ako kaadik, eh! Sensya. xD . Then after nagpunta kami sa may labak(its kinda farm) wala lang. Nagpakain kasi ng baboy ung Lola ko, sumama ako. After that, dinner sa bahay. Nanlibre din ako ng RC(palakpak naman!) kasi gusto ko? he-he. Joke. Wala lang. Umuwi ng bahay. Nakatapos ng chapter 1 kahit pagod na dahil sa cadbury. Slept at 11pm and woke up at 11:30am kaninang umaga. Ansaveeh. Sarap ng tulog dahil ang sarap ng hangin.

Dec. 26, fiesta sa amin. Nagpunta si Jenny. Si Jenny lang bisita ko dito. Haha. Si Kuya madami. At kasama doon ang crush ko. Kaya ako ay kinikilig. Kahit hindi ako makatingin sa mala-harry potter kong kras. :P

Ngayon, Dec. 27, baka mamiesta bukas sa Tanauan. Sana makagala. Hahahaha. Nakaka-miss ang HS, eh. :P

Anyway, tulog na siguro ako? 3:23am na, eh. Tanghali na naman ako bukas. Mukhang hindi ko na maabutan si crush kapag umuwi. :(( Hindi pa naman ako nakasilay ng ayos today.

Good night! Sana naging masaya din ang pasko niyo katulad ko. :)) ~

Azec  Chase ♥

Saturday, December 17, 2011

Bitter

I feel so bitter today and yesterday. Why? Its not about my love life. Hindi naman palaging kapag bitter ka, usaping pang-puso na. Its because...Hindi ako naka-attend ng Christmas Party ng PHR.

Bago pa ako naging isang ganap na writer, naging pangarap ko na um-attend ng Christmas Party nila. Hindi ko nga alam kung bakit,eh. Siguro ay dahil sa nakikita kong pictures nila Ms. Heart kapag nag-christmas party sila. Parang ang saya. Lalo na nung sa ABS-CBN na nakasama sila.

I was looking forward for the Christmas Party. Sabi ko sa sarili ko, kailangan kong magsulat at magka-approve after ng Workshop para makasama ako. Ewan ko, ha? Pero ang sabi naman, basta makapagpasa after ng workshop, makakuha na ng certificate. Matagal bago ako nagka-approve dahil puro revised ung akin. Iyon namang Happily Ever After in His Arms, ginawa ko at naipasa ko iyon before ako mag-workshop so I thought na hindi iyon counted. But then, sinikap ko kahit talagang nagkanda-letse-letse kami nung last 2 manuscripts ko.

Pero sa tagal kong inisip iyong Christmas Party, kung ano ang gagawin doon or whatsoever--wala pa din. Hindi ako nakasama. At bakit? Dahil may class ako every Saturday. And that is FINANCIAL ACCOUNTING. Major ko siya. Kaya nga nung dalawang pagkuha ko sana ng kayamanan ay naudlot dahil may pasok ako.Pinapadala ko na lang sila. Last Saturday naman, sa Megamall, nakarating ako kasi wala kaming klase dahil CBA week. How I wish natapat na lang siya nung Christmas Party, eh? Haay. Sayang talaga. Hindi ko tuloy nakuha certificate ko. Tapos ang pinagpuputok pa ng butse ko, wala naman pala kaming EXAM! Kung alam ko lang, naka-absent na talaga ako. Badtrip lang. Pinag-iisipan ko na nga un nung una, eh. Na kukuha na lang siguro ako ng completion. Pero hindi, eh. Wala na. Tapos na. :((

Bitter lang. Haay, sensya na.

Azec Chase ♥

Thursday, December 15, 2011

CBA week--days 2011.

Hi! Good morning! Alam ko na may magtataka kung may makakabasa man nito. Nauna pa ang blog ko sa SM Megamall Booksigning kaysa dito..kahit nauna naman ito..na medyo sabay pala! He-he

Anyway, gusto ko lang i-share ang tungkol sa nangyari this CBA week 2011. I had fun din naman. Kahit halos hindi ako naglagi sa school this time. In demand kasi ako, eh? Ha-ha. Jokeness. I'm proud to say na kahit kakaunti lang kami, galing pa rin ako sa department na ito... College of Business and Accountancy rocks, u know? xD

Simulan natin sa 1st day : Dec. 8, 2011 --- ito iyong pinakanaglagi ako. Simula 8am nang umaga, I'm here na. Ang text sa amin ay 7am dapat andun na kasi may practice kami. For readers info, sumali pa ako sa singing contest. Yes! You read it right, singing contest. Iyon nga lamang, pang mga frustrated! Hahaha. Pero ang akala ko, late na ako. Last text kasi, 7:30 daw dapat. Then hindi ko inaasahang ako pa pala ang pinakauna. Ansaaaaaaaaaveeeh? Ako na laging late sa mga chuvang ganyan, nauna pa. Ha-ha. Tapos hassle kami ni Claud nang dumating siya. Paano ba naman, may ticket pala! Paramihan! Ginamit ni Claud ang kanyang alindog, at ako ang bilis sa pagsusulat. Kapagod lang. Alam niyo un? Hahaha. Mga 200 tickets yata ang nasulatan ko.

Halos di rin kami makapag-lunch dahil sa sobrang busy. May booth pa, may ticket pa. Kagulo na! But in the end, nag-try pa din ako kumain. Iyon nga lang, burger lang. Then mga 1am, iyon na pinaka-rehearsal namin. 302A nagpunta kami but before than, I have this very shocking experience. Sinabihan ba naman ako ng pinaka-weirdest guy na yata sa school ng "Palo, Good luck!" . He is my HS batchmate kaya kilala niya ako. Hindi talaga ako makapag-react kasi hindi kami close. Tapos iyong boy pa na un eh palagi kong inaasar dun sa isa ko pang barkada then ganun? Grabe talaga. Si Lolo Franny naman, text agad kay Melanie...grabe, pinagkalat agad! Ha-ha. But anyway, iwan na natin iyon dahil nakakagulat talaga.

Nang makapag-rehearsal ay lumipat pa kami sa SM para mag-practice. 10 Listen sa Quantum. Sakit sa throat! Ka-LSS na din. Then un, nagpunta akong Precious Pages kasi bibilhin ko iyong book ni Ate Nikka. While I was buying, may matanda dun na bumibili din ng PB's para daw sa bookstore niya. Kilala ako dun nung mga employees kaya sinabi nila na ako si Cady Lorenzana. Then kinausap niya ako, most in english pa ang language niya. Kaloka. Nagpa-picture at nagpa-autograph din. Itong mga classmate ko naman, tuwang-tuwa! Dahil may dalang SLR, ang dami ko rin picture. Sila pa nagpahiram sa akin ng Gtech na ballpen. (Alam na kasi na ang pen ko ay puro mumurahin lang) Ha-ha.

And iyon, at 5:30, bihis na kami for Frustrated Idol. All black dress kami. Nakakatuwa lang. Siyempre, kinakabahan kami at first. Lalo na at tuyong-tuyo na ang lalamunan ko dahil wala pa akong iniinom after lunch. Grabe lang. But good thing, nanalo naman kami, peoples choice award. Ayos na din. Alam din namin nag-give din kami ng best namin kahit natalo kami sa mismong contest. Sina Bryan kasi, tinalo kami sa confidence! He-he.

(Patunay na nanalo din kami) hehe.

The end of the day, natulog sa amin sina Jonabel at Claud. Grabe lang pagod namin nung first day. Ha-ha

2nd day-- Dec. 9. Can I please leave it blank? Ha-ha. Alas singko na kasi ako pumasok. Pumunta kasi kami nina Mommy sa Lucena. Lucena! oo, anlayo! Haha. May kinuha kasi kami. Un, nag-SM lucena na din kami. Grabe lang, kapagod sa biyahe. Then ung baby Cady ko, may muntik ng magnakaw! Sinungkit sa bintana namin. Then un, nabagsak. This time, nasa Alabang siya. Sa Sony, for repair. Sana lang maggawa talaga.Teka, lumalayo na ako. Basta nagpunta lang ako nung 5. naka-attend ng kakapirangot na seminar and sandaling Earth Jam. party-party! Napakanta din kami ni Claud ng Listen.

3rd day-- wala na akong kuwento.Dahil hindi ako pumasok. Hahahaha. See SM Megamall for more details xD


OVERALL: I had fun--sa first day. Ha-ha

Azec Chase ♥

Sunday, December 11, 2011

Sm megamall booksigning

Kahapon, may booksigning sa SM Megamall. I was able to attend because CBA week sa amin. We don't have classes in FA kaya naman binigyan ako ng energy na um-absent. hehehe. And hindi ko ni-regret na um-absent ako.

8:00 am nang mapagpasyahan kong bumangon. Actually, pagod pa ako nun. As in. Kasi ilang araw na akong walang matinong tulog because of CBA week--na mamaya ay magba-blog din ako about. Bumangon ako ng ganun kaaga because of Paulene. I remember na sinabi niyang maaga siyang pupunta. At nang mismong nagtext siya na paalis na siya, saka ako bumangon sa kama ko at naki-text sa kuya ko.

10:00 am, umalis na ako ng bahay. Ung nasakyan ko pang bus, sabi nung conductor ay di daw dadaan ng SM Megamall. Mabuti na lang, narinig nung driver. At sinabing dadaan daw. Then ihing-ihi nga ako habang nasa biyahe. Ang dami kong nailabas pagbaba ko ng bus. Hahahaha. Then nakita ko si Paulene at kumain kami sa Mcdo. Float and chicken Fillet--as usual. xD

Mga 1:00pm, punta ng venue. Ang bongga lang ng venue. Conference room ng megamall. Look at the pic:
Sabi nila, kinabog daw ang Grand Fans day. Hahaha. At mayroon din siyang program---un nga lamang, 4 na nag-start.

Then bumili kaming PB. May raffle kasi. If worth 200 ang nabili mo, kasali ka sa raffle. But unfortunately, di ko naiuwi ung washing machine. *sobs* hahahaha. Pero ung mga nabili ko namang new PB, ung kay ms. SF ko lang napapirmahan. Nakakapagod din kasi pumila, K? hahaha

Actually, nakisingit na din ako si pila nila. Tutal, 1 PB lang naman un. Hahaha. Saka kay Ms. Mc, nagpapirma na din kami. :)) And at last, na-meet ko na si Jose Paolo na first time kong ginawan ng hawakan ang braso ng isang lalaki!!! Hahahaha.

Sabi nila, may chemistry daw kami? Hahaha. teka, gusto niyo bang makita? Ako ay kinikilig pa rin hanggang ngayon. Hahahaha. Ito o---

Well... Ang guwapo niya talaga. Para sa akin. Sabi nila,di daw gaano. Mas guwapo pa rin daw si host Jasper (na marami akong picture) kasama nun. Hahahha

And nanalo din ako sa mga Q and A dun na may prize na GC worth 200. :)) Dun sa excerpt ng kuwento nina Julianna and Benjamin na always and forever. Gulat ko nga kasi mukhang walang may alam eh sikat na sikat kaya ung book na un? He-he.

Nakapagpa-autograph din ako w/ some friends. Ate Marione, Karen and Nikka. May mga nagpa-autograph din naman sa akin--di ko na i-mention. Haha. Basta salamat na din. Na-experience kong mag-autograph gamit ang isang green ballpen.Hahaha

Nakapag-picture din kay Ms. Mc, at dream grace--na sabi ni Mommy ko, wow, mukhang close kayo, ha? Hahaha. Dati kasi, nde ganun ung pic namin. Haha. Ngayon, super close. Hahahaha.

Kay sir Jun din saka dun sa isang friend ni JP na guwapo, nakapagpa-pic ako. Pero JP pa din! Hahahahaha.

At 7:00pm, kumain na ako w/ SMP sa Mang Inasal. Pero mga mag-8 na yata na-serve ung food namin..na nahuli pa ung sabaw! Grabeeeeeeee lang. Pero enjoy naman. Nakilala ko sila. At nag-enjoy ako nang sobra. Paglabas namin ng SM Megamall na mga 8:30 na yata ay sinalubong pa kami ng fireworks. Ang ganda lang. Wala kasi ganun sa Batangas. Hahahaha.

Then mga 9, nag-aantay na kami ng bus ni Paulene pauwi. At mukhang muntik na din akong madukutan sa overpass. Buti na lang, napansin ko. Malaki-laki din kaya pera ko sa wallet ko. At hindi ako makakauwi kung sukaling madukutan nga ako. Pero thank God talaga at hindi. Mga 11:30 na ako nakauwi sa bahay. Pero keribels lang. Super enjoy naman. Sana maulit. Because I so love it. :))

Sayang lang, di ako makakapunta sa christmas party namin next saturday. Exam na kasi sa FA. :|

Azec Chase ♥

Sunday, December 4, 2011

I love .....

Hi. Girl you just caught my eye--oops! That's a song. And that will not talk about my post today.

Good eve. :))) Its Sunday. It must be a rest day for me but still, I feel like it still a day of so much troubles, uncertainties, problems and whatsover. I feel so much PRESSURE. Just like what I feel on my 1st year days...

Pressure in Studying bla, bla. I hate it. I hate my subjects this sem. And that will not talk about my post, too, today. Har-har.

Anyway, I love ...... HIM? Well, its been months since I met this guy. Not entirely met, but talked to this guy. He is nice. I like his personality. He is very different from me thats why I'm so interested to HIM. He's not handsome, but I like him. Some--how.

I like him because he cares for me. He listens to what I said. Give me advices. I feel like I am so much important to him. Even if he is busy, he still have time for me. He always said that being with me makes him happy. And the feeling is mutual. I just didn't tell him that...because, ahmm. Shy? Ha-ha. I don't know. I don't want to talk about our feelings to each other.

But we are really different. He is from _____, I am here. He likes Math while I hate so much of it. He likes vegetable and I am not that vegetarian. He doesn't eat pork while me, I frequently ate it. He loves frogs while I super hate it. He always study while me, I am not. He loves animals--especially the wild ones--while me, I love them,too. But most of them were just the pet animals--the dogs and cats. He likes the elephants, the tigers and so on.

But there is really something about him that--ah, I don't know. I know I feel like I'm so insane for having this feeling. I feel like we are having a relationship.. and that is more than friends. I don't know--I really don't know. I know, I'm just the one who is feeling it---well, I don't know, too. Haha. (too much I don't know!) I am afraid to ask because that might be the thing that will make this bond of us worst. And I don't like it. I don't like it if he will said that I am tired of this. That we cant chat anymore, and so on.

Why did I feel this way? Mahal ko na ba talaga siya? Oh nooooooooooo!

Cady Lorenzana

Wednesday, November 30, 2011

Another DREAM

When I was young, I dream of so many things. To be a teacher, nurse, architect, engineer and so on. On grade 6, i got interested in writing. I love to write poems and make stories. I don't know why I became like that. Maybe because one of my subjects--that I can't recall what is that--required us to make a mini-news paper. Then I realized I want to be a JOURNALIST.

I said that on my elementary yearbook. I want to be a journalist because I think I'm good in writing. Another reason is that one of my teacher there ask me to make a fable and I wrote one. The title is "ang Leon at ang Langgam". The story is about friendship. I cant remember the whole thing but it is really about friendship. A-ha-ha. My teacher said that it was nice.

Then highschool came. I still dream of becoming like that. Until 3rd year highschool--that was the time I got addicted to pocketbooks. I said to myself, I want to be like Ms. Sonia Francesca, Sofia, Heart Yngrid and other PHR writers. I want to become like them. I want to become a novel writer. That's why in my highschool yearbook, that is the one I wrote.

I first wrote my first one on that time, too. I was encourage by my other teacher also said that I have a future in writing. But unfortunately, that one is returned by the other Publishing Company--not PHR. It is MSV. They said it was juvenile and bla-blas. I was hurt but I don't cry. Then I said maybe, its not yet the time for me. Plus the added fact that our MS word at home got damaged. Thats why I wasn't able to write until I came in college. I tried again, 1st year 2nd sem. Still, I got rejections. But then, I am here now, 2nd year college. I have my first published novel. I thought it was impossible at first. That I can't be a novel writer on an early age like this. But still, I became one. And 2 are still upcoming.

I am happy that I fulfilled my dream. I really don't dream to be a CPA even if I took accountancy as my first course. I don't dream to be a manager even now that I am taking business administration. I am not good in Math although I like accounting way back in Highschool. But in college--it feels like I'm poor in it now. Ahahaha.

I feel like I want to shift my career. Even if I want to see myself, too, wearing those corporate attires and respected by many people. Going to big offices and sign papers. But I think, after that, I want to fulfill this ANOTHER DREAM. And I think it was really really IMPOSSIBLE.

I thought of it so many times. Just because of that Humanities class, I feel like I have the talent. The talent to act. My professor told me that I am good at it. That I am the best actress. Then I started to notice artists that are not great because of it. My mom told me that I was so mean because of that. But for me, I am just telling the truth.

I said to myself, I want to became an actress. And after that, to became a Movie Director. I told my mom and Riyan about this. My Mom told me that I can be a director because of what I am telling her when we are watching shows. "Bagay daw un sa akin." Riyan said that if I can aim it, why not? Everything is possible. For me, I just want to dream.

I know it sounds like crazy..and feels like this was a big big big dream. But I like it. And this is my another goal in life...I think. *wink

Anyway, its hello DECEMBER. Finished this post at exactly 12:04am :))

Azec Chase ♥

Monday, November 28, 2011

Non-sense?

Hi.. :))

Last Wednesday, approved na nga pala si Derrick! Yiee. It was worth the wait. ^_^ Mga 1 month and 2 weeks yata ako nag-antay ng feedback niya. Pero okay lang, approved naman, eh? God is so good to me this November. And many thanks to HIM talaga.

I like the story. Medyo funny kasi ito, eh. Nabuo ko ang buong concept while riding on a bus. Iyong nag-SM Lipa ako mag-isa. I already told the experience in my "Hassle" yata ang title, or nasa label na hassle. Ha-ha. May good side din naman pala ang experience na iyon. xD

Anyway, gusto ko lang mag-post. May WB kasi ako, eh. Wala talaga ako sa mood. Promise. Ahehe. But I am trying...to write Kevin's story. Marami ang nagre-request, eh. Sana lang maggawa ko ito. Talaga. :D

And to say that I kinda miss HIM. Sino? Sikreto. :P

Azec Chase  ♥

Monday, November 21, 2011

First week

First week of school is already finished. Today is the 2nd week and still, the school aura is not in my brain system.
I don't know why I was like this. I feel so easy-go-lucky. That I don't want to be serious in things. I'm always day dreaming. I don't focus on studies. Thinking of something while listening to the professors. I feel like I'm not ready.
I was like this for the past few days. Thinking of nothing. Doing of something not good. Doing nothing. And I hate it.
My mind feels like o.O . I'm not yet ready. I still want for vacation!!!

But anyway, the first week of school feels like so boring. First day is Physci class--w/c i attend in the other section because I changed schedules. Quantech--Ms. G is still the prof. >__< And I find it hard. (I hate math, okay?) I didn't attend HRM (Human resource management) because of the changing of schedule. And got nosebleed in too much deep filipino words in my Filipino subject.

2nd day--Tuesday, I only have one class. That is Taxation. Prof--Ms. Michelle. She's nice eventhough if her speech skills is kinda choppy. (thats what my classmates said) . But then, its 3 hrs because its just once a week. 12-3.

3rd day, Thursday. (I don't have class on Wednesdays) same schedule as the first day. I first attend HRM class--Sir Perez is still the professor. Its okay. Quantech--Ms. G is absent, so we got the chance to eat lunch because I don't have any vacant classes in my schedule for the whole sem. Physci--I got bored. Just doodling. And Filipino--got a somewhat kind of play.

4th day, Friday. PE class. So lucky to have my old prof to be our instructor again. Theres no "Sir Chuck" in the history of my PE class. Ha-ha. But the bad thing is that CSR(Good governance) our teacher looks like Einstein but talk like some damaged radio. Paulit-ulit! Got doodling again for 2 hrs and more. Got so bored. Thanks that he made us go home early even if our class is for 3 hrs.

5th day, Saturday. (Yes, I have Saturday class and I hate it) Financial Accounting. Our prof is kinda okay? Ha-ha. Kinda boring, too. He told us the history of his job from being a janitor to a professor for 40 minutes. Got us 30 mins. break. But discuss and write to the board as if the lines or going to the east, west, north and south. So bad. Tsssk.


Its kinda boring week, actyally. Too much doodling. And unfortunately, still don't have notebooks! Ha-ha. I hope this would be a successful semester.

Azec Chase

Sunday, November 13, 2011

SEMBREAK

Dahil wala akong maggawa, naisipan kong mag-blog na lang. I'm suffering kasi..from memory loss. Haha. Joke lang. Tinatamad akong magsulat. That's it. xD

Sembreak. What happened ba this sembreak? Hmm. Lemme think. K? Ha-ha.

May mga itineraries ako kapag sembreak or vacation madalas. Sabi ko sa sarili ko, I will read 2 english books and finished 2 manuscripts. But then, I did nothing. Ha-ha. Kalurkey lang. Puro pocketbook lang nabasa ko at ang mga MS ko, wala! Hindi natuloy lahat. xD

Masaya naman ang sembreak...kahit papaano. Nakailang punta ako sa mall. Nakagala din naman w/ friends. Nagpunta sa bahay nila Sheena. Nakapag-PC magdamag. Natulog. Kumain. TSETERATSETERA. Pero walang nagawang MATINO!

Pero okay na din. Basta masaya pa din..kahit bitin. huhu. Pasukan na bukas, hindi pa set mga gamit ko. Badtrip lang. Pero okay lang. May bukas pa at sa susunod na araw. (ano daw?) hahaha.

At miss ko na nga pala siya. Gosh, its been a week na. I'm waiting from Friday until now. Kahit isang mail, wala siyang pinadadala. Understand na may field study sila. Pero...haaay. Ewan okay. okay. okay. I'm depressed. Char! Sana bukas maka-chat ko na siya. Ang dami kong gustong ikuwento at ibida sa kanya.

Good night ~

Azec Chase

Thursday, November 10, 2011

2nd approved manuscript. :)

I got good news! :)))

My 2nd Manuscript have been approved! Iyong kay Caspian? Migad. Hindi ko akalaing ma-approve siya. Parang katulad lang din ng dati. A week before magpasukan. Un nga lang may bad news. I have Saturday class this sem. Hindi ko alam kung paano ko kukuhanin ang check.

And its already 11-11-11. *singit lang.

Every Tuesday and Saturday ang kuhanan ng check. Eh may pasok din ako ng Tuesday. Nakakabadtrip naman. Gusto ko pa naman tanungin iyong tungkol doon sa Translation. Kanina ko lang naisip na nakakainis kasi may sabado. Hahaay,

But anyway, wag na muna natin iyon isipin. Ang importante ay approved na siya! Kung alam lang nila kung paano ang pinagdaanan namin ng novel na iyon. Sobra, sobrang pighati. Hahaha. Char. Pero ang hirap talaga. Returned siya na pina-revise at na-approve. Kaya naman napamahal na sa akin ang bida. Ang dami rin na scene doon na isinulat ko sa notebook. Kaya naman nanakit ang kamay ko sa novel na iyon. But worth it because of this.
Thank you po talaga, Lord God. Sana rin po si Derrick ay pagpalain. Hi-hi. Kapag pinagpala siya, absent na talaga ako ng Saturday. Ahehehe.

*ayaw ko ng mag100 day photo challenge. xD

Azec Chase.

Tuesday, November 8, 2011

100 day photo challenge: Day 2:

Day 02 - A picture of you and the person you have been closest with the longest


My Mom. :)

100 day photo challenge: Day 1:

Day 01 - A picture of yourself with ten facts about you.


1. I'm a trying hard writer.
2. I love green.
3. I hate frogs.
4. I can't live without a pc/laptop, internet, books and bed.
5. I am moody.
6. I hate Math.
7. I can't go to the mall without buying a book.
8. I'm talkative.
9. I'm naughty.
10. I hate my name.

Card giving

Ay... mali pala title ko, bond paper giving pala dapat! Ang pangit kasi nung listahan ng grade namin. Nasa bond paper lang! Kainis. Wala pa rin GPA. Grabe kasi si Sir Beb, pa-major palagi. Hindi ko tuloy ma-compute ng ayos but then, I think okay naman ang grade ko.

Anyway, I just want to share this kasi masaya ako. :)) Hindi ko expected talaga na magiging ganito kaayos ang grade ko. Sabi ng Mommy ko the day bago magkuhanan ng grade, dapat mataas, ha. Sabi ko, sus, namumuro un sa dos. At binbilang ko lang talaga ung mga mala-line of 1 ko. (Kapag naka-line of 1, it means line of 9 ka) And in my shock, halos lahat line of 1. Hahaha. Business Stat lang ang hindi. I'm so happy, eh. :)) And I think, ma-deans list ako because of this.

Sayang nga lang. Kung sana ay ginalingan ko pa at ginawa kong dos ang business Stat, edi sana ay scholar ako sa school. Migad, half din ng tuition un. Mga 15k+ din un. Sana ay akin na lang ung kalahati ! Hahahaha. At hindi rin ako nahihiya sa Mommy ko lalo na at mababa ang scholarship ko sa BJMP. Tsk. Sayang talaga. Pero happy na din kasi baka mai-post ung name ko sa malaking tarpaulin sa school. O dba, sosyal? Hahaha

And nabili ko na nga pala iyong book ko. di ba, 1 week bago ako nakabili? Katawa lang. Hahaha. Ung mga classmates ko, bumili din iyong iba. Di ko expected.. heheh. kasi nde naman sila nagbabasa. Thanks na rin sa suporta nila.. Na-overwhelm ako. Sa kanila pa naman galing ang pinakauna kong signs :))) Tapos naglakwatsa na naman kami sa SM. Naglakad ng naglakad ng naglakad. Hahaha. Kasi naghabulan. :))) I miss the fun. I miss my Bracken Family.

Thank you Lord God, for this. Ang bait mo po talaga :))
Azec Chase.

Friday, November 4, 2011

Hi November :))

November na. Next month, December na. And after december, ano na? January! Birthday ko na. And hindi na ako Minor. 18 na po ako sa January 5. Legal na rin. Harhar.

Pero okay lang. Tanggap ko na tatanda na ako. huhu. But I love my year today, parang lahat ng gusto ko natupad. Char! Sana next year ganito din. Sana makasampu akong manuscripts. HAHAHAHA. (Ambisyosa)

Anyway, I just want to share what happened to me this past days of November. :)) Halloween, Book release, House, Festival and New Laptop. Yes, NEW LAPTOP! :D

Sa wakas naibili na din ako ni Mommy. Natupad iyong nilagay ko sa first page ng book ko na, Mommy, laptop ko, ha? Hahaha. And iyong gusto ko pang laptop ang nabili. No other than Sony Vaio. I love it. This is my baby. I'll name it Baby Cady :)) Just like what Gab's called to Cady sa kuwento kong One more chance. Harhar

Ito nga pala picture ni Baby Cady:



At sana maging masuwerte siya at makagawa kami ng more at maganda pang nobela. Baby Cady, please be good, okay? Hahaha. And nga pala, nakilala na si Cady Lorenzana last Wednesday. At friday na ngayon, I still don't have a copy of my own book. Hahaha. Buti pa ung mga classmates ko at iba pang friends, meron na. They say, maganda daw? Haha. I really appreciate talks like that. Sana marami akong matanggap na magandang feedback pa.

Azec Chase. :))

Friday, October 28, 2011

Happily Ever After in His Arms - First Book

Buhay na si Cady! November 2, 2011, unang makikita sa stores ang aking pinakaunang published na novel. Sana maka-harbat kayo. Excited ako na kinakabahan :))) Sana walang mang-okray. Harhar



Happily Ever After In His Arms 

By Cady Lorenzana

“Ano ba’ng meron sa `yo at dinadaga ang puso ko sa katorpehan?”



Hatred. Iyon ang nararamdaman ni Kate para sa best friend ng kuya niya na si Rodney. Paano ba naman, mula nang magkakilala sila ay wala nang ginawa ito kundi ang inisin siya. Kaya kahit saksakan pa ito ng guwapo, wala siyang ka-amor-amor dito.



Nadagdagan pa ang pagkainis niya rito nang malaman niyang ito pala ang dahilan kaya hindi pa siya nagkaka-boyfriend ever. Hinaharang at pinagbabantaan pala nito ang lahat ng manliligaw niya. Pakiramdam niya ay sinira nito ang buhay niya dahil sa pakikialam nito sa love life niya. 


Bilang ganti, pinahirapan niya ito. Pero hindi niya na-foresee na ang pagpapahirap pala rito ang magiging susi para mabuksan nito ang kanyang puso…



- Kahapon ko nalaman na mare-release na pala siya next week. And ahmm, ahmm... Hahahaha... Mag-isa nga lang akong naglalakad sa festival nang makita ko noti sa facebook mobile ni Ate Karen na nagko-congrats. Grabe, mangiyak-ngiyak ako na hindi malaman sa tuwa. Ahehehe. Para lang akong ewan ^__^ Ang daming nagko-congrats at binabaha ang wall ko. I was so overwhelmed talaga. Iyon nga lamang, sana marami ang tumangkilik. ^___^


FACTS AND TRIVIA'S:


x Rodney's name came from a slight crush na nakita ko nung RC-JPIA nang kami ay isa sa mga organizer o nag-aasikaso. Slight lang kasi siya lang iyong nakita kong maayos-ayos ang itsura doon. Abrenica surname niya kasi bigla yatang lumabas si Aljur Abrenica sa TV habang nagsusulat ako. Basta galing iyon kay Aljur :D Then the Snoopy thing---magka-rhyme kasi eh? hehehe. RODNEY SNOOPY


x Kate naman sa heroine kasi feeling ko kay Kate Middleton yata? Then Itch kasi may tita feeling ko cousin ko na din na si Kathy, tawag nung mga pinsan ko, Itch. Iyong surname niya nga pala, nakuha ko kay Aria Clemente kasi habang nag-iisip ako ng surname niya, biglag nagtweet si Aria.


x Ang unang scene ay singing in the shower dahil bago ko isulat ang chapter one, kumanta muna ako sa banyo :)


x Marry your daughter, isa sa mga themesong kasi nag-adik ako sa pakikinig diyan habang sinusulat ko siya. Iyong I'd rather naman in Piano version na tinugtog ni Rodney sa bar, naadik din ako doon :)


x Kevin iyong kapatid ni Kate kasi iyon lang iyong naisip kong malapit sa name niya. Habang ginagawa ko ang character niya, iniisip ko Kuya ko.


x Halos pareho kami ng character ni Kate. Financial Management course ni Kate, parang akin din, Management Accounting lamang ang tawag. Pareho kaming 5 feet ang height. Mahilig sa cookies. Feeling prinsesa sa bahay. Daddy's girl. Parehas kaming wala ng Daddy.




x My favorite part is iyong kumanta si Rodney ng Marry Your Daughter sa puntod ng Daddy ni Kate. Iyon kasi ang isa sa mga gusto kong gawin ng magiging boyfriend ko in the future. :)

Azec Chase.♥ aka as Cady Lorenzana

Wednesday, October 26, 2011

Nahuhulog na ba ako?

PS: Pipilitin kong mag-tagalog para kapag nakita niya ito, hindi niya maiintindihan?

Y/day saka nung isang araw, nagpunta ako sa bahay nila Jenny. Doon kami natulog. Nag-enjoy ako. Sobrang saya. Para lang akong nasa bahay namin kung umasta. ^___^ Ang saya-saya talaga. Kung anu-anong kalokohan ang ginawa namin. Muntik ko ng sirain ang eardrums ng kapitbahay nila Jenny at ng mga kaklase ko dahil sa pagvi-videoke. Hahaha.

Masasabi ko, sa lahat ng sleep over na napuntahan ko, dito ang totally nag-enjoy talaga ako. At dito rin ako nakaranas ng pinakamahaba kong tulog sa isang sleep over : 2 hours. Hahaha.

Anyway, nagsimula ako sa birthday ni Jenny dahil dito ka na-realize ang mga bagay tungkol sa amin ni... Well, hindi ko puwedeng sabihin ang pangalan dahil baka makita niya. Medyo nainis ako kasi nabasa niya pala iyong blog ko. Eh iyong last post ko pa naman, may nakalagay na something tungkol sa kanya. Hindi ko talaga expected na mababasa niya iyon. :(( Kaya nakakahiya. Although, binura ko iyong part na iyon nang sabihin niya sa akin na nabasa niya.

Siya ay isang lalaki na nakilala ko lang sa internet. Dalawang buwan na yata or so kami nagkakilala through sa isang site na for chatting. Noong una, talagang friends lang. Nilinaw na namin iyon sa isa't isa. Okay na, eh. Then ngayon, unti-unting pina-realize sa akin ni Franz na nagpaka-boy Abunda noong Friday na para daw may something. Hindi ko akalain na para ngang may something. Bakit daw ba kasi ako ganito kapag ganoon? Parang may feeling ako na gusto ko siyang makausap palagi.

Isipin mo, interview ako ng 2:30am to 3:30am dahil lang sa kanya. Then tinanong nila ako kung ilan ba daw iyong percent na in love ako. Sabi ko, 30%. Ang dami nilang pinarealize sa akin. Medyo tama nga naman. Peo masarap talaga siyang kaibigan, eh. Ewan ko. Minsa, parang obligado na akong i-chat siya pero gusto ko naman. Haay, ewan ko ba. Sabi nila, in love na daw ako. Ewan ko. Di ko rin sure. I-ask ko iyong best friend ko about this. Pupunta ako sa kanya mamaya, eh.

Anyway, sana hindi ako in-love. Dahil kung sakali, hindi ito magwo-workout.

3rd post for OCTOBER. At least, hindi iyong sembreeeeeeeeak ang last post ko. :))

Azec Chase. ♥

Monday, October 24, 2011

Sembreaaaaaaaaaaaak!

This is my 2nd post ngayong October. And so sorry talaga, blogger. Kasi naman bumagal net namin, eh. Pasensya ka na talaga. Mukhang dalawang post lang ang magagawa ko ngayong buwan. ahehehe.

Anyway, its already SEMBREAK! I was glad. 3 weeks vacation. :))))) No school, no business stat but no allowance. Harhar. But that's okay. I have a lot of time to earn money because of writing. But the problem is--i don't know what will I write.

I was excited na sa sembreak kasi nga gusto kong magsulat. But holy shit naman, oh! Ang dami ko ng ideya nung isang linggo. Pero nung tina-type ko na, pumapangit. Bakit? Ewan ko. Naiinis na talaga ako sa sarili ko. :(((

Naiiyak na nga ako, eh. I told myself 2 MS. 2 MS. 2 MS. Ngayong sembreak! Pero wala pa rin kahit isa. I need a good plot. Iyong walang sabit. Pleeeeeeeeaaaaaaaaaase?! And nga pala, iyong book ng the son of neptune, wala pa rin. huhu. meron na pala, naubusan lang ako. Kainis lang. Birthday nga pala ni Jenny bukas, doon kami tutulog, so it means, di ako makakapagsulat. Sa wednesday naman, pagod ako for sure. Thursday, celebration kay Sheena. Tapos mag-weekends na naman at malapit ng mag-november 1. Di sana ako mag-aalala kung may laptop ako, eh. pero WALA, WALA, WALA!

Haay, nagtatampo ako kagabi. Ayaw ko na sabihin ang reasons pero naiyak ako. Ang dami kong nare-realize. Unfair talaga ang buhay.

Pero alam mo kung ano ang masasabi ko? Leech kasi napakawalang kuwenta ng post ko! KTHNXBYE.

Azec Chase. ♥

Tuesday, October 11, 2011

Hell week

Sa lahat ng ayaw kong week sa mga sems, ito ang pinakaayaw ko. A week before the finals exam. My mom asked me y/day, "finals niyo na?" I said, "Sana nga finals na." Kasi naman, mas gusto ko pang mag-finals na kaysa magkandaletse-letse sa requirements. But good thing, iyong business writing na lang problem ko... And of course the clearance. harhar.

Kaya naman ito ako, wala pa natatapos kasi sa dami ng kailangang gawin. May MTV din kasi kami sa Literature. Lima un. Kaya talagang gahol kami sa oras kasi naman last week lang nag-group. Tapos masyado pa kaming busy. Plus the added fact na kinawawa ung group namin. huhu. Kaya honestly, wala pa akong matinong tulog, este matinong gising this past few days.... Masaya lang ngayon kasi tapos na. Magkakaroon na rin ako ng matinong tulog mamaya :D



Anyway, first post ko pala ito ngayong October. ^__^
Azec Chase.♥

Friday, September 30, 2011

Then cry.

Yesterday, I got Derrick's result. He was my first for revision manuscript. and suddenly, it was now returned. Hindi daw umabot sa pamantayan ng editor ang ginawa kong pagre-revise. But she said, if I can rewrite it w/out the wrong things I've done in the MS, then write.

I want to. I had now my scenes/conflicts/bla-bla. Don't know dahil napamahal na rin siya sa akin. And I love Artemis, too. Sabi sa akin nung editor, she loved the character,too. Ang cute-cute kasi niya. Saka sinabi rin sa akin na maganda daw ung panimula ko. Kaya naisip ko, sige, kaya ko ito. Nag-isip ako. I went brain bleeding, actually. Then I cry. Why? Dahil pakiramdam ko, ang tanga-tanga ko na naman. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. >___<

Sabi nung classmate ko, dahil hirap na hirap sila sa FA, kapag daw pakiramdam mo, hindi mo na kaya, iiyak mo lang daw. Mawawala din yun. Un daw kasi ung sabi sa kanya nung BF niya. Then I did. Normally, di ako naiyak kapag ganoon, eh. Kaya siguro masyado akong nasasaktan. But then, when I cry and pray tot he Lord, what should I do? Kaya ko po ba ito? Pakiramdam ko, gumaan iyong pakiramdam ko. It makes me light.

Nakaisip nga ako agad ng magandang gawin. And thank you na thank you talaga. Sa susunod kapag pakiramdam ko, di ko na talaga, iiyak ko na. Nakakagaan din pala. ^^ Then nag-mail ulit sila sa akin. They said, kumpara sa mga last works ko, ang laki daw talaga ng improvement ko. I was glad with that. It means na, shit, my improvement ako! Hi-hi.

Haay, parang wala na naman kuwenta itong post ko. Anyway, I got my grade in the Statistics Exam. I was glad I got 90. Dahil bobo ako sa math, masaya na ako dun. :P

Azec Chase. ♥

Tuesday, September 27, 2011

Kung aagawin mo...

Ang langit! Bow.

Its so lamig-lamig ngayon and it so good to sleep the whole day. Na ginawa ko nga. Hihi. Tamad ko! Kaya hindi ako magkakadatung nito, eh. :P Siguro maya na lang ako mag-iisip ng pangpahaba dito kayna Luc and Penelope. Kahit may naiisip na akong scene. Di ko lang alam kasi kung paano ko sisimulan.

Okay, Kung aagawin mo...ang langit! Kasi naman, itong teleserye na ito, masyado akong pinapainis. Nakakainis talaga si Michelle Madrigal, sorry for the fans, pero I really don't like her. Ako, iyong tipo ng taong mahilig sa kontrabida pero pagdating sa kanya, nababadtrip ako. Siguro dahil gusto ko si Carla Abellana, (Ellerie) na siyang inaagawan niya kay Mike Tan (Jonas). At crush ko din si Mike Tan. Harhar

I hate the story din, actually. There was this time na christmas, bumili ako ng pocketbook. Siyempre, marami akong pera kaya nakabili ako. Sabi ko, parang maganda kasi readers choice. Then nung nabasa ko, nainis lang ako. 2 books pa naman siya. Kaya simula nun, hindi na ako bumibili ng books ng author na un kahit sabi nila, magaling daw un.

Parang ganun din ung kuwento nitong sila Ellerie. Iyon nga lang, ang nakakainis sa kuwento nila Ellerie ay itong si Bridgette. Umasa-asa siya eh! Dun kasi sa pocketbook, ang pinakabida ay ung binuntis. Nakakabadtrip lang. Pero sa tanga ko naman, pinapanood ko din. Napaka-one of a kind ni Jonas dun. Wew! He's so cute din. Tapos kahit inaakit siya ni Bridget, di siya nagpadala. Haay, sana may ganito ding lalaki `no?

Sa totoo lang, nakaka-relate masyado iyong isang experience ko sa life dahil dito. Kasi itong si ano, umasa-asa siya. Iyon nga lang, parang kami iyong dehado. Kung sana, naging katulad na lang ni Jonas itong si boy, edi sana okay lang lahat. sana naging faithful na lang siya. Siguro, mababawasan din iyong inis ko sa teleserye. E-hehehe. :P

Naiinis,
Azec Chase.♥

Saturday, September 24, 2011

My day 9-24-11

Magandang...gabi? Ahihi. This was such a great day. Kahit na ba nahilo ako kasi nde ako kumain ng lunch at ang breakfast ko ay kaunti lang. At kahit nakakabadtrip ang IT nga pala dahil pa-major ang HTML.

Today, SM calamba booksigning. 1st time kong makapunta sa ganitong event. And migas! Ang dami kong na-meet, nakilala at nakabiruan. And I really really love it. Nakilala ko ang mga idols ko =))

Almost lahat ng PB na dala ko, may pirma. Iyong kay Ms. Martha lang ang wala kasi wala siya. Tapos iyong ibang wala akong PB's, dun na lang ako sa fan nagpapirma. ^_^

And guess what? Kada punta ko sa writer, when they will ask me my name, nakikilala agad nila ako. har-har. When I say, Azec po. Sabihin nila, Azec Chase? Haha. Ganoon na ba talaga ako kaadik? Then wala pa naman iyong novel ko, may nagpa-autograph na din sa akin. Migas. Na-tats naman ako! At ang panget ng sulat ko, aherher. kakahiya lang. Anyway, I think, malapit ng lumabas si Rodney. And it gives me so much pressure. Sana magustuhan siya ng tao. Sana mag-click. Please. Please.

Still not yet having Derrick's feedback. Ewan ko nga kung bakit, nauna pa sa kanya si Prince na returned naman. But its okay. It means na hindi ko na kailangang gumawa ng series pa sa mga kabanda niya. Ahihi. Saka nde ko rin masyadong trip. I'm currently working with another MS today, entitled, wala pa. Ahahaha. Wala pang title! Iyon. Basta ang characters, Luc and Penelope. Nasa 5k words na ata ako. And thank God =))

May mga writers din na alam pala na writer ako. Kala ko, si Ms. DG lang. Kasi napag-usapan namin iyon...via message! Bukod siyempre sa mga palagi kong nakaka-interact like ate marione :)

Then pag-uwi ko, si Kuya lang ang tao. Para pang tanga kasi tanong ng tanong kung ano daw ung pen name ko, siyempre sinabi ko. And Good news nga pala, asawa na muli ako ni Guji. Sabi nila Cady Lorenzana na talaga pen name ko. Ahihi. Then sabi ni kuya, ipagkakalat daw niya sa mga friends niya. Hindi ako na0-tats kasi natawa siya.

Then I talked to him. Sabi ko, kuya un bang si ____ ung si ____. Sabi niya, oo. Tinanong din niya kung in-add ko. Siyempre nde. Tinanong ko kung nakausap na ba niya iyon. Oo daw. And yes, nasa ibang bansa na nga siya. So sad, malabo na yata kaming magkita. And for the first time, I explain my side to him. Ewan ko ba kung bakit ako nagkalakas ng loob na makipag-usap sa kanya ng ganoon. Siguro kasi parang good mood siya at trip niyang makipag-usap. At hindi ko na rin pinalampas ang oras na iyon para tanungin ko siya kung bakit sila nag-break ni Ate Christine. Pero hindi naman niya ako sinasagot. Basta lang ng basta. Tapos nagtanong din siya ng mga details about Ate Christine. Kung nag-uusap daw kami. Sinagot ko naman. Feeling ko may pag-asa pa si Kuya na makipagbalikan. Base sa mga nakikita ko na post ngayon. Iyon nga lang, mahihirapan siya. Kawawa naman si Kuya kung ganoon. Marami pa sana akong gustong sabihin kay Kuya iyon nga lamang dumating iyong tita ko. Nakipag-usap sa akin. Sayang. Nawalan tuloy kami ng moment ni Kuya.

Pero okay na din. Lumuwag ung feeling ko kasi nasabi ko sa kanya ung side ko kaya nagawa ko iyong bagay na iyon. Thank you Lord God for this day. :))

Happy,
Azec Chase. ♥

Tuesday, September 20, 2011

View.

Last night, na-realize ko iyong mga bagay bagay sa buhay ko nang dahil sa librong nabasa ko. There was a quotation there saying,

"I believe in myself because there's someone who is believing on me"


I was like, o.O. May post ako dito na sabi ko sa sarili ko, I don't believe in myself. Kaya nga kapag nakakatanggap ako ng feedback sa mga manuscript ko, my mind always say, it was a returned one again. I was always like that. Because I don't believe in my self.


Why do I don't believe in myself? Siguro dahil, there is no one who is believing on me. Honestly, wala akong sinasabihan kapag nagpadala na ako ng manuscript. Dahil natatakot akong baka kapag na-returned un, sabihin lang nila sa akin, pangit naman `yan...Na hindi talaga ako worth it sa mga bagay na ganito. Kasi may mga times na na-experience ko yan. Kaya nga hindi na lang ako nagsasalita, eh. I was hurt. Pero sila, ni wala naman silang pakialam, eh. Ano naman kung masaktan ako? Kasi isa pa rin naman akong magaling manakit.

That's my view in LIFE. Takot ako sa mga bagay kaya kapag may gusto akong i-try, parang gusto ko na lamang itago iyon sa sarili ko. There were people who will say, "sus, hindi mo naman kaya `yan!" even in myself, I want to try. Kaya naman parang nawawala na rin ako ng bilib sa sarili ko dahil sa sinasabi nilang iyon.

Then my view in LOVE. Noong bata ako, mahilig akong maniwala sa mga fairy-tales, sa mga happy ever after. At hanggang ngayon, kaya nga ako mahilig magbasa at manood ng mga romance book/movies. Pero deep inside me, ayaw ko ng maniwala. Para ngang niloloko ko na iyong sarili ko sa pagbabasa at panonood. Or ito lang iyong isa sa mga paraan ko para maibalik pa rin iyong paniniwala ko kahit na ba madalas, nasasabi kong, "that's not reality, that only happens in the books and movies."

My life is not perfect. lahat naman, eh. Although, nung bata ako, I feel like it was perfect. I had the perfect dad, perfect mom and somehow a perfect brother. Pero lahat iyon nagbago nung nawala si Daddy. I discovered the secrets, I felt all the pain. Idagdag pa ang nangyari kay Mommy. Kahapon, nag-tweet ako, sabi ko, "Sana hindi na lang nalaman iyon, siguro hindi naging ganito ang view ko..."

Because I found out a secret. Naalala ko ito because I opened up to Riyan, he's a chatmate from India. (ngayon ko na lang na-try muli makipag-chat sa iba, the other weekend pala.Wala lang, may block kasi utak ko.) Dahil sa sikretong iyon, naisip kong wala ng matinong lalaki sa mundo. Dahil din sa nangyari sa kuya ko at sa gf niya at sa mga napanood ko sa TV this past few days, iba na talaga iyong nagiging view ko.

Wala ng prince charming.

They made me feel the bitter reality. Kaya ako, feeling ko tatandang dalaga na lang ako. Weird na kung weird. I am a romance writer and my view in life is like this? Tsk. Bubuhayin ko na lang sila sa mga nobela. At sana, balang araw, mabago din nila ang paniniwala ko ng dahil sa mga nangyari sa buhay ko.

weirdo,
Azec Chase ♥

Friday, September 16, 2011

Selfish love

Selfish Love. Ang title ng post ko. But this one is really not about a selfish love post. Sa totoo nga, ito pa ung love na nagparaya....at ako iyon.

Well, selfish love because I made a novel out of this experience. Iyon ung naging kinalabasan kahit na ba iyong totoo naman ay hindi. I was hurt that time. He gave me an inspiration to write one. Because of what he said to me.

And who is that HE? Sabihin na natin siyang si John, siya ung bida dun sa selfish love. And me, I am Rainie. I was in love with this guy. He's cute, magaling siyang kumanta at magaling din umarte. Napapatawa niya ako. And we are close friends. We are like best friends actually. Para din kami sa kuwento na si John and Rainie. I like him. Pero ako lang ang nakakaalam.

I kept it to myself because mayroon din akong friend na may gusto sa kanya. Although this girl, parang nahahalata niya, di ko na lang din talaga tinatapat. I was scared. Saka pano kapag nagsabi ako? Baka lumayo siya sa akin. I don't want him to go. Sapat na sa kin iyong ka-close ko siya. Iyon nga lang, may mga bagay din na nalalaman kang masakit kapag ka-close mo itong isang tao.

Okay, I'll give other details about JOHN and how I fell in love and my pakipot modes and ecklavoo. Sabi ko nga, masaya siyang kasama. Marunong din pala siyang maggitara. There was this time that he asks me to sing while he strums the guitar. The song was from paramore. And because of that, I gave him my own code, Mr. Pressure. :)) Tapos nung crush ko siya, inaartehan ko siya. May isang linggo atang nagpanggap ako na galit ako sa kanya with no specified reasons. Siyempre, nagtataka siya. Hahaha. Uso pa nun dati ung Friendster. Sa FS ng section namin, I posted them na galit ako dito sa taong ito. Hindi ko sinabi iyong name pero halata naman niya. Kapag nasa school kami, kita ko iyong tingin niyang para bang nagsasabing "bakit ba?" Tapos, parinig pa ako nang parinig sa bulletin ng FS. Siya nga din, nag-bulletin, eh. Grabeng tawa ko dahil masyado niya talaga akong sineryoso xD But in the end, siyempre nagbati din naman kami :))

Then by the middle of the school year, kinonfess niya sa akin na may gusto daw siya sa friend ko... Well, that friend of mine and I were kinda close, too. Siyempre, I was hurt. Pero ano ba ang maggawa ko? Iyon ung gusto niya. Tatanggapin ko. Kahit na ba sad. :( At alam mo ung mas masakit? ako pa iyong naging tulay nilang dalawa. Dahil may pagkatorpe itong guy na ito. Pero sabi ko nga, wala naman akong karapatan. kaibigan niya lang ako, siya iyong crush niya...and later on, minahal din niya. :((

by January when they broke up. Medyo sinamaan din ako ng loob noon kasi after the hurt, ganun din naman pala ang mangyayari. Iiwan lang siya nung girl. Sinabi niya sa akin iyong mga hinanakit niya. Hindi ko nga alam kung hanggang ngayon, naka-move on na siya dun sa ginawa nung girl na un. Because the last time na nagkita kami, naglabas na naman siya ng sama ng loob. Bitter pa din. Pero nagka-gf na din naman siya after that time...

Then valentines day. May bago siyang crush. As usual, sinabi na naman niya sa akin. Pero wapakels na lang ako kasi feeling ko, wala din naman patutunguhan. Saka parang nawawala na din ung pagka-crush ko sa kanya. Then valentines day na nga. Before the day pala, he said to me, bibigyan daw niya ako ng flowers. Siyempre, naging masaya ako. If ever, siya ang pinakaunang magbibigay. Pero nakaka-disappoint lang, isa lang ung dala nya the whole day. And it was intended for his new crush. Nung mga afternoon na, hindi niya pa rin naibibigay. Torpe nga kasi. Tapos sinasabi na niya sa aking, sa `yo na nga ito. Kasi nga hindi niya maibigay, eh. Pero hindi ko tinanggap. Kukuhanin ko iyong bagay na hindi naman talaga para sa akin? That's insane. Kaya in the end, doom ang valentines ko nun.

Retreat 4th year na ito. Pakiramdam ko, nawala na ung pagka-crush ko sa kanya. pero minsan bumabalik pa rin. Hindi ko na rin siya classmate. pero barkada pa rin kami. Palagi ko pa rin siyang nakakausap at nakakasama. Kinulit ko siya, sabi ko, gawan mo kong retreat letter! paulit-ulit! Then di ko akalaing gagawan niya nga ako. Siyempre, lalaki siya. Most of them, walang pakialam sa mga ganito. Although, hindi maganda ung letter, nasa bond paper lang at pencil pa ung pinansulat, I'm so touched. Dahil yong sabi niya sa sulat, "Ikaw lang ang binigyan ko ng retreat letter," Habang binabasa ko muli iyon, napapayakap ako sa letter. Ang baduy ko. xD

Then Lidicsa, I was happy this time dahil muntik na niya akong yakapin, ako lang ung pumalag. And know what? Muntik na kaming mapaaway dahil dun. Nadali kasi nung kamay niya iyong isang lalaki from different school. This one is a great memory of me and him. Natutuwa lang ako kapag naalala ko. Lalo na ung mukha niyang parang natatakot :))

Then Christmas party (4th yr) Kinulit ko naman siya. I ask him a gift. Akala ko nga, i-indian-in na naman niya ako. Pero hindi! Binigyan niya talaga ako. Kahit hindi talaga stuff toy na malaki, lace na may kasamang stuff toy. May price pa nga ata, ehehe. I also gave him a gift. Na mumurahin lang, compare sa binigay niya sa akin.

Then JS prom (this was 4th yr and a sad memory)Sinabi na naman niya sa aking isasayaw niya daw ako. I waited. Pero hindi niya pa rin ginawa. Alam mo ung tipong sinabi niya pero di naman niya ginawa? Nakakainis. Kaya hindi ko na-feel din ung JS prom namin. Kasi inaantay ko ung pag-alok niya sa akin na isayaw niya ako. Pero di nangyari. Iyon lang ung makakapagpasaya sa akin kung sakali pero di nangyari. Saklap lang. Days after the prom, he said sorry kasi nakalimutan daw niya. Kahit di ko sinabi sa kanya na kinalimutan niya.

Tapos graduation na. May mga nangyari, pero di naman ganun ka-importante. Hindi na kami the same school nag-aral nung college.

College. I was like over him. Pero di pa rin pala. Kasi nasaktan ako, when he said to me na may gusto siya sa best friend ko. This was the type that, shit talaga! Kasi nung una, close friend ko lang, ngayon, ung best friend ko na. Nasaktan na naman ako. Bakit palagi na lang ako ung sinasabihan niya ng mga love life niya? Ako na lang palagi at ako pa ang nasasaktan! Nakakainis siya. Pero the same, what can I do with it? Iyon nga ang gusto niya. alangan namang sabihin ko na, hindi ka niya gusto! Na siraan ko ung best friend ko sa kanya. I can't do that. Tapos, there was this time na ung best friend ko na un, na ka-batch din naman nung highschool, feeling ko may gusto rin sa kanya. Kaya hindi na ako umimik pa. Nang nagtanong siya sa akin about the details about my best friend, siyempre sinagot ko naman. Kahit nasasaktan ako. Palagi na lang.

Pero hindi na rin naman yata natuloy ung feeling kong muntik na niyang panliligaw. Kasi may bago na naman itong boy na ito. Pero okay lang, my feelings for him were gone.

Okay, may isa pa pala akong kuwento. Valentines day na naman. I told him, yayain mo ba si ____? That's by chat. He said, no. Wala nga daw siyang ka-date. Tapos bigla-bigla niyaya niya akong makipag-date! Pero lagi namang di natutuloy, eh. Kaya sabi ko, hindi ako puwede, hanggang 6 ako sa school. So wala rin.

And now, I'm over him talaga. Ewan ko kasi hindi ko na siya nakaka-encounter o nakakasama ng matagal this past few days. Maybe, enough for the happiness and the hurt. Hindi ako naging selfish sa kanya dahil hinayaan ko na lang ung nararamdaman ko na mag-fade away. I don't know if he had feelings for me. Siguro ung ibang pinakita niya, little sister attitude lang un. Haay, pero okay lang. It's not yet the end of the world nang dahil lang sa isang lalaking minahal ko, natuwa ako at nasaktan din ako. May susunod pa... At sana si Guji na un :))

</3,
Azec Chase. ♥

Thursday, September 8, 2011

Bad girl.

Good eveeeeeeeeee~

Ilang araw ko ng natanggap ang feedback ni Caspian.. at ilang araw na din akong tigang. LOLOL. Joke lang po! Ahehehe. I was like, ahmmm. May naggawa na ako, na-edit at ewan! Ang hirap kasi. Minsan, naiisip kong pabayaan na lang siya. But I couldn't. Di ko kaya. So I try and try.. And weeeh, ewan ko. Wala pa siguro sa isip ko ang katinuan. xD (kailan ba nagkaroon?)

Kaya naman I decided to watch a movie. Way back home. Well, dahil dito, may naisip akong plot? Ahehehe. Honestly, matagal na siyang nasa isip ko, di ko lang na-trip gawin noon. Siguro gagawin ko siya, mga two-thousand and alien.  xD

Err... Okay, back to it. Title, Bad girl. Si Julia kasi, parang ang bad niya dun, right? Pero at least na ay Katherine(Anna) ako maiyak, kay Julia(Jessie) ako naiyak. Why? Ewan ko, she's great. Ahahaha. And I always love antagonist. Don't know? Ahaha. Maybe because in my life, I've always been an antagonist. LOLOLOL. I admit I'm kind of bad girl, lalo na nung bata-bata pa ako. But that's part of life. Alam ko, hanggang ngayon, ganyan pa din ako. (how I wish na mabago ko) hihi. Marami talaga kasing circumstances na... well, its hard to explain. And anyway, I've been crying the whole movie.? No, almost pala. Basta, nakakaiyak siya. I can relate? Somehow? While looking at the picture.... I remember HER... `Hope she's okay, even if I can say that SHE's really okay... Siguro nga, more than okay pa siya sa akin. Kung alam niya lang, na I have reasons why I did that. Why did I say that.... Sana maintindihan nila, niya... I love HER naman, iyon nga lamang, may mga bagay talaga na hindi puwede...

I understand Julia. At mas gusto ko talaga siya kaysa kay Mara. Kasi nga mahilig ako sa mga kontrabida. Whenever I write, I always love the point na darating na itong si kontrabida at mag-aaway sila ng bida. Ginaganahan ako. Ahaha. Lalo na kapag nag-aaway. May ganyan kasi akong ugali.. KONTRABIDA. At kapag nga ako naging artista(ambisyosa) gusto ko kontrabida. Nung gumawa kami ng drama play sa humanities noon, I'm the protagonist, na-enjoy ko siya pero mas na-enjoy ko ung role ko sa filipino,(na-after a week nangyari after the play in humanities) bilang kontrabidang nanay. Ang sarap manampal! Ahahaha. Joke! Gusto ko ung mga bangayan, eh. :)) I'm a weird and bad girl kasi. xD

Anyways, kakatapos ko lang i-edit iyong PPT ko sa IT. And so cuteeeeeee! Percy Jackson ung website ko! Ahahaha. Sa saturday or by tomorrow ko na lang siya finish. I still have classes tomorrow. And it's 7:30 am. Mi-gosh, Business Stat na naman. >___< So Goodnight for now! :))

Imma bad girl,
Azec Chase.♥

Sunday, September 4, 2011

Caspian's hope.

I'm not that happy to announce that Caspian is for revision. Not happy? Because ang daming suggestions. >.< Di kagaya kay Derrick na ecstatic pa ako. Haay, sakit talaga siya sa ulo. But I thank God for this na din kasi binigyan niya ng probability si Caspian.

Chance. Hope. That is you, Caspian. Sana matapos kita sa Wednesday. Ambisyosa? Ahehe. Eh gusto ko lang. I love this. Sana magsunud-sunod. Saka sana approve si Derrick. Please-please. :D

And I'm revising na. Gusto ko lang sanang ibahagi sa inyo ang isa sa mga naging result ng pagre-revise ko. I was like ^__^ when I had this conversation between them. I like fight scenes, eh. Bakit ba? Ahaha. Fight ba ito? Basta, trip ko ang eksena na ito na kakatapos ko lamang isulat....


          This is Caspian's POV.

“Marianne, Jessica—my girlfriend--will be going here by Thursday….” Anunsiyo niya dito na kinalingon nito sa kanya.

“Ha?” ramdam niyang tila nanlamig ito sa sinabi niya. “Pero paano ang plano natin? Paano si Casey?”

Bumuntong-hininga siya saka tumabi sa kinauupuan nito. Alam niyang mahihirapan talaga siya kung sakaling dumating si Jessica. Paano niya ipapaliwanag dito ang lahat? Alam niyang maunawaing tao si Jessica. Iyon ang isa sa mga characteristics na nagustuhan niya dito kaya naman niligawan niya ito. Pero maunawaan kaya nito ang lahat? Na may anak na siya ngayon? Tapos nagkrus muli ang landas nila ni Marianne na alam niyang nagiging insecure ito kapag iyon na ang nagiging topic.

At paano si Casey? Malulungkot ito kapag nalaman nitong wala ng pag-asang magkatuluyan muli sila ng ina nito. “That’s my problem. Pero hindi ko naman puwedeng pabayaan na lang si Jessica.”

“So kailangan naming umalis sa tabi mo ngayong darating na ang girlfriend mo? Iyon ba ang gusto mong sabihin?”

“Oh, well, it’s not like that. I don’t want you and Casey to go. That’s not what I am thinking right now. But Jessica will be with me for the past few days. Hindi ko naman siya puwedeng pagsinungalingan. Baka magalit siya. Kaya magbabago ang plano natin ngayon. Hindi na tayo magpapanggap. We will say Casey the truth about us. I know it is hard but it’s the right thing to do. Iyon nga lamang ay dadahan-dahanin natin siya.”

“Mahal na mahal mo talaga ang girlfriend mo. Ayaw mo siyang masaktan…” ramdam niya ang pait sa boses nito sa pagsabi noon.

“Ganoon naman `di ba, kapag mahal? Ayaw mong masaktan ang taong mahal mo.” Parang nabuhay muli sa isipan niya ang ginawa nito sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon.

Tumingin ito sa kanya. “Gusto mo bang palabasin na hindi kita minahal noon dahil sinaktan kita?”

“Ganoon ba ang pagkakaintindi mo?” may pagkasarkastikong sabi niya dito.

Huminga ito nang malalim. “Minahal kita, Caspian. And I don’t mean to hurt you…”

“Really? But you did, Marianne! Kung talagang ayaw mo akong masaktan, hindi mo ako babalewalain nang ganoon! Gagawin ko ang lahat para sa `yo pero ano ang ginawa mo? Iniwan mo lang akong parang basahan dahil ang akala mo sa akin, magiging distraction lang sa buhay mo! Pinatunayan ko naman sa `yo noon na kaya kong maghintay, na hindi kita gagambalain kung ano man ang gusto mo, huwag mo lang akong iwan but you still dumped me! You hurt me like hell!” parang binigyan siya nito ng energy drink sa paglabas ng sama ng loob dahil sa sinabi nito.

“Hindi ko sinasadyang gawin sa `yo iyon, Caspian. Mahal kita. At mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon. Kinailangan kitang iwan noon para sa career ko dahil pakiramdam ko, hindi kita mapapagtuunan ng pansin dahil magiging busy na ako. Ayaw kitang makasama dahil natatakot akong baka lalo ka lamang masaktan kung kasama nga kita pero hindi naman kita napapansin. Nararamdaman ko noon na kahit ikubli mo pa, nasasaktan ka kapag hindi kita nabibigyan ng oras ko. Isa pa, nais ko ring bumalik ang focus ko sa pag-arte. Kung patuloy lamang kitang makakasama, hindi ako makakapag-focus ng tuluyan sa pangarap ko. Hindi naman sa sinasabi kong distraction ka para sa akin. Ayaw ko lang ma-distract sa katotohanang nandiyan ka sa tabi ko pero hindi naman kita napapansin.” pagpapaliwanag nito sa kanya.

“Enough! What is the used of your reasons now? Tapos na ang lahat sa pagitan natin. Sinaktan mo na ako! At sinabi mo pang humanap na ako ng ibang babaeng mamahalin ko na kayang pantayan ang pag-ibig ko sa kanya! At nakahanap na ako. I’m sorry if you still love me right now. Pero may iba na ako. At ikaw mismo ang pangunahing dahilan kung bakit naghanap ako. Dahil sinabi mo,”

Nagyuko ito ng ulo. “I know this is my entire fault. And I’m so sorry. For what happened, for you and for myself. Hindi na ako dapat nakakaramdam ng ganito, eh. Pero mahal pa rin kita, Caspian. Alam kong mali dahil may mahal ka ng iba pero hindi ko kayang pigilan.”

“But you should be. Dahil kahit ano ang gawin mo, kahit na may anak pa tayo, hinding-hindi na babalik ang pag-ibig na binigay ko sa `yo noon.” Mabigat sa loob na sabi niya at umalis sa harap nito. She loved him. It feels great but at the same time, it also feels sad. Sayang lang ang pagmamahal nito. Wala na ding pakinabang ang lahat ng dahilan nito dahil tapos na ang lahat. May Jessica na siya. Kay Jessica niya natagpuan ang babaeng tinutukoy nitong hanapin niya. Natutunan niyang ibaling dito ang atensyon niya kahit na ba mahirap iyon. Sobra siyang nalulon sa pagmamahal niya kay Marianne kaya nahirapan talaga siya. Kaya naman hindi niya aalisin ang paghihirap niyang iyon. Once is enough. Kahit na ba may anak na sila, sapat na ang unang nagpakatanga siya. Na nasaktan siya. Kay Jessica na lamang dapat na ibaling ang puso niya. Dahil kay Jessica, alam niyang hindi siya masasaktan hindi kagaya nang nangyari sa kanya sa piling ni Marianne.
Hoping for a nice feedback,
Azec Chase. ♥

Saturday, September 3, 2011

Love or Lust?

Love is an ugly, terrible business practiced by fools. It'll trample your heart and leave you bleeding on the floor. And what does it really get you in the end? Nothing but a few incredible memories that you can't ever shake.


Well. Bakit ba ako ganito? Bakit ko ba naisipan mag-post? Hmmm. Maybe its because... Well, nanood ako ng MMK kagabi. Iyon ang dahilan. Kahit na ba medyo matagal ko ng gustong i-post ang about sa topic na ito, ngayon lang ko muli naisipan at sipaging isulat.

What is Love? Para sa akin ang the best description, ung quote sa itaas. Ewan ko, ha. Nung pinadala sa akin `yan nung classmate ko as a GM, parang iyan na ung description ko. The quote comes from Little Manhattan. And I agree. Ewan ko, bitter ako? Ahmm, okay. I know I'm like this being cynical. Pero masisisi mo ba ako? I have a dark background about love. Kaya nga minsan, naiisip ko, paano ba ako nakakapagsulat ng isang nobela kung lahat ng tungkol sa pag-ibig para sa akin ay nakakainis?

Kapag nanonood ako ng mga teleserye, naiinis ako. Kaya nga hindi ako mahilig manood ng TV, eh. Nakakaadwa ung mga bidang babae at lalaki! Sa reality naman, naglolokohan lang sila. Iyong ganoon ba. Pero hindi ko naman naiintindihan kung bakit lagi akong nagbabasa ng pocketbook. Para lang akong tanga. Pero madalas, sasabihin ko, sus, niloko ko na, aamo-amo ka pa rin sa huli. In the end, loka-loka din ang isip ko. Ahahaha.

Tapos, may isa pang eksena sa buhay ko, na nagtanong ako sa kaklase ko. Ang sabi ko, "bakit ba ganoon ung mga lalaki? Ang gusto sa babae, ung malaki ung boobs saka ung puwet. O di kaya makurbang katawan o di kaya ay iyong may magandang mukha eh lahat naman ng babae, may puke din?" oh well, sorry for the word pero totoo naman. Sagot nung classmate ko, "Libog".

So Lust, after all. Iyon ang siguro more na habol ng isang lalaki sa isang babae. And love? siguro, ewan. Katulad nung nangyari kagabi sa MMK, di ba nag-uhurm sina Denise saka si Matt? Tapos un ang nangyari kaya kailangan nilang magpakasal. Kasi nagka-anak sila. Oh, hindi pala nagpakasal, nag-live-in lang. Tapos nung part na ina-amo-amo na ni Matt si Denise kasi naglayas, naku, sa loob-loob ko, "lolokohin ka din niya sa huli!" ang BI talaga ng isip ko. *sighs. Why am I like this? Parang ayaw ko ng maniwala sa love. Siguro dahil sa mga nangyayari sa buhay ko? Sa mga nangyayari sa paligid ko?

I was like >.< I don't have a love life right now. Tanging si Guji lang, which is a product of my imagination na boyfriend ko daw, ang sinasabi kong BF ko. Marami akong crush. But it doesn't mean, na love ko na din sila.. Love is far away different from like. At may iba pa sa kanilang pinagnanasaan ko? *wink! Ahahaha.

So what is love after all? Baka kailangan kong maramdaman ito nang walang kasinungalingan kaya ako nagkakaganito? O sadyang, Love lang talaga ni God at family ang pinaniniwalaan ko at talaga namang totoo?

Magulong kausap,
Azec Chase.♥

Friday, September 2, 2011

Derrick and Venus war.

Oh, well. I've been trying to write Ares story. Siya iyong kapatid ni Venus. Pero naiinis ako. Magkakagulo kami talaga ni Ares. Hate him, err? >.<

And wala pa rin result si Derrick. Di ko nga alam, eh. Baka nabulok na naman. Returned,? Aa, wag naman sana. Gusto kong tumili! Waah. Sana approve na kahit next week para punta na ulit ako PHR. Ahahaha. Saka sana si Caspian din. :)) (ambisyoso kame pareho, este ako ambisyosa) ahehehe.

Baket ba ako nagpost? trip ko lang. Wala akong maggawa, eh. Nagkakagulo kasi kami. Wala pa kasing result. Kinakabahan ako. Kaya nde ko rin maggawa ng ayos ung ke Ares. Woosh! Sana ma-approve na. Please? o.O Para bibili ako ng quarter pound saka headset na angry birds. May nakita ako sa oddysey, 150 lang. :D

Saka para maibili na din ako ni Mom. Sabi niya, dadagdagan niya daw ung makukuha kong money, eh. Hahaha. Sana lang dalawa approved ko. Kahit ung isa ma-return na, okay lang. Ahehehe. Basta sana dalawa. tatlo ung under evaluation, eh! Good luck sa aken ng todo. I want to have a Sony Vaio. Ewan ko kung baket un ang gusto ko, ahhehehe.

Whirlwind-minded,
Azec Chase.♥